Nong Nong Bautista

Directions

Nong Nong Bautista Dahil buong puso akong maglilingkod para sa inyo.

Dumalo si Konsehal Nong Nong Bautista sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat sa Bahay Pamahalaan ng San Ildefons...
05/10/2026

Dumalo si Konsehal Nong Nong Bautista sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat sa Bahay Pamahalaan ng San Ildefonso, kasama ang ating Punong Bayan, Igg. Fernando "Gazo" S. Galvez Jr., at iba pang mga kawani ng ating munisipyo.

Ang simpleng seremonyang ito ay mahalagang paalala ng ating pagmamahal sa bayan, paggalang sa ating watawat, at pagkakaisa sa paglilingkod sa mamamayan.

Patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagiging makabayan at ang tapat na pagtupad sa tungkulin para sa ikabubuti ng buong San Ildefonso.

Serbisyo para sa bayan, puso para sa San Ildefonso dahil

𝐇𝐚𝐥𝐥𝐨𝐖𝐈𝐍 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐞𝐞𝐧! 𝐇𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐂𝐨𝐬𝐭𝐮𝐦𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐈𝐈𝐈𝗦𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝: 1𝐬𝐭 𝐏𝐫𝐢𝐳𝐞 - 𝐏𝐡𝐩 𝟏𝟎,𝟎...
01/10/2026

𝐇𝐚𝐥𝐥𝐨𝐖𝐈𝐍 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐞𝐞𝐧! 𝐇𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐂𝐨𝐬𝐭𝐮𝐦𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐈𝐈𝐈

𝗦𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝:
1𝐬𝐭 𝐏𝐫𝐢𝐳𝐞 - 𝐏𝐡𝐩 𝟏𝟎,𝟎𝟎𝟎
2𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐳𝐞 - 𝐏𝐡𝐩 𝟓,𝟎𝟎𝟎
3𝐫𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐳𝐞 - 𝐏𝐡𝐩 𝟑,𝟎𝟎𝟎
𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞’𝐬 𝐂𝐡𝐨𝐢𝐜𝐞 (𝐎𝐍𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐕𝐎𝐓𝐈𝐍𝐆) - 𝐏𝐡𝐩 𝟐,𝟎𝟎𝟎
𝟓 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐢𝐳𝐞 𝐰𝐨𝐫𝐭𝐡 𝐏𝐡𝐩 𝟏𝟎𝟎𝟎
𝐀𝐓 𝟏𝟎 𝐋𝐮𝐜𝐤𝐲 𝐒𝐡𝐚𝐫𝐞𝐫 𝐰𝐨𝐫𝐭𝐡 𝐏𝐡𝐩 𝟓𝟎𝟎

𝐌𝐄𝐂𝐇𝐀𝐍𝐈𝐂𝐒

* Bukas ito sa lahat ng mga residente ng San Ildefonso.

* Kinakailangan naka-like at Follow sa Official page ni Nong Nong Bautista.

* Mag-tag ng Sampung (10) Facebook Friends at I-Share ang ating post gamit ang hashtags na:

*I-Comment ang 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀-𝐂𝐑𝐄𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐀𝐓 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐍𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐊𝐎𝐓 𝐍𝐀 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄, kuhanan nang malinaw na litrato ang ENTRY. Kalakip ng Comment ang 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍, 𝐓𝐈𝐑𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐚𝐭 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑.

* MAHIGPIT NA IPAGBABAWAL ANG PAGGAMIT NG A.I. (ARTIFICIAL INTELLIGENCE) SA MGA ENTRY NA ISASALI. AUTOMATIC DISQUALIFIED O HINDI PIPILIIN ANG ENTRY NA GUMAMIT NITO.

* Maaaring i-COMMENT ang entries hanggang October 23, 2026 alas-5:00 ng hapon.

* Ipo-post sa Nong Nong Bautista Page ang mga larawan ng QUALIFIED ENTRIES sa October 24. DIto na sisimulang isagawa ang ONLINE VOTING. At sa Oktubre 28 alas-6 ng gabi naman ang huling araw para sa Online Voting.

* I-aanunsyo ang masuswerteng nanalo sa Ika-29 ng Oktubre. Sa ika-30 ng Oktubre naman sa ganap na ika-7 ng gabi ay gaganapin ang HALLOWEEN PARTY at doon i-cclaim ang premyo, SUOT ANG HALLOWEEN CUSTOME NA ENTRY sa BAUTISTA COMPOUND (LOTE), Brgy. Matimbubong, San Ildefonso.

CRITERIA

40% - Creativity
40% - Originality
20% - Online Voting (Paramihan ng Heart, Comment,
at Share na makukuha)

100% - Kabuuan

Kaya ano pa ang hinihintay! Sali na! Dahil

Hatid sa ating mga kababayan ang LIBRENG EYE CHECK-UP handog ni Konsehal Nong Nong Bautista, katuwang ang Eye Care Cente...
26/09/2026

Hatid sa ating mga kababayan ang LIBRENG EYE CHECK-UP handog ni Konsehal Nong Nong Bautista, katuwang ang Eye Care Center Buencamino de Mayumo.

September 30, 2026 (Miyerkules)
8:00 AM – 2:00 PM
Senior Citizen Hall, Brgy. Sta. Catalina Matanda
Para sa mga residente ng Clustered Brgy. Sta. Catalina Bata at Sta. Catalina Matanda

Ang pangangalaga sa ating mga mata ay mahalaga sa bawat edad. Huwag palampasin ang pagkakataong mapasuri ang inyong paningin nang libre. Dahil sa serbisyong pangkalusugan, bawat malinaw na paningin ay dagdag na ginhawa at dagdag na pag-asa.

