ONE Malipampang

ONE Malipampang

Share

OFFICIAL PAGE of Barangay Malipampang 2024

Photos from ONE Malipampang's post 01/06/2026

πŸ“’ BRIGADA ESKWELA 2026

Ipinapabatid po sa ating mga kabarangay na ang ating Punong Barangay Roy Santos ay nakibahagi sa pagbubukas at pagsasagawa ng Brigada Eskwela bilang pagpapakita ng suporta sa ating mga paaralan, g**o, mag-aaral, at mga magulang.

Ang Brigada Eskwela ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan kung saan nagkakaisa ang komunidad upang masig**o ang isang ligtas, maayos, at handang kapaligiran para sa pag-aaral ng ating mga kabataan.

Lubos po nating pinasasalamatan ang lahat ng mga boluntaryo, g**o, magulang, at iba pang katuwang na naglaan ng oras at serbisyo para sa ikatatagumpay ng gawaing ito.

Sama-sama para sa mas maayos na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan!

01/06/2026

πŸŽ‰πŸŽ‚ HAPPY BIRTHDAY, JUNE CELEBRANTS! πŸŽ‚πŸŽ‰

Ngayong buwan ng Hunyo, aming binabati ng isang maligayang kaarawan ang ating masisipag at dedikadong Barangay Workers na nagdiriwang ng kanilang kaarawan!πŸŽ‚πŸŽŠ

Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod, pagmamalasakit, at kontribusyon sa ating barangay. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at maraming biyaya sa buhay.πŸŽ‚πŸŽŠ

Hangad namin na maging makabuluhan at puno ng masasayang alaala ang inyong espesyal na araw kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.πŸ₯³πŸŽ‚

Pagbati mula sa ating mapagmahal na Kapitan Roy "Paloy" Santos. 🎈

Disclaimer: The music, videos and images used in the content belong to the rightful owner, NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.

25/05/2026

πŸ“£ANNOUNCEMENTπŸ“£

πŸ“’ Para sa mga gustong mag-aral at maipagpatuloy ang kanilang edukasyon, bukas ang Alternative Learning System (ALS) para sa inyo! πŸ“šβœ¨

Hindi hadlang ang edad o sitwasyon upang makamit ang pangarap na makapagtapos. Sama-sama nating abutin ang mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon. πŸ’™

Mag-enroll na at simulan ang bagong pag-asa para sa iyong kinabukasan!

Makipag- ugnayan lamang po tayo kay Sir Vlad para sa mga inpormasyon.

Photos from ONE Malipampang's post 22/05/2026

πŸ“£πŸ“£ ABISO SA ATING MGA MOTORISTA πŸ“£πŸ“£

Magalang po naming hinihingi ang inyong malawak na pang-unawa, mahabang pasensya, at kooperasyon dahil kasalukuyang ginaganap ang ating Grand Flores de Mayo dito sa ating barangay. 🌸🌼

Asahan po ang pansamantalang pagbagal ng daloy ng trapiko at posibleng pagsasara ng ilang bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang parada at iba pang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang.

Ang Flores de Mayo ay isang mahalagang tradisyon at selebrasyon ng pananampalataya at pagkakaisa ng ating komunidad, kaya’t lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pag-unawa at suporta upang maging maayos at ligtas ang pagdaraos nito para sa lahat.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-iingat sa pagmamaneho. 🫑

Photos from ONE Malipampang's post 22/05/2026

Isang Magandang Araw ng Biyernes mga ka-barangay. πŸ₯°

Para sa nalalapit na tag-ulan at panahon ng bagyo ay patuloy na ipinapalinis ng ating masipag na Kapitan Roy "Paloy" Santos ang mga kanal sa ating barangay upang maiwasan ang pagbaha at pagkakaroon ng sakit dulot ng maruming mga kanal.

Kasalukuyan ay sinisimulan ng linisin ang mga kanal sa Purok 2. Kaya naman hinihikayat ang bawat isa na panatilihin din nating malinis ang ating kapaligiran upang makaiwas sa sakit na dulot ng maruming kapaligiran.

