22/10/2026
๐๐ ๐๐๐๐จ๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐: ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป! ๐๐
Matagumpay na isinagawa sa DepEd Sto. Cristo Elementary School - 107151 ang Parent-Teacher Association (PTA) Deck ngayong October 22, 2026, bilang bahagi ng pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna at pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mag-aaral.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Dr. Miguel Angelo D. Manicad, City Health Physician ng City Health Center XVI, sa pagbabahagi ng mahalagang kaalaman tungkol sa Bakuna Eskwela at sa kahalagahan ng pagbabakuna laban sa HPV, measles, rubella, tetanus, at diphtheria.
Maraming salamat din sa ating mga magulang, g**o, at lahat ng nakiisa sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan, pamilya, at komunidad, masisig**o natin ang mas ligtas, malusog, at maayos na kinabukasan ng ating mga anak. ๐
Bakuna para sa proteksyon, kaalaman para sa kaligtasan! ๐โจ