04/09/2026
π§ ROAD CLEARING OPERATION | BARANGAY CANJALON
Nagsagawa ang Barangay Canjalon ng road clearing operation sa pangunguna ng ating mga Barangay Officials at Barangay Tanods, bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating mga lansangan.
Isinagawa ang paglilinis at pagtanggal ng mga damo, kalat at iba pang sagabal sa gilid ng kalsada at mga drainage area upang makatulong sa maayos na daloy ng tubig at mapanatiling ligtas at maayos ang ating kapaligiran.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Barangay Officials at Tanods na patuloy na naglalaan ng oras at lakas para sa kapakanan ng ating mga kabarangay. Ang ganitong gawain ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina at bayanihan, mas nagiging maayos at ligtas ang ating Barangay. π΅ππ€
Serbisyong tapat, para sa bawat pamilyang Canjalon!