09/01/2026
IN PHOTOS
Bagama't nakatakda pa sa Marso 2026 ang deadline sa pagbabayad ng amilyar, maaga nang nakapila ang mga San Joseño upang gampanan ang kanilang tungkulin sa pagbabayad ng real property tax.
Ang mataas na bilang ng mga nagbayad sa pagpasok ng unang buwan ng 2026 ay patunay ng pagtaas ng tiwala ng mga mamamayan sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, lalo na sa maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko ng mga kawani sa pamumuno ni Mayor Florida “Ate Rida” Robes.
Ang amilyar o real property tax ay taunang buwis na ipinapataw sa mga lupa, bahay, gusali, at iba pang real properties sa lungsod. Ang nakokolektang pondo mula rito ay inilaan ng City Government sa pagpapatupad ng mga programang pang-imprastruktura, pang-edukasyon, pangkalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan.
Sa patuloy na pagtupad ng mga mamamayan sa kanilang tungkulin bilang nagbabayad ng buwis, mas napapalakas ang kakayahan ng Pamahalaang Lungsod na maghatid ng dekalidad at inklusibong serbisyo publiko para sa Pamilyang San Joseño.
Para sa mga nais magbayad nang advance para sa amilyar sa susunod na taon, maaari kayong makakuha ng 10% discount sa real property tax. Samantala, ang mga on-time at updated na pagbabayad hanggang Marso 2026 ay makatatanggap naman ng 5% discount.
Maaari na rin magbayad online sa pamamagitan ng ePayment methods tulad ng Land Bank, GCash, at Maya. Para sa proseso ng online payment, i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=497189632840801&id=100076493051908
📍 New Government Center, Barangay Dulong Bayan
📸 Ken Resurreccion
19/12/2025
PABATID SA PUBLIKO
Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na ang oras ng serbisyo ng mga tanggapan sa New Government Center ay pansamantalang paiikliin hanggang 4PM ngayong araw, Biyernes, December 19, 2025, upang bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makiisