Mamaya na....
KALAHI-CIDS PCRP San Fernando, Romblon Municipal Orientationโจ
KALAHI-CIDSS PCRP - San Fernando, Romblon
Please be advised that this is NOT the official page of KALAHI-CIDSS MIMAROPA or DSWD MIMAROPA.
This is an independent initiative intended only for up-to-date activities of KALAHI-CIDSS in San Fernando and other community-sharing purposes.
09/06/2026
๐ข | PABATID SA LAHAT!
Sa papalapit na implementasyon ng Panahon ng Pagkilos, malugod naming inaanyayahan ang mga kinatawan ng mga barangay, lokal na opisyal, mga organisasyon, at iba pang stakeholders na makilahok sa nalalapit na ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ฆ๐ฆ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ (๐ฃ๐๐ฅ๐ฃ) ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป sa Bayan ng San Fernando, Romblon.
Layunin ng gawaing ito na ipakilala ang mga layunin, proseso, at mga oportunidad na hatid ng PCRP upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng ating mga komunidad sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa mga sakuna at iba pang hamon.
Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang sama-sama nating maisulong ang isang ligtas, matatag, at mas handang komunidad para sa lahat.
โช๏ธSama-sama para sa mas matatag na San Fernando!
โช๏ธ Bawat mamamayan, kabahagi sa pagbuo ng komunidad na handa at matatag.
08/06/2026
18/05/2026
๐๐๐ ๐๐จ.2 | Alamin ang iba't-ibang modalities ng KALAHI-CIDSS at kung paano nito binibigyan ng pagkakataon ang mga komunidad na makilahok sa pagpaplano, pagdedesisyon, at pagpapatupad ng mga proyektong tunay na tumutugon sa kanilang pangangailangan.
Mula sa pagpapabuti ng access sa pangunahing serbisyo hanggang sa pagpapatibay ng partisipasyon ng mamamayan, sama-samang kumikilos ang komunidad tungo sa mas maunlad at mas matatag na kinabukasan.
Department of Social Welfare and Development - DSWD
18/05/2026
Please be informed that this page is NOT the official page of DSWD KALAHI-CIDSS. This page is solely an initiative of KALAHI-CIDSS Team of San Fernando, Romblon intended for sharing community updates, accomplishments, and other related information within the municipality.
All posts and announcements published here are for informational and community engagement purposes only. For official statements, announcements, and directives, please refer to the official DSWD KALAHI-CIDSS Communication channel provided below;
< https://www.facebook.com/share/1J3z6iuoW1/ >
Thank you for your understanding and continued support in promoting community participation and resilience.
- KALAHI-CIDSS ACT San Fernando, Romblon Team
18/05/2026
29/03/2026
๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฝ๐ฎ๐!
Sa paggunita ng Palm Sunday, inaanyayahan tayong magnilay sa diwa ng kababaang-loob, pananampalataya, at pag-asa. Ito ang simula ng paglalakbay ng Semana Santa na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng taimtim na pananalig at bukas na puso sa paglilingkod sa kapwa.
Sa gitna ng ating mga personal na hamon at tungkulin, nawaโy magsilbi itong pagkakataon upang muling pagtibayin ang ating malasakit sa isaโt isa, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng pag-unawa, pagdamay, at suporta.
Kaisa ang DSWD Field Office MIMAROPA sa patuloy na pagsusulong ng serbisyong may puso, pagkakaisa, at pag-asa para sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.
โค๏ธ
25/03/2026
Team KALAHI-CIDSS San Fernando para sa kababaihan๐๐
25/03/2026
๐๐ฒ๐ถ๐ฑ๐ถ ๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐๐ฎ, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฆ๐ช๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐
Naging tampok sa DEAL Webinar Series na may temang โWomen at Work: Driving Change with Purposeโ noong Marso 19, 2026 si Heidi Mendoza, dating COA Commissioner, kung saan ibinahagi niya ang kanyang makabuluhang karanasan at pananaw sa papel ng kababaihan sa governance, pamumuno, at community development.
Sa kanyang talakayan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng integridad, malasakit, at malinaw na layunin sa paglilingkod, bilang mga pangunahing salik sa pagsulong ng positibong pagbabago sa lipunan. Ibinahagi rin niya ang mga hamon na kanyang hinarap sa serbisyo publiko at kung paano ito nagsilbing inspirasyon upang magpatuloy sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Nagbigay rin ng kanilang mga reaksyon sina Lester John Orbe, Zarahlynne T. Lomerio, at Jobelle Rostata, na nagbahagi ng mga pananaw at repleksyon na lalong nagpalalim sa diskurso ukol sa mahalagang ambag ng kababaihan sa ibaโt ibang larangan ng serbisyo publiko.
Naging aktibo ang partisipasyon ng mga dumalo sa pamamagitan ng Q&A at pagbabahagi ng kanilang mga karanasan, na nagbigay-daan sa mas makabuluhang palitan ng ideya at inspirasyon.
Sa kabuuan, nagsilbing mahalagang plataporma ang webinar upang kilalanin at ipagdiwang ang kakayahan ng kababaihan bilang mga lider at tagapagtaguyod ng pagbabago sa kanilang mga komunidad.
โค๏ธ
23/03/2026
Ang San Fernando ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ฆ๐ฆ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฃ ay buong pusong nakiisa sa pagdiriwang ng Municipal-wide ๐๐ค๐ข๐๐ฃโ๐จ ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐ ๐พ๐๐ก๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ bilang pagpupugay sa kababaihanโpagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan, pagpapahalaga sa kanilang presensya, at pagdiriwang ng kanilang lakas, talino, at kakayahan.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa ng boluntaryong pamamahagi ng bulaklak ang Area at Municipal Coordinating Team. Bagamat isang simpleng gawain, ito ay sumasalamin sa taos-pusong pagpapakita ng pagmamahal, paggalang, at pagkilala sa kontribusyon ng bawat kababaihan sa komunidad.๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Poblacion, Romblon
San Fernando
5513
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
