Tita Malou Bundoc

Directions

Tita Malou Bundoc Public Servant

πŸ₯š LIBRENG NILAGANG ITLOG PARA SA ATING MGA KA-BARANGAY 🀝❀️Sa patuloy na pag-ulan, patuloy din ang ating malasakit sa mga...
29/08/2026

πŸ₯š LIBRENG NILAGANG ITLOG PARA SA ATING MGA KA-BARANGAY 🀝❀️

Sa patuloy na pag-ulan, patuloy din ang ating malasakit sa mga kabarangay na naapektuhan.

Bilang munting tugon at paraan ng pagtulong, handog ng inyong lingkod ang libreng nilagang itlog para sa ating mga kabarangay na nangangailangan ng dagdag na pagkain at sustansya sa panahong ito.

Walang maliit na tulong kung ito ay nagmumula sa pusong tunay na nagmamalasakit. πŸ’™

Patuloy tayong magdamayan, magtulungan, at magmalasakit sa isa’t isa.

πŸ™ Ingat po tayong lahat at patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng bawat pamilya.

Handog ng inyong lingkod, para sa ating mga ka-barangay. ❀️

Pagbabahagi ng Pagmamahal at Pag-asa ❀️Nakiisa ang inyong lingkod sa isang makabuluhang gawain upang maghatid ng tulong ...
11/08/2026

Pagbabahagi ng Pagmamahal at Pag-asa ❀️

Nakiisa ang inyong lingkod sa isang makabuluhang gawain upang maghatid ng tulong at munting saya sa Bahay ni San Jose Orphanage bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Angelou Francisco

Ang tunay na diwa ng pagdiriwang ay hindi lamang nasusukat sa saya at kasiyahan, kundi sa kabutihang naibabahagi natin sa ating kapwa. πŸ™πŸŽ‚

Maraming salamat sa pagkakataong maging bahagi ng isang simpleng gawain na naghatid ng ngiti, pag-asa at pagmamahal sa mga bata. Nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng kabutihan at malasakit sa ating komunidad.

Maligayang Kaarawan, Ms. Angelou Francisco! πŸŽ‰πŸŽ‚
Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal at suklian ang inyong kabutihan nang higit pa. ❀️

Maraming salamat sa pagkakataong makiisa ang inyong lingkod sa ginanap na pagdarasal ng Banal na Rosaryo sa gareta ng Pu...
02/08/2026

Maraming salamat sa pagkakataong makiisa ang inyong lingkod sa ginanap na pagdarasal ng Banal na Rosaryo sa gareta ng Purok 8. Nagagalak din ang inyong lingkod na makapagbahagi ng munting salu-salo sa pamamagitan ng sopas para sa ating mga kabarangay.

Patuloy po nating palakasin ang ating pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa isa’t isa. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap. πŸ™β€οΈ

Naging matagumpay ang isinagawang libreng pamimigay ng gamot ng inyong lingkod.Taos-pusong pasasalamat kay Kap. James Ga...
31/07/2026

Naging matagumpay ang isinagawang libreng pamimigay ng gamot ng inyong lingkod.

Taos-pusong pasasalamat kay Kap. James Gabriel at sa aking BHW family sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Malaki ang naging bahagi ninyo sa tagumpay ng programang ito.

Maraming salamat po sa inyong lahat! Patuloy tayong magtulungan para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad. πŸ’™

πŸ“’ LIBRENG PAMIMIGAY NG GAMOT πŸ’ŠHandog ng inyong lingkod!πŸ“… Petsa: Hulyo 31, 2026 (Biyernes)πŸ•— Oras: 8:00 AM – 12:00 NNπŸ“ Lug...
30/07/2026

πŸ“’ LIBRENG PAMIMIGAY NG GAMOT πŸ’Š

Handog ng inyong lingkod!

πŸ“… Petsa: Hulyo 31, 2026 (Biyernes)
πŸ•— Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Lugar: Barangay Calaba Elementary Gym

Narito po ang mga gamot na available para sa libreng pamimigay bukas.

Humihingi po kami ng paumanhin dahil wala pong makakadating na doktor para sa libreng konsultasyon bukas. Nagkaroon po sila ng emergency na kailangang asikasuhin.

Gayunpaman, tuloy pa rin po ang mga sumusunod na libreng serbisyo: βœ… Blood Pressure (BP) Check βœ… Blood Sugar Test

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at samantalahin ang mga libreng serbisyong ito.

Kita-kits po tayo bukas sa Barangay Calaba! πŸ’™

Natapos na ang konstruksyon ng canal sa Purok 3 D**e. Isa na namang proyektong matagumpay na naisakatuparan para sa kapa...
27/07/2026

Natapos na ang konstruksyon ng canal sa Purok 3 D**e. Isa na namang proyektong matagumpay na naisakatuparan para sa kapakanan ng ating komunidad, hatid ng inyong lingkod. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at pagtutulungan. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang mga proyektong makikinabang ang bawat mamamayan.

🚧🌧️ Nagsimula na ang construction ng canal sa Purok 3 D**e bilang paghahanda sa tag-ulan.Layunin ng proyektong ito na ma...
23/07/2026

🚧🌧️ Nagsimula na ang construction ng canal sa Purok 3 D**e bilang paghahanda sa tag-ulan.

Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang daloy ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Patuloy po tayong magsisikap na makapaghatid ng mga proyektong may tunay na pakinabang para sa ating komunidad. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala.
Hatid ng inyong lingkod sa pakikipagtulungan ni Kap. James Gabriel. πŸ’™

**e

πŸ“’ Proyekto sa Tag-ulan para sa Kapakanan ng Mamamayan - Unang Proyekto ni Tita Malou Bundoc. Isinasagawa ang Purok 3 D**...
21/07/2026

πŸ“’ Proyekto sa Tag-ulan para sa Kapakanan ng Mamamayan - Unang Proyekto ni Tita Malou Bundoc.

Isinasagawa ang Purok 3 D**e Canal Construction bilang bahagi ng proyektong pang-imprastraktura ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang proyektong ito ay sa pangunguna ni Tita Malou Bundoc, sa pakikipagtulungan ni Kap. James Gabriel, na naglalayong mapabuti ang daluyan ng tubig, makatulong sa pag-iwas sa pagbaha, at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente ng Purok 3.

Maraming salamat sa patuloy na suporta at pagtutulungan ng ating komunidad. Sama-sama nating isulong ang mga proyektong makikinabang ang bawat mamamayan.

**eCanalConstruction

🌟 LIBRENG MEDICAL MISSION! 🌟❀️ Handog ni Tita Malou Bundoc ❀️Alagang pangkalusugan para sa bawat pamilya!🩺 LIBRENG Konsu...
15/07/2026

🌟 LIBRENG MEDICAL MISSION! 🌟

❀️ Handog ni Tita Malou Bundoc ❀️
Alagang pangkalusugan para sa bawat pamilya!

🩺 LIBRENG Konsulta sa Doktor πŸ’Š Libreng Gamot (habang may suplay)

πŸ“… July 31, 2026 (Biyernes) πŸ•— 8:00 AM – 12:00 NN πŸ“ Calaba Elementary Gymnasium

πŸ“’ Inaanyayahan ang lahat ng residente na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagpakonsulta at makatanggap ng libreng gamot.

βœ… Magpunta nang maaga upang makapagparehistro. βœ… Dalhin ang inyong valid ID at mga dating reseta o medical records, kung mayroon.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan. Kita-kita po tayo sa July 31! πŸ’™πŸ’š

πŸ“’ ANUNSYO PARA SA BARANGAY CALABA πŸ“’Mahalaga po sa akin ang inyong kalusugan! πŸ’™Ang inyong lingkod ay mamimigay ng libreng...
28/06/2026

πŸ“’ ANUNSYO PARA SA BARANGAY CALABA πŸ“’

Mahalaga po sa akin ang inyong kalusugan! πŸ’™
Ang inyong lingkod ay mamimigay ng libreng gamot para sa ating mga kababayan sa Barangay Calaba.

πŸ’Š Libre po itong ipamamahagi para makatulong sa inyong kalusugan at kapakanan.

πŸ“… Abangan lamang po ang mga susunod na anunsyo para sa eksaktong petsa, oras, at lugar ng aktibidad.

Maraming salamat po at ingat tayong lahat! πŸ™

Address

Purok 8, Calaba San Isidro
San Isidro
3106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tita Malou Bundoc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category