Barangay San Isidro Official

Directions

Barangay San Isidro Official Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Isidro Official, Public Service, San Isidro.

π—žπ—”π—›π—œπ—§ π—¨π— π—¨π—¨π—Ÿπ—”π—‘, π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—₯𝗒𝗑𝗗𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒 Nagsagawa ng π’π€ππˆπ 𝐏𝐖𝐄𝐑𝐒𝐀 𝐧𝐚 ππ€π†π‘πŽπ‘πŽππƒπ€  ang Barang...
06/10/2026

π—žπ—”π—›π—œπ—§ π—¨π— π—¨π—¨π—Ÿπ—”π—‘, π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—₯𝗒𝗑𝗗𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒

Nagsagawa ng π’π€ππˆπ 𝐏𝐖𝐄𝐑𝐒𝐀 𝐧𝐚 ππ€π†π‘πŽπ‘πŽππƒπ€ ang Barangay San Isidro Official, Ronda Kababaihan ng Barangay San Isidro, BPAT San Isidro katuwang Ng Mariveles Pso, PNP Mariveles Municipal Police Station, Bravo "BraveHeart" Company , 84th Infantry Battalion at ang Lions Mariveles Organization Riders Club para sa kaligtasan at seguridad ng ating Barangay.

Layunin ng pinagsanib pwersa na pagpapatrolya na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng bawat pamilya lalo ng mga kabataan sa Barangay San Isidro gayundin ay upang mapapaaalalahanan ang bawat isa sa mga umiiral na Ordinansa sa Bayan ng Mariveles katulad ng Curfew Hour, Anti Smoking at iba pa.

Lubos po ang pasasalamat sa ating mga Kapulisan, mga Sundalo, mga kawani ng Public Safety, at mga volunteers sa inyong inilaang oras upang aming makatuwang para sa seguridad ng aming Barangay.

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES.Source:
05/10/2026

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES.

Source:

π—›π—˜π—”π—§-π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—§π—˜π—— π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—‘π—˜π—¦π—¦π—˜π—¦, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗑𝗧𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—šπ—œπ—§π—‘π—” π—‘π—š π—¨π— π—œπ—œπ—₯π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π— π—”π—œπ—‘π—œπ—§ 𝗑𝗔 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑! β˜€οΈπŸŒ‘οΈAng El NiΓ±o ay nangyayari kapag umi...
05/10/2026

π—›π—˜π—”π—§-π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—§π—˜π—— π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—‘π—˜π—¦π—¦π—˜π—¦, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗑𝗧𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—šπ—œπ—§π—‘π—” π—‘π—š π—¨π— π—œπ—œπ—₯π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π— π—”π—œπ—‘π—œπ—§ 𝗑𝗔 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑! β˜€οΈπŸŒ‘οΈ

Ang El NiΓ±o ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

⚠️ Maging maingat at protektahan ang sarili mula sa matinding init!
Alamin ang mga senyales ng heat exhaustion at heat stroke! πŸ₯΅

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, dalhin agad sa pinakamalapit na health facility.

Source:

π—žπ—”π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒! πŸŽ‰πŸ₯‰πŸ€±Isang malaking pagbati sa ating barangay na nagkamit ng 3𝙧𝙙 π™‹π™‘π™–π™˜π™š π˜½π™šπ™¨π™© π˜½π™§π™šπ™–π™¨π™©π™›π™šπ™šπ™™π™ž...
05/10/2026

π—žπ—”π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒! πŸŽ‰πŸ₯‰πŸ€±

Isang malaking pagbati sa ating barangay na nagkamit ng 3𝙧𝙙 π™‹π™‘π™–π™˜π™š π˜½π™šπ™¨π™© π˜½π™§π™šπ™–π™¨π™©π™›π™šπ™šπ™™π™žπ™£π™œ π™Žπ™©π™–π™©π™žπ™€π™£.

Tinanggap ngayong araw ang parangal sa pangunguna ni Punong Barangay Arnold Garcia, kasama si Kagawad on Health Evangeline Tampis, Midwife Alma Del Rosario at BNS Donna Gutierrez.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating pagmamalasakit sa kalusugan ng mga nanay at sanggol ng San Isidro. Dahil dito, masisiguro nating ligtas, malinis, at mother-friendly ang ating breastfeeding station.

Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng BARANGAY HEALTH BOARD AT NUTRITION COMMITTEE! Para sa Healthy Nanay at Healthy Baby!

🧹🌿 WEEKLY CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY SAN ISIDROPatuloy ang Weekly Clean-Up Drive ng Barangay San Isidro bilang bahagi ng ...
03/10/2026

🧹🌿 WEEKLY CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY SAN ISIDRO

Patuloy ang Weekly Clean-Up Drive ng Barangay San Isidro bilang bahagi ng ating sama-samang pagkilos para mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Arnold Garcia , katuwang ang Committee Chair on Solid Waste Management, Kagawad Christian Boy Viuya Jr. Barangay San Isidro Official at ang masisipag na mga kawani ng Barangay (Utility), muling isinagawa ang paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan sa ating mga kalsada at pampublikong lugar.

Ang simpleng paglilinis ay malaking ambag sa pagkakaroon ng malinis, maayos at ligtas na Barangay. Hinihikayat ang bawat kabarangay na makiisa, panatilihin ang wastong pagtatapon ng basura, at maging responsable sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

πŸ’š Sama-sama para sa Malinis at Maayos na San Isidro!


02/10/2026

ATM: LIBRENG ZUMBA PARA SA LAHAT SA BARANGAY SAN ISIDRO

πŸ“’ LOST AND FOUND – PANAWAGANIsang cellphone (CP) ang napulot ng ating masisipag na Barangay Tanod na sina Arsenio β€œBoyet...
02/10/2026

πŸ“’ LOST AND FOUND – PANAWAGAN

Isang cellphone (CP) ang napulot ng ating masisipag na Barangay Tanod na sina Arsenio β€œBoyet” Dela Cruz, Artemio β€œTabing” Villavicencio, at Roger β€œToto” Bargamento.

Kung kayo po o may kakilala kayong may-ari ng nasabing cellphone, mangyaring makipag-ugnayan sa Barangay Hall ng San Isidro, Office 2nd Floor, at hanapin si Sec. Yeye.

πŸ“Œ Paalala: Mangyaring magdala ng valid ID o anumang sapat na pagkakakilanlan/patunay ng pagmamay-ari upang maayos na ma-verify at maibalik ang cellphone sa tunay na may-ari.

Maraming salamat po sa ating mga masisipag na Barangay Tanod sa kanilang katapatan, malasakit at pagtulong sa ating mga kabarangay.

Barangay San Isidro – Serbisyong May Puso at Malasakit. πŸ’š


ANO: LIBRENG ZUMBA PARA SA LAHATKAILAN: Oktubre 2, 2026, BIYERNESORAS: 7:00 NG GABISAAN: SAN ISIDRO PLAZA COVERED COURT
01/10/2026

ANO: LIBRENG ZUMBA PARA SA LAHAT
KAILAN: Oktubre 2, 2026, BIYERNES
ORAS: 7:00 NG GABI
SAAN: SAN ISIDRO PLAZA COVERED COURT

πŸŽ‰π—Ÿπ—”π—₯π—’π—‘π—š π—Ÿπ—”π—›π—œ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒 𝗔𝗧 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—›π—”π—§ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒! πŸ’ƒOktubre 2, 2026, BiyernesTara ...
30/09/2026

πŸŽ‰π—Ÿπ—”π—₯π—’π—‘π—š π—Ÿπ—”π—›π—œ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒 𝗔𝗧 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—›π—”π—§ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯𝗒! πŸ’ƒ
Oktubre 2, 2026, Biyernes
Tara na at makisaya!

πŸ•” π‹π€π‘πŽππ† π‹π€π‡πˆ - πŸ“:𝟎𝟎 𝐏𝐌
Balikan natin ang saya ng kabataan! Tumbang Preso, Patintero, Luksong Tinik at marami pang iba. Siguradong mag-eenjoy ang mga bata at pati matatanda!

πŸ•– 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔 - 𝟳:𝟬𝟬 𝗣𝗠
Pagkatapos ng laro, hataw naman sa sayawan! Magpapawis at magpalakas ng katawan kasama ang buong Barangay!

Kita-kits po tayo sa ating Barangay Covered Court / Plaza!

πŸ“šπ—”π—Ÿπ—¦ π—–π—Ÿπ—”π—¦π—¦ 𝗦𝗔 𝗕𝗖𝗣𝗖 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯π—’πŸ“šMatagumpay na ginanap ang klase ng Alternative Learning System (ALS) sa pangunguna ni Ma'a...
30/09/2026

πŸ“šπ—”π—Ÿπ—¦ π—–π—Ÿπ—”π—¦π—¦ 𝗦𝗔 𝗕𝗖𝗣𝗖 𝗦𝗔𝗑 π—œπ—¦π—œπ——π—₯π—’πŸ“š

Matagumpay na ginanap ang klase ng Alternative Learning System (ALS) sa pangunguna ni Ma'am Julie Ann Bautista sa BCPC Room, Barangay San Isidro.

Maraming salamat po, Ma'am Julie Ann sa walang sawang paggabay at pagtuturo sa ating mga ALS learners. Saludo po kami sa inyong dedikasyon! πŸ‘

Address

San Isidro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Isidro Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share