15/11/2025
🚨 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: 𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗦𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗕𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗣𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗙𝗢𝗥 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 🚨
Mahigpit na pinaaalalahanan ng Commission on Elections ang publiko tungkol sa kumakalat na PHISHING WEBSITE NA NAGPAPANGGAP BILANG COMELEC ONLINE APPOINTMENT SYSTEM para sa voter registration.
Ang Google Forms na ito, pati na ang InstaPay QR Code, ay HINDI GAWA O AWTORISADO NG COMELEC. Libre lamang ang pagpapa-rehistro ayon sa batas. Kailanman ay hindi hihingi at/o tatanggap ng kabayaran ang COMELEC para dito.
Huwag i-click ang link o mag-transact gamit ang QR code na nasa mga larawan. Huwag ibigay ang inyong impormasyon, tulad ng pangalan, araw at lugar ng kapanganakan, sapagkat ang inyong personal data ay maaaring gamitin ng scammers at fraudsters sa mga hindi magagandang gawain, tulad ng pagnanakaw ng inyong pagkakakilanlan (identity theft) at iba pang anyo ng panloloko.
🤔 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻?
✅ 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢. Tandaan: Ang pagpaparehistro bilang isang botante sa COMELEC ay GANAP NA LIBRE. Ang anumang portal na humihingi ng bayad para sa appointment o serbisyo ay PEKE at HINDI AWTORISADO.
❌ 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗖𝗟𝗜𝗖𝗞 𝗼 𝗠𝗔𝗚-𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗔𝗖𝗧. Mahigpit na ipinapayo sa publiko na HUWAG mag-click sa link na ito, magbigay ng personal na impormasyon, o magsimula ng anumang transaksyon sa pamamagitan ng QR code na humihingi ng bayad.
❌ 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡. Huwag magbigay ng inyong personal na impormasyon tulad ng email, pangalan, o iba pang sensitibong detalye sa mga HINDI BERIPIKADONG PORTAL.
Ugaliing mag-double check bago magtiwala sa anumang impormasyon o link na makikita sa internet. Tanging ang opisyal at beripikadong social media channels at website ng COMELEC lamang ang dapat pagkakatiwalaan para sa mga anunsyo, appointment, at mga opisyal na serbisyo.
Ang pagiging vigilante ay isang responsibilidad.
Panatilihing protektado ang inyong personal data at maging maingat sa lahat ng oras. Iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o website sa official social media channels ng COMELEC.