10/08/2026
Mga San Josenio, 57 na po tayo!!!
Kanina po ay pormal na nating binuksan ang pagdiriwang ng ika-57 taon ng pagkakatatag bilang lungsod ng San Jose!
Inumpisahan po natin ito sa isang Banal na Misa, kasunod po ay ang isang masiglang programa sa E.R. Violago Pag-Asa Complex, kasama ang ating mga konsehal, mga kawani ng LGU at marami pang mga espesyal na bisita.
Napakasaya po na sa unang pagkakataon ay magiging week-long ang celebration ng City Day natin. Inaasahan po na sa mga susunod na araw ay mas papa-exciting pa ang naghihintay para sa ating mga kalungsod!
Keep safe and dry, mga ka-San Josenio!
Happy 57th City Day sa ating lahat!🥰
- Vice Mayor Vanj Manugue