DOH Central Luzon

DOH Central Luzon

Share

This is the official page of the DOH Central Luzon Center for Health Development Corazon I.

The Department of Health (DOH) Central Luzon is the principal health agency in Region III. It is responsible for ensuring access to basic public health services to all Filipinos in Central Luzon through the provision of quality health care and regulation of providers of health goods and services. THIS PAGE IS NOT FOR CONSULTATION AND RESEARCH.

** For complaints against health professionals, pleas

03/06/2026

PANOORIN: Ibinahagi ni Soledad Datoc, isang Barangay Health Worker (BHW) mula sa Marilao, Bulacan, ang kanyang karanasan at adbokasiya sa pagpapabakuna ng mga bata bilang bahagi ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Bilang katuwang ng komunidad sa pangangalaga ng kalusugan, aktibo niyang minomonitor ang mga batang dapat mabakunahan at hinihikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maprotektahan laban sa tigdas at rubella.

Mahalagang mabakunahan ang mga bata sa tamang panahon upang maiwasan ang mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon. Sa pagtutulungan ng mga magulang, health workers, at komunidad, masisiguro ang mas ligtas at mas malusog na kinabukasan para sa mga anak.





03/06/2026

The Department of Health Central Luzon Center for Health Development is looking for qualified applicants to fill the position:

• Medical Officer IV (SG 23)

For more information, please click the link: bit.ly/2025NOJVDOH
Submit your application to bit.ly/HIRING2026DOH

Deadline of Submission: June 07, 2026, until 05:00pm

Photos from DOH Central Luzon's post 03/06/2026

TINGNAN: Temporary fixed post vaccination, isinasagawa sa City of San Jose del Monte, Bulacan

Sa paggulong ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, patuloy na umiikot ang ating mga health workers sa mga komunidad upang mas mailapit ang mga bakuna sa publiko.

Upang mas matiyak ang kalidad ng mga bakuna, isinasagawa ang temporary fixed post vaccination sa Lungsod ng San Jose del Monte. Sa ilalim nito, nagkakaroon ng mga pansamantalang vaccination sites sa mga komunidad kung saan tinitipon ang mga magulang at mga batang babakunahan. Sa ganitong paraan, mas natitiyak ang kalidad at bisa ng mga bakuna dahil mas maayos na napapanatili ang tamang temperatura nito.





02/06/2026

Upang makasiguradong malusog at ligtas mula sa iba’t ibang sakit, kagustuhan mismo ni Mommy Mary Grace na makumpleto ang bakuna ng kaniyang anak.

Bilang Nanay, batid niya ang pangamba sa mga banayad at panandaliang side effects ng bakuna gaya ng lagnat, ngunit paalala niya sa kapwa niya magulang, para ito sa proteksyon ng kanilang mga chikiting. Dagdag pa niya, huwag mahiyang magtungo sa health center para magpabakuna.





Photos from DOH Central Luzon's post 02/06/2026

TINGNAN: Masaya at makabuluhang pagsisimula ng Ligtas-Tigdas Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Ngayong umaga, personal na binisita ni DOH Central Luzon Center for Health Development Regional Director Dr. Corazon Flores ang isa sa mga vaccination sites sa bayan upang suportahan ang kampanya laban sa Tigdas.

Kasabay ng pagbabakuna, nagsagawa rin dito ng iba't ibang nakaaaliw at pang-edukasyong aktibidad para sa mga magulang at tagapag-alaga upang higit nilang maunawaan ang kahalagahan ng bakuna sa pagprotekta sa kalusugan ng mga bata at ng buong komunidad.





Photos from DOH Central Luzon's post 01/06/2026

Bilang pagpapatuloy ng paggunita sa International AIDS Candlelight Memorial at sa pagsisimula ng selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, nagsagawa ng HIV Screening ang DOH Central Luzon CHD para sa mga empleyado nito.

Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang adbokasiya sa paghihikayat ng proteksyon laban sa HIV sa pamamagitan ng regular na pagpapatest para dito.



01/06/2026

Sa pagsisimula ng ikalawang yugto ng Ligtas-Tigdas Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA), mga Barangay Health Workers o BHW ang pangunahin nating kasangga sa pagpapaabot ng ating mga programang pangkalusugan sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Kasama ng ating mga doktor, nurse, at iba pang health workers, BHWs ang siyang bumababa, kumakausap, at kumukumbinse sa ating mga kababayan na pabakunahan ang kanilang mga chikiting.

Para kay Nanay Cecilia Palogan, BHW ng Barangay Paliwas sa Obando, Bulacan, tiyaga at malinaw na paliwanag sa kahalagahan ng mga bakuna ang susi upang ma-proteksyonan ang mga bata mula sa mga vaccine-preventable diseases — bakuna ang kailangan upang makaiwas sa mga komplikasyong dulot ng Measles-Rubella gaya na lamang ng pneumonia, impeksyon sa tenga, at iba pa na maaaring humantong sa pagkamatay.





01/06/2026

PANOORIN: Ibinahagi ni Dr. Abner Ganaban, Municipal Health Officer ng Obando, Bulacan, ang bisa ng MR Vaccine.

Ayon sa kanya, “Sa dekada ng pananaliksik at aprubado ng World Health Organization (WHO), ang MR Vaccine ay nagbibigay ng 97%–99% na proteksyon sa mga bata laban sa tigdas at rubella.”

Patuloy na pagpapabakuna ang susi upang mapanatili ang mataas na antas ng proteksyon at maiwasan ang mga seryosong komplikasyon ng mga sakit na ito.

Sama-sama tayong makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at sa pagpapalaganap ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon para sa kaligtasan ng bawat bata.










01/06/2026

‼️10 NAIUWI NG DOH SA PILIPINAS MULA WORLD HEALTH ASSEMBLY‼️

Ano nga ba ang pakinabang sa Pilipinas ng pagdalo at literato ng DOH sa World Health Assembly?

Photos from Department of Health (Philippines)'s post 01/06/2026

‼️PROTEKSYON NG KABATAAN LABAN SA KARAHASAN, ISINULONG NG DOH SA WORLD HEALTH ASSEMBLY‼️

Want your business to be the top-listed Government Service in San Fernando?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Maalaga Street , Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis, City Of San Fernando, Pampanga
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm