30/07/2023
BAGYONG EGAY | BARANGAY ANYATAM
Dahil sa bagsik ng Super Typhoon Egay, matinding baha ang naramdaman sa ilang purok dito sa ating Barangay. Kaya't kaugnay nito, walang inaksayang panahon ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating butihin Kapitan, Kapitan Ibet Ramos, sa pamamahagi ng mga pagkain sa pamilyang lubos na naapektuhan ng Bagyo at nagdulot ng matinding pagbaha. Katuwang ng ating Kapitan ang kanyang mga Konsehal, SK at mga Konsehal, Mother Leader, BHW, Tanod at ilang mga Volunteers.
Patuloy pa rin ang pag-monitor upang maghatid ng agarang aksyon. Sama-sama tayong manalangin para sa pagbangon muli ng ating mga kabarangay.
