28/05/2026
Sobrang init ng panahon ngayon... ☀️ Pero walang tatalo sa init ng araw kapag ang nangingibabaw ay ang malasakit at pagmamahal natin sa kapwa. ❤️
Kasama ang aking katuwang sa buhay, si Dedet, patuloy tayong umiikot para maghatid ng tulong at serbisyo. Sa bawat sulok ng San Jose del Monte, sinisikap nating walang maiwan—pipilitin at gagawan natin ng paraan na maabot ang bawat pamilyang talagang nangangailangan ng kalinga. 🤝✨
Pagod man sa ilalim ng sikat ng araw, ang makita lang ang inyong mga ngiti at marinig ang inyong mga kwento ang nagbibigay sa amin ng lakas para magpatuloy. Para sa bawat San Joseño, ang serbisyong hatid namin ay laging galing sa puso at may totoong gawa.
“Huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti; sapagkat sa takdang panahon ay mag-aani tayo, kung hindi tayo manghihina."
— Galacia 6:9
♥️
27/05/2026
Sa pagdiriwang ng banal na Eid al-Adha, taos-pusong nakikiisa ang inyong lingkod sa ating mga kapatid na Muslim.
Nawa’y magsilbing paalala ang okasyong ito ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, pagkakaisa, at pagmamahalan sa bawat komunidad. Hangad natin ang kapayapaan, kasaganaan, at mas matibay na samahan para sa lahat.
Eid Mubarak! 🕌🤍
♥️
19/05/2026
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang buhay ng isang taong hindi lamang lider kundi tunay na lingkod bayan — Bokal Jonjon Delos Santos. 💙�Maraming salamat sa inyong walang sawang malasakit, kababaang-loob, at serbisyong nagmumula sa puso.
Hindi matatawaran ang kabutihan at dedikasyong ipinapakita ninyo sa bawat mamamayang inyong pinaglilingkuran. Kaya ngayong inyong kaarawan, taos-puso naming kayong binabati ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan. Nawa’y suklian kayo ng Panginoon ng mas mahabang buhay, mabuting kalusugan, at mas marami pang biyaya.��Muli, maligayang kaarawan po, Senior Board Member Jonjon Delos Santos! 💙 🎂🙏
17/05/2026
Isang araw na pag Dalaw at pakikiramay sa ating mga kababayan 🙏
Sa gitna ng ating pakikipagsapalaran sa buhay, mahalaga ang pagbibigay ng oras para sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. Kasama ang aking kabiyak na si Dedet, tayo ay nakiramay at nakiisa sa panalangin para sa ating mga yumao rito sa San Jose Del Monte.
Sa ating pangungulila, nawa’y maging sandigan natin ang pangako ng Panginoon:
"Sapagkat ang Diyos mismo ang papahid ng bawat luha sa kanilang mga mata. Hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati, pag-iyak, o sakit man." (Pahayag 21:4)
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa bawat pamilyang naiwan.
♥️
09/05/2026
“Ang ina ang unang tahanan ng pagmamahal ng isang anak.”
Hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang ina—walang pahinga, walang kapalit, at walang hanggan.
Ngayong Mother’s Day, ipinagdiriwang natin ang lakas, sipag, at pusong mapagmahal ng bawat nanay.
Mula sa inyong lingkod, Happy Mothers’ Day po!
Mabuhay ang lahat ng ina! 💖
09/05/2026
Sa bawat ikot at sa bawat taong aming nakakasalamuha araw-araw, lagi naming baon ang katagang: “Basta kaya, tutulong tayo.” Alam nating hindi lahat ay kayang matulungan nang sabay-sabay, pero sa abot ng aming makakaya, laging narito ang aking pamilya para sa ating mga kababayan. 🤝❤️
Serbisyong may pagmamahal—gaano man kainit ang panahon! 🔥☀️
Isang malaking karangalan ang makapiling kayo, kasama ang aking asawa na si . Sa bawat kalsadang nilalakad at bawat kamay na kinakamayan, layunin naming ipadama na narito kami para sa inyo: may malasakit, may pag-unawa, at may wagas na hangaring tumulong. 🇵🇭
Tuloy-tuloy ang pag-agapay para sa bawat San Joseño! ✨
“Gawin ninyo sa pag-ibig ang lahat ng inyong ginagawa.” — 1 Corinto 16:14 📖🙏
05/05/2026
Happy Tuesday, Pamilyang Bulakenyo!
Maraming salamat sa inyong pagbisita sa aking tanggapan. Ang pakainin kayo ay isang maliit na bagay lamang na aking sukli sa inyong oras at presensya.
Kayo ang aking inspirasyon sa bawat araw ng aking paglilingkod.
♥️
04/05/2026
Isang maligayang kaarawan Kap. Edgar Celis! 🎂
Sa araw na ito, nais naming ipa abot ni Dedet ♥️ ang aming taos-pusong Pag bati sa iyong kaarawan at sa iyong hindi matatawarang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa iyong komunidad sa Brgy Muzon South.
Hindi biro ang bigat ng responsibilidad, ngunit dahil sa iyong maayos na pamumuno at malasakit, mas naging katuwa-tuwa ang pag-unlad ng iyong baranggay.
Dalangin namin ang patuloy na kalakasan ng katawan, talino sa pagpapasya, at pusong laging bukas para sa maliliit nating kababayan. Nawa’y higit pa sa iyong mga hiling ang ibalik sa iyo ng Panginoon ngayong taon. Mabuhay ka, Kuya Kap Edgar!
♥️
04/05/2026
Sa pagsisimula ng buwan ng Mayo, Ang inyong lingkod ay nakiisa sa unang flag ceremony na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, simbolo ng patuloy na dedikasyon sa tapat at pusong paglilingkod sa bayan.
03/05/2026
Hataw sa sayawan para sa isang magandang layunin! 🎶✨
Isang malaking karangalan po na makarting kamu ng aking may bahay na si Dedet sa Ballroom for a Cause ng Associated Senior citizens ng Brgy. Mulawin bilang pagdiriwang ng kanilang Anibersaryo . Tunay na nakakahawa ang inyong energy, saya, at ang hindi tumatandang puso sa pagsayaw! 💃🕺
Congratulations po kay Pres. Nora Estrada at sa lahat ng opisyales sa likod ng napakagandang programang ito. Ang inyong pagkakaisa ay inspirasyon sa aming lahat na patuloy na maglingkod nang may galak at sigla. Mabuhay ang ating mga mahal na lolo at lola!🩷
❤️