Sa pangunguna ng inyong lingkod Konsehal Nong Nong Bautista, bilang Tagapangulo ng Committee on Environment and Natural ...
09/09/2026

Sa pangunguna ng inyong lingkod Konsehal Nong Nong Bautista, bilang Tagapangulo ng Committee on Environment and Natural Resources, isinagawa ang isang Public Hearing upang talakayin ang suliranin ng pagbaha sa Purok 7, Barangay Maasim.

Dumalo sa nasabing pagdinig ang mga kinatawan ng Mikaela Homes, Konsehal Michael Angeles, gayundin ang mga opisyal ng Barangay Maasim sa pangunguna ni Kapitana Bleng Rivera, upang pakinggan ang mga hinaing ng mga residente at pag-usapan ang mga konkretong hakbang at pangmatagalang solusyon sa nararanasang pagbaha sa lugar.

Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng bukas na pag-uusap, maayos na koordinasyon, at sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad, mas mapapabilis ang paghahanap ng epektibong solusyon para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Sa pagsisimula ng panibagong linggo, dumalo ang inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista sa lingguhang pagtataas ng w...
07/09/2026

Sa pagsisimula ng panibagong linggo, dumalo ang inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista sa lingguhang pagtataas ng watawat sa ating Bahay Pamahalaan, kasama ang ating mahal na Punong Bayan, Igg. Fernando "Gazo" Galvez Jr., at mga masisipag na kawani ng ating lokal na pamahalaan.

Matapos ang programa, ipinagpatuloy naman ang tunay na diwa ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga kababayan na bumisita sa ating opisina ngayong Lunes upang pakinggan ang kanilang mga hinaing, kahilingan, at pangangailangan.

Nakiisa ang inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista sa isinagawang Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan n...
04/09/2026

Nakiisa ang inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista sa isinagawang Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Ildefonso, sa pangunguna ni Vice Mayor Chariz Galvez-Cabande, upang patuloy na maisulong ang mga programang, ordinansa, at hakbanging nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mahusay na pamamahala, patuloy nating isinusulong ang isang mas maunlad at mas maayos na Bayan ng San Ildefonso.

HANDOG NA GINHAWA, HAKBANG TUNGO SA BAGONG PAG-ASA! Sa pakikipagtulungan ng inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista ...
04/09/2026

HANDOG NA GINHAWA, HAKBANG TUNGO SA BAGONG PAG-ASA!

Sa pakikipagtulungan ng inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista sa Alliance of PWD in Bulacan Inc., magkakaroon ng LIBRENG HEARING TEST para sa Hearing Aid at LIBRENG ASSESSMENT para sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong sa pandinig.

Mga Kailangang Dalhin:
• Photocopy ng valid ID na may 3 specimen signatures
• Contact number

Magtungo lamang sa Opisina ni Konsehal Nongnong Bautista sa Ating Bahay Pamahalaan upang magpalista at magsumite ng mga kinakailangang dokumento.

Hanggang Setyembre 12, 2026 lamang ang pagpapalista at pagpasa ng requirements.

Patuloy tayong magkaisa upang makapaghatid ng serbisyong nagbibigay-ginhawa, pag-asa at mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat mamamayan. Dahil sa serbisyong may puso, walang sinuman ang maiiwan.

Patuloy na pinapakinggan ng inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista ang boses ng ating mga kababayan sa ating opisin...
03/09/2026

Patuloy na pinapakinggan ng inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista ang boses ng ating mga kababayan sa ating opisina, at sinisikap na tugunan ang kanilang mga pangangailangan sa abot ng ating makakaya.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala. Tuloy-tuloy ang ating serbisyo at mananatiling bukas para sa lahat.

Hindi lamang ang mga bayani ng nakaraan ang dapat nating parangalan. Bayani rin ang bawat Pilipinong araw-araw na nagsis...
31/08/2026

Hindi lamang ang mga bayani ng nakaraan ang dapat nating parangalan. Bayani rin ang bawat Pilipinong araw-araw na nagsisikap para sa kanilang pamilya, tumutulong sa kapwa, at nagsisilbi nang may katapatan.

Ngayong Araw ng mga Bayani, sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang mga sakripisyo at ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban, isang mas maayos, mas mapayapa, at mas maunlad na Pilipinas.

Maligayang Araw ng mga Bayani!

Kasama ang mga opisyal ng Barangay Maasim at mga masisipag nating kababayan, personal na nakibahagi ang inyong lingkod, ...
30/08/2026

Kasama ang mga opisyal ng Barangay Maasim at mga masisipag nating kababayan, personal na nakibahagi ang inyong lingkod, Konsehal Nong Nong Bautista sa pagsa-sandbag sa bahagi ng ilog na gumuho upang makatulong na maiwasan ang mas matinding pagguho at pagbaha sa lugar.

Maraming salamat sa ating mga opisyal ng barangay, volunteers, at lahat ng nakiisa sa bayanihan. Sa ganitong mga pagkakataon, mas napapatunayan na kapag nagtutulungan ang bawat isa, mas nagiging matatag ang ating komunidad.

Patuloy po tayong mag-ingat, magbantay, at magdasal para sa kaligtasan ng lahat. Nandito po tayo, sama-samang kikilos para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Address

San Ildefonso
3010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nong Nong Bautista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category