Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon, Government Organization, Brgy. Pugon, San Francisco.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon's post 07/01/2026

Abante Estudyante: Overnight Camping🔥🏕️

📌 January 3, 2026

Isang gabing hindi malilimutan ng bawat kabataan. Gabi ng pagkatuto, saya at aral. Nakakubli sa gabing ito ang walang katumbas na pagyabong ng pangarap ng bawat kabataang Pugonian. Nawa ay magsilbing pananggalang ang apoy sa pag-abot ng inyong mga pangarap sa buhay.

Piliin laging pagtibayin maging ang gatiting na ningas upang hindi ito mapupos. Katulad na kung paano niyo pinagtitibay ang laban patungo sa inyong tagumpay.

Isang nag-aalab na pasasalamat sa mga naging parte ng makabuluhang programang ito.❤️‍🔥🩵



Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon's post 02/01/2026

🎤✨ KILALANIN ANG ATING MGA GUEST SPEAKERS ✨🔥

Makakasama natin sa Overnight Camping: Abante Estudyante Program ang mga tagapagsalita na handang magbahagi ng kaalaman, karanasan, at motibasyon para sa ating mga Grade 12 students. Sa kanilang mga kwento at aral, mas mapapalakas ang loob ng kabataan upang mangarap, magsikap, at maniwala sa sariling kakayahan.

Let your dream ablaze, future professionals!🔥🫰🏼

Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon's post 01/01/2026

🏕️ ABANTE ESTUDYANTE: OVERNIGHT CAMPING🔥

Sama-sama tayong maging saksi sa naghihintay na katuparan ng pangarap ng bawat kabataang Pugonian.

📌 January 3, 2026

✨ Let your dream ablaze, future professionals!

29/12/2025

ABANTE, ESTUDYANTE! 🔥🏕️

Handa ka na bang magliyab ang iyong mga pangarap? Ito ay isang gabi ng saya, aral, pagkakaisa, at inspirasyon para sa mga Grade 12 students na handang humarap sa susunod na yugto ng kanilang buhay bilang future professionals. 👨🏼‍🏫👨🏼‍🍳👨🏼‍🔧👮🏼‍♂️

Dito, sabay-sabay nating palalakasin ang loob, huhubugin ang pangarap, at sisindihan ang apoy ng pag-asa.

Let your dream ablaze! 🔥
Para sa kabataang handang umabante 💚

26/10/2025

ANNOUNCEMENT !!!!!!!!
WHAT: Barangay Assembly
WHERE: Brgy. Pugon Covered court
WHEN: October 28,2025
TIME: 1:00 PM

23/10/2025

POSTPONED!!!!!!!
Barangay Assembly

21/10/2025

BARANGAY ASSEMBLY DAY!
2nd Semester-CY 2025

"Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly"
Oct 25, 2025 at 1:00 PM
Venue: Centro, Covered Court

20/10/2025

Warmest Congratulations!

To our incredible SK Chairperson, on being recognized as the Most Outstanding SK Chairperson District Wide and Finalist for Most Outstanding Sk Project in Education ad Peace Building and Security. This remarkable achievement is a testament to your tireless efforts, unwavering dedication, and passion for serving our youth and community.

Your leadership has inspired a new generation of young leaders to get involved, participate, and make a difference. Your selflessness, wisdom, and compassion have earned you the respect and admiration of your peers and constituents.

23/09/2025

PAGBATI!!

Para sa ating Best Inspirational Quote, ang nagwagi ay si Mrs. Myrch Ortilano, 2nd year college from Quezonian Educational College Inc (QECI).

Samantala, si Mr. Danjie Tapalla, 1st year college from Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena (DLL) naman ang nagwagi sa ating Most Reacted Photo.

Congratulations, Kolehiyong Pugonians!



Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon's post 23/09/2025

EDUCATIONAL ASSISTANCE PAYOUT FOR ALL COLLEGE STUDENTS WHO APPLIED IN OUR ABANTE ESTUDYANTYE PROGRAM✨

Lahat ng mga nag-apply na Kolehiyong Pugonians ay makakatanggap ng Educational Assistance. Hangad namin na ang aming programa ay makatulong sa inyong lahat. Para sa kabataan at para sa bayan!🤞

Para sa mga nag-aaral sa San Francisco Municipal College (SFMC), para sa inyong educational assistance, mangyaring makipag-ugnayan kay SK Kagawad Chona Risas.

Para naman sa nag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Mulanay, Quezon, kayo ay makipag-ugnayan kay Mr. John Joseph Lubiano.

Para sa mga nag-aaral sa Quezonian Educational College Inc. (QECI) at Luis Guinto Memorial College (LGMC) sa bayan ng atimonan Quezon, kayo ay makipag-ugnayan kay Ms. Jemima Octoman.

Samantala, lahat ng iba pang nasa iba't-ibang bayan at paaralan ay matatanggap ang kanilang Educational Assistance thru gcash hanggang bukas. Maaaring makipag-ugnayan kay SK Arjay Lubiano sa pagkakatoong hindi pa nakakareceive hanggang bukas ng gabi.

PAGBATI KOLEHIYONG PUGONIANS!

Laging a-AKSYON sa EDUKASYON📖



Photos from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pugon's post 21/09/2025

THE WAIT IS OVER! 🎉

Heto na ang mga Kabataang Kolehiyong Pugonians — mga silent fighters, mga patuloy at dedikadong lumalaban para sa kanya-kanyang minimithing pangarap. 🎓

Maagap na pagbati sa inyong lahat, mga Kolehiyong Pugonians! Ang bawat hakbang niyo patungo sa eskwela, bawat puyat, at bawat sakripisyo — lahat ‘yan ay tagumpay hindi lang para sa inyo, kundi para sa buong Barangay Pugon! 💪

Salamat sa inyong tibay ng loob, sa inyong tapang, at sa inyong pagiging inspirasyon sa kapwa Kabataang Pugonians. Kayo ang buhay na patunay na “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan” — hindi lang sa salita, kundi sa realidad.

📌 BILANG BAHAGI NG ATING “ABANTE ESTUDYANTE: EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM" -
ang Most Reacted Photo at Best Inspirational Quote ay makakatanggap ng premyo mula kay SK Arjay Lubiano.

✨ BEST INSPIRATIONAL QUOTE — 500 pesos💸
✨ MOST REACTED PHOTO — 500 pesos💸
⏰ CUT-OFF DATE & TIME PARA SA MOST REACTED PHOTO: Setyembre 23, 2025, 12:00 NN

Ito ay higit pa sa isang programa — ito ay pagkilala sa inyong dedikasyon, lakas, at pagiging makabuluhang inspirasyon para sa iba. Kahit gaano kabigat ang bawat yugto patungo sa tagumpay, kahit gaano kahaba ang listahan ng mga aralin at gawain— tayo’y magpatuloy. Ipakita natin na ang Pugon ay puno ng matatag at dedikadong kabataan na handang maging ilaw para sa kinabukasan ng komunidad at bayan.

PALAGI TAYONG UMABANTE, KAPWA NAMIN ESTUDYANTE!



16/09/2025

Pagbati kay Mark O. Macasa, PNHS - SSLG President. Nahalal bilang Junior Youth Official-Municipal Councilor ng Bayan ng San Francisco sa nagdaang San Francisco Linggo ng Kabataan 2025.

Noong Lunes, Setyembre 15, 2025, nanumpa sa katungkulan si Hon. Councilor Mark O. Macasa. Kasabay nito, naging bahagi siya ng isinagawang regular na sesyon ng Sangguniang Bayan kung saan siya ay itinalaga bilang kabahagi ni Hon. Engr. Rara Aguila.

Ito ay isang malaking oportunidad para sa ating mga kabataan upang payabungin ang kamalayang pampolitikal.

Muli, congratulations, Mark O. Macasa, at sa mga bagong halal na Junior Youth Officials ng Bayan ng San Francisco!✨

Want your business to be the top-listed Government Service in San Francisco?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. Pugon
San Francisco