San Ildefonso Bulacan Public Market

San Ildefonso Bulacan Public Market

Share

Economic Enterprises Operations Services

19/05/2026




: Psalm 73:26: My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and my portion forever.

Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 18/05/2026




Magpapatuloy po ang bentahan ng ₱20 Rice Project bukas, (May 19, 2026) 8:00 AM, sa San Ildefonso Public Market.

Patuloy po itong isinasagawa sa pakikipagtulungan ng ating Punong Bayan Fernando Galvez Jr., kasama ang buong suporta ng ating Municipal Administrator/Market Supervisor Roberto Valdizno.

: Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Juan 14:6

17/05/2026




MULING MAGBUBUKAS ANG BENTAHAN NG ₱20 RICE PROJECT!

Bukas na, May 18, 2026 Monday | 8:00 AM, muling magpapatuloy ang pagbebenta ng ₱20 Rice Project dito sa San Ildefonso Public Market.

Sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Bayan na si Fernando Galvez Jr. at buong suporta ng ating Municipal Administrator/Market Supervisor na si G. Roberto Valdizno, layunin nating maipagpatuloy ang programang makatutulong sa ating mga kababayan.

Mga kwalipikadong benepisyaryo:
• Senior Citizens
• PWD
• Solo Parent
• 4Ps Beneficiaries
• Farmers
• Minimum wage workers, delivery riders, and public transport drivers
• Indigenous People's (IPs)

Makipag-ugnayan sa Public Market Office at dalhin ang kinakailangang ID.
Huwag kalimutang magdala ng sariling eco bag.

Patuloy po tayong makiisa at sumunod sa mga alituntunin upang mas marami pa tayong matulungan.

Sama-sama para sa mas maunlad at masaganang San Ildefonso!



: “Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako magkukulang.” — Awit 23:1

Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 09/05/2026

Celebrate Love this Mother’s Day at the San Ildefonso Commercial Complex Flowers Bazaar!

Handog namin ang iba’t ibang magagandang bulaklak at bouquets para sa pinakamamahal nating ilaw ng tahanan — si Nanay. 🌷

Iparamdam natin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanilang walang sawang pag-aaruga at sakripisyo.

Visit now at San Ildefonso Commercial Complex Flowers Bazaar

Perfect gift para kay Mama, Lola, asawa, o sa lahat ng ina na nagbibigay inspirasyon sa ating buhay.

: Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her: “Many women do noble things, but you surpass them all.”— Proverbs 31:28-29

Happy Mother’s Day to all amazing moms!

Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 01/05/2026



Checking of weights and measures sa San Ildefonso Public Market:

Isinasagawa po natin ang regular checking at verification ng mga timbangan (weights and measures) sa San Ildefonso Public Market upang masiguro ang tamang sukatan at patas na kalakalan para sa lahat ng mamimili at tindero.

Layunin po nito na maprotektahan ang karapatan ng bawat mamimili at mapanatili ang tiwala sa ating pamilihan.

Maraming salamat po sa pakikiisa ng ating mga vendors at mamimili!

: “Ang tamang sukatan ay kaluguran ng Panginoon.” – Kawikaan 11:1



Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 28/04/2026

FREE MEDICAL SCREENING SA SAN ILDEFONSO PUBLIC MARKET! 🩺

Magandang balita po sa ating mga kababayan! Ngayon po ay isinasagawa ang LIBRENG Medical Screening dito sa San Ildefonso Public Market.

Mga serbisyong available:
• Eye check-up (Eye Maladies)
• Cleft Lip/Palate screening
• Clubfoot assessment
• Below-the-knee amputee assistance

Walang age limit (maliban sa ilang kondisyon tulad ng cleft palate at clubfoot na may age requirement).
Ito ay hatid ng Mabuhay Desert Foundation katuwang ang iba’t ibang organisasyon upang magbigay ng tulong medikal sa ating komunidad.

Sa tulong ng ating Mayor Fernando Gazo Galvez Jr., at sa suporta ni Admin Roberto Valdizno at ng buong Market Staff, naisakatuparan ang programang ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Huwag palampasin ang pagkakataon na makapagpa-check up nang LIBRE!

Punta na po sa San Ildefonso Public Market habang ongoing pa ang screening.

: Ang Panginoon ang nagpapagaling sa iyo. — Exodo 15:26

Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 02/04/2026


APRIL 1, 2026 | GENERAL CLEANING

Isinagawa kahapon ang General Cleaning, Flushing, at Disinfecting sa San Ildefonso Public Market upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating pamilihan.

Alinsunod sa kautusan ni Mayor Fernando Galvez Jr. na panatilihing malinis ang pamilihan, at sa buong suporta ni Administrator Roberto Valdizno, matagumpay na naisagawa ang gawaing ito sa tulong ng ating masisipag na market personnel, vendors, at BFP San Ildefonso.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong!
Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa para sa ligtas at maayos na pamimili ng ating mga mamamayan.

: “Let all things be done decently and in order.”— 1 Corinthians 14:40



Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 20/03/2026

1ST BATCH LINING SA TIANGGE

Nagsagawa ang San Ildefonso Public Market ng 1st batch na pagguhit ng linya para sa mas maayos, organisado, at patas na pwesto ng tiangge.

Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at maayos na daloy ng mga mamimili at vendors.

Amin po inaasahan ang pakikiisa ng lahat ng vendors.

Maraming salamat po!


Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 20/03/2026



Alinsunod sa Executive Order No. 2, Series of 2026, ang Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso ay magpapatupad ng Four (4)-Day Compressed Workweek Arrangement

Gayunpaman, ang San Ildefonso Public Market ay mananatiling BUKAS at tuloy-tuloy ang operasyon upang patuloy na makapaghatid ng serbisyo sa ating mga mamimili at mga tindero.

Business as usual po tayo!
Patuloy ang bentahan ng sari-saring produkto tulad ng bigas, gulay, karne, isda, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Photos from San Ildefonso Bulacan Public Market's post 06/03/2026



PAG-IINSPEKSYON NG TIANGGE PERMITS SA SAN ILDEFONSO PUBLIC MARKET

Ngayong araw ay nagsagawa ng checking at verification ng mga tiangge permits sa San Ildefonso Public Market upang matiyak na ang lahat ng nagtitinda ay may kaukulang pahintulot at sumusunod sa mga alituntunin ng pamilihang bayan.

Inaanyayahan ang lahat ng mga tiangge vendors na makipagtulungan at tiyaking updated ang kanilang permits upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pagtitinda.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa ng ating mga kababayan para sa maayos at organisadong pamilihan.

: “Let all things be done decently and in order.”
— 1 Corinthians 14:40


Want your business to be the top-listed Government Service in San Ildefonso?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Poblacion
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 2am - 8pm
Tuesday 2am - 8pm
Wednesday 2am - 8pm
Thursday 2am - 8pm
Friday 2am - 8pm
Saturday 2am - 8pm
Sunday 2am - 8pm