Barangay Anyatam

Barangay Anyatam

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Anyatam, Public & Government Service, San Ildefonso.

Photos from Barangay Anyatam's post 05/05/2026

Isang karangalan ang pagkilalang ito para sa Barangay Anyatam. Taos pusong pasasalamat sa tiwala at patuloy na suporta ng mga kabarangay. Patuloy po kaming magseserbisyo nang may integridad at malasakit.



"GilbertoP.Ramos"

Photos from Barangay Anyatam's post 08/04/2026

MAHALAGANG PABATID

[ PAANYAYA SA PAMPUBLIKONG PAGDINIG ]

Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay Anyatam at mga karatig-barangay na makiisa sa isang Pampublikong Pagdinig na pangungunahan ng Sangguniang Bayan ng San Ildefonso sa pamamagitan ng Committee on Environment and Natural Resources.

Layunin ng pagdinig na ito na talakayin ang mga reklamong
natanggap hinggil sa mabahong amoy at posibleng epekto nito sa kalusugan at kapaligiran. Mahalaga po ang inyong pagdalo upang marinig ang boses ng bawat isa at makabuo ng nararapat na aksyon.

Sama-sama po tayong makiisa para sa kalinisan, kalusugan, at
kaayusan ng ating barangay. Inaasahan ang inyong pakikilahok, Salamat po!

Petsa: Abril 13, 2026
Oras: 8:00 ng umaga
Lugar: Covered Court, Anyatam Elementary School

– Sangguniang Barangay ng Anyatam

29/03/2026

CONGRATULATIONS!

[ PALARONG PAMBANSA 2026 DELEGATE ]

Prince Ryan O. Ramos
Taekwondo Poomsae Athlete

EDDIS Meet
• Team EB – Gold Medalist
• Freestyle – Gold Medalist

Provincial Meet
• Freestyle Poomsae – Gold Medalist

CLRAA Meet
• Team EB – Gold Medalist
• Freestyle – Gold Medalist

Mula sa Sangguniang Barangay ng Anyatam, taos-puso naming binabati si Prince Ryan O. Ramos sa kanyang galing at husay sa larangan ng Taekwondo Poomsae bilang delegado sa Palarong Pambansa 2026. Ipinagmamalaki natin ang kanyang tagumpay sa larangan ng isports, kung saan buong tapang niyang bitbit ang pangalan ng Paaralang Elementarya ng Anyatam. Pagbati rin sa kanyang mga tagapagsanay na sina Gng. Juliet Arceo at G. Rodeo Casangkapan, gayundin sa Punong G**o IV ng Paaralan na si G. Raulito C. Mallari, PhD, sa kanilang gabay at suporta. Ipinagmamalaki ng Barangay Anyatam ang tagumpay na ito!

Photos from Barangay Anyatam's post 25/03/2026

MAHALAGANG PABATID

[ VOTER'S & SK REGISTRATION ]

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong botante, kabilang ang kabataan, na magparehistro upang makalahok sa mga susunod na halalan.

Maraming Salamat sa inyong pakikiisa!

17/03/2026

MAHALAGANG PABATID

[ PAANYAYA SA PUBLIC CONSULTATION / DIALOGUE ]

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng
Barangay Anyatam na dumalo sa isang Public Consultation/Dialogue kaugnay ng mga reklamong lumalabas hinggil sa umano’y masamang amoy na nararanasan sa ilang bahagi ng ating barangay.

Layunin ng pagpupulong na ito na mapakinggan ang panig ng mga residente at mabigyang-linaw
ang nasabing usapin, katuwang ang kinauukulang kumpanya at mga kinatawan ng pamahalaan.

Mahalaga ang inyong presensya upang maipahayag ang inyong saloobin at makiisa sa paghahanap ng solusyon sa nasabing isyu.

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi, makiisa.

Petsa: March 18, 2026
Oras: 5:00 ng hapon
Lugar: Far East Fuel Corp., Barangay Anyatam

– Sangguniang Barangay ng Anyatam

10/03/2026

Road closure advisory
Ipinapaalam po sa lahat Ng residente at motorista na ang Anyatam-Mapaniqui Road ay pansamantalang isasara sa mga sumusunod na petsa:
March 15, 16, 17, at 18, 2026 (Sunday Hanggang Wednesday)
Ang pagsasara Ng kalsada ay dahil sa concreting, repair, rehabilitation Ng Anyatam Bridge na isinasagawa.
Sa March 19. 2026 (Thursday) ay light vehicles lamang ang papayagang dumaan.

10/03/2026

Road Advisory
Ipinapaalam po sa mga residente at motorista na ang Anyatam- Mapanuqui Road ay pansamantalang isasara sa mga sumusunod na petsa:
March 15, 16, 17 at 18.
Ang pagsasara Ng kalsada ay dahil sa concreting, repair at rehabilitation Ng Anyatam Bridge.
Sa March 19, 2026 ay light vehicles lamang ang papayagang dumaan.
Maraming salamat po!

10/03/2026

Attention mga Kabarangay ng Anyatam! Inaanyayahan po ang lahat na dumalo at maki isa sa gaganaping Barangay General Assembly Day (1st Semester 2026) ng ating Barangay. March 15, 2026 at 3:00 to 5:00 PM sa Anyatam Elementary School. Mahalaga ang inyong presensya. Ang Barangay Assembly ay pagkakataon ng bawat mamamayan na makilahok sa pamamahala at pag unlad ng ating barangay. Makilahok. Maki alam. Makibahagi. Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Anyatam na dumalo. Maraming Salamat Po at kita-kits tayo.

04/03/2026

Pabatid pong muli mula sa PrimeWater

Want your business to be the top-listed Government Service in San Ildefonso?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


San Ildefonso
3010