01/11/2026
This is my first-ever movie reflection dito kasi hindi talaga ako makatulog after naming panoorin nina mama and papa ngayong gabi ang pelikulang “𝟐 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃𝐬” ni Marietta Subong.
𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧𝐢𝐬. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐚𝐰𝐚. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐨𝐝.
𝑰𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒌𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒊𝒏𝒂 𝑺𝒚𝒍𝒗𝒊𝒂 𝒂𝒕 𝑹𝒂𝒎𝒐𝒏, isang kwentong sobrang nakaka-relate ako dahil mga Ilocano sila at galing din sa probinsya. Nagbenta ng lupa ang mag-asawa sa auntie nilang nasa abroad para lang may ipampagamot. Ngunit nang kukunin na ni Sylvia sa remittance center ang padala, hiningan pa siya ng dalawang valid IDs. Sa eksena pa lang na ito, ang daming mukha ng mga tao ang biglang nag-flash sa isip ko na nasa katulad ding sitwasyon. Kaya ito rin ay kwento ng tipikal na Pilipino kung saan ang gobyerno at sistemang inaasahan sana nilang sasagip sa kanila, ay siya pang lalong nagpapahirap sa kalagayan nila. Ito ay kwento ng bawat Pilipinong parang pulubi na namamalimos sa kung kani-kanino para lang matugunan ang kakulangan sa gamot, kapalit ang isang utang na loob na wala naman sa lugar. Tama si Mercy dito, pera yan ng taumbayan sa pamamagitan ng tax at hindi namin pera. Ito ay kwento ng mga mahihirap na Pilipino na lalo pang pinapahirapan ng sistema natin. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭.
𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒊𝒕𝒐 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒚 𝒌𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒍𝒐𝒍𝒐 𝒏𝒊 𝑫𝒆𝒏𝒗𝒆𝒓 na nakaratay sa ospital nang tatlong buwan, na tulad ni Ramon, ay naghihintay rin ng schedule para sa procedure nila. Wala namang pasyenteng ginustong tumagal sa ospital, pero bakit inaabot nang ganun katagal ang paghihintay para lang malunasan ang tunay na dahilan at magamot ang sakit nila? Kaya ito rin ay kwento ng bawat Pilipinong kinakailangang pumila nang matagal sa mga pampublikong ospital para lang makapagpagamot, at kapag maswerte namang ma-admit, kailangan ulit maghintay para sa procedure na kailangan. Minsan nga kakantay, lalo pang lumulubha dahil nagkakahawaan na sila. Ito ay kwento ng bawat pamilyang nawalan ng mahal sa buhay na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong lumaban nang patas dahil ang mismong sistemang dapat aalalay sa kanila, ay tila naging balakid pa. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧𝐢𝐬.
𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒊𝒕𝒐 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒚 𝒌𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒐𝒏𝒆𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒇𝒊𝒙𝒆𝒓. Bakit nga ba ganun, ano? Kapag may backer ka, napakabilis at naba-bypass ang lahat ng proseso. Samantalang sa ordinaryong Pilipino, hindi mo na mawari kung pawis o luha ba ang tumutulo dahil sa tindi ng balakid na nagpapahirap sa kanila. Kaya ito rin ay kwento ng bawat Pilipinong kailangang dumaan sa butas ng karayom, kung saan ultimo dignidad ay naisasantabi na dahil sa haba ng pila, init ng mga opisina, at minsan ay hindi pa maayos na trato ng mga tagapaghatid-serbisyo sana. Kaya nga buhay na buhay ang kalakaran ng fixer sa Pilipinas, dahil bibilis lang talaga ang papel mo kapag may pampadulas ka. Paano naman ang mga Pilipinong saktong pamasahe at pasensya lang ang baon? Patuloy na lang bang babalik sa pila at gagawing pamaypay ang mga hawak na dokumento upang ibsan ang pagod na nararamdaman nila? 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐚𝐰𝐚.
Pero may silver lining din naman kahit papaano, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒌𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒓𝒊𝒏 𝒊𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉𝒄𝒂𝒓𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒌𝒆𝒓𝒔 𝒂𝒕 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒔𝒚𝒆𝒏𝒕𝒆 sa pampublikong ospital nina Sylvia at Ramon. May mga bagay din naman talaga na hindi nila kontrolado, tulad ng availability ng gamot. O kaya, ang pagiging overwhelmed sa dami ng pasyente sa ospital na hindi na kinakaya, hindi lang ng mga doktor at nurses, kundi pati na rin ng mismong pasilidad. Pero makikita mo pa rin ang malasakit nila; na sila-sila na lang din talaga ang gumagawa ng paraan para lang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente at punan ang mga pagkukulang ng mga taong nasa posisyon para ayusin sana ang mga ito. Ito rin ay kwento ng mga kapwa pasyente at ng mga nagbabantay sa kanila. Sa tagal ng panahong inilagi nila sa ospital, tila naging isang pamilya na rin sila dahil pare-pareho ang kalaban nila: ang sakit at ang sistema. Grabe ang kirot ng eksenang iyon (magegets mo to kapag napanood mo na), yung tipong sila-sila na lang ang nagdadamayan dahil wala na silang maasahang iba na tutugon sa pangangailangan nila. Nakaka-proud makita ang bayanihan, pero hanggang doon na lang ba talaga tayo? 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗼𝗱.
Kaya kung hindi mo pa napapanood ang pelikulang ito, panoorin mo na, dahil kwento nating lahat ito. Ang kwento nina Sylvia, Ramon, Mercy, Denver, ng mga healthcare workers, fixers, mga taong may koneksyon, at mga taong wala namang magawa kundi sundin ang utos ng opisina, ay kwento ng realidad ng ating bansa. Kaya nga pagkatapos ng pelikula, hindi ko talaga napigilang sabihan ang mga kabataang nasa likod ko, “Kaya kailangan nating pumili at bumoto nang tama, ha?” (wow nagKatipunan Formation Program bigla sa sinehan). Dahil kung hindi tayo pipili ng tama, baka sa susunod, ang kwento nina Sylvia at Ramon ay maging sarili na nating karanasan. Tayo at boto lang natin ang may kakayahan, na parang isang direktor sa pelikula, na baguhin ang kwento at direksyon ng mga Sylvia at Ramon sa ating bansa.
𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧𝐢𝐬. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐚𝐰𝐚. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐨𝐝.
P.S. Sana magkaroon ng block screening tapos mandatory para sa aming lahat na mga politiko na panoorin ito. Tapos, mandatory ring gumawa ng reflection paper tapos action plan. Kapag di nagcomply, not allowed for re-election! Young Leaders for Good Governance Module yern?.
𝐎𝐯𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥 𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠: 𝟐𝟎𝟐𝟕𝐍𝐄𝐏/𝟏𝟎
P.P.S. diba sobrang invested ko, nagawan ko pa ng poster! 😅😅