Maraming salamat sa inyong pakiki-isa

20/05/2026

πŸŽ’βœ¨ ETO NA ANG INYONG PINAKAHIHINTAY PAGSASABAYIN NA ANG KINDER AT DAYCARE STUDENTSβœ¨πŸŽ’

Mga nanay, tatay, at ating mga munting KINDER AT DAYCARE STUDENTS.... Handa na ba kayo? πŸ‘§πŸ§’πŸ“š

Ngayong darating na Lunes ang inyong schedule para sa ating LIBRENG SCHOOL SUPPLIES. Ito ay para sa ating mga KINDER at DAYCARE STUDENTS na enrolled ngayong school year 2026-2027! πŸ–οΈβœοΈπŸ“’

πŸ“Venue: DAYCARE CENTER, PUROK 6, katabi ng BRGY. HALL
πŸ“… Date: May 25, 2026 (MONDAY)
⏰ Time: 8:00 ng umaga

Dahil mas masarap mag-aral kapag kumpleto ang gamit! ❀️

Kaya tara na at huwag palampasin ang munting handog ng ating minamahal na Kapitan Roy "Paloy" Santos na siguradong magpapangiti sa ating mga chikiting. 😊

β€œAng batang may baon na school supplies, mas ganado sa pag-abot ng kanilang mga pangarap!” 🌟

Kita-kits! πŸŽ‰πŸ“š

19/05/2026

πŸŽ’βœ¨ ETO NA ANG INYONG PINAKAHIHINTAY! βœ¨πŸŽ’

Mga nanay, tatay, at ating mga munting DAYCARE STUDENTS.... Handa na ba kayo? πŸ‘§πŸ§’πŸ“š

Ngayong darating na Lunes ang inyong schedule para sa ating LIBRENG SCHOOL SUPPLIES. Ito ay para sa ating mga DAYCARE STUDENTS na enrolled ngayong school year 2026-2027! πŸ–οΈβœοΈπŸ“’

πŸ“Venue: DAYCARE CENTER, PUROK 6, katabi ng BRGY. HALL
πŸ“… Date: May 25, 2026 (MONDAY)
⏰ Time: 8:00 ng umaga

Dahil mas masarap mag-aral kapag kumpleto ang gamit! ❀️

Kaya tara na at huwag palampasin ang munting handog ng ating minamahal na Kapitan Roy "Paloy" Santos na siguradong magpapangiti sa ating mga chikiting. 😊

β€œAng batang may baon na school supplies, mas ganado sa pag-abot ng kanilang mga pangarap!” 🌟

Kita-kits! πŸŽ‰πŸ“š

Photos from ONE Malipampang's post 19/05/2026

ISANG MATAGUMPAY NA PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES BATCH 2! πŸ“šβœοΈπŸŽ’

Matagumpay na naisagawa ang 2 araw na distribution ng libreng school supplies para sa mga mag-aaral ng Grade 1 hanggang Grade 6 ng Malipampang Elementary School, handog ng masipag at mapagmalasakit na si Kapitan Roy β€œPaloy” Santos.πŸ₯°πŸ«‘

Sa tulong ng ating kapitan, halos lahat ng mga mag-aaral ay nabigyan ng kanilang school supplies bilang paghahanda sa kanilang pag-aaral ngayong pasukan. Tunay na nakakatuwang makita ang suporta at malasakit para sa edukasyon ng kabataan ng ating barangay. 🫑🫑

Para naman sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang school supplies, maaari lamang pong magtungo sa Barangay Hall hanggang Biyernes upang makuha ang mga ito.πŸ₯°

Samantala, para sa mga magulang ng Kinder at Daycare learners, maghintay lamang po ng opisyal na anunsyo kung kailan gaganapin ang inyong schedule ng distribution.πŸ₯°πŸ’™

Maraming salamat po sa patuloy na pagtutulungan at suporta ng bawat isa para sa mag-aaral ng Barangay Malipampang! πŸ’™

18/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in San Ildefonso?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Purok 3 Malipampang
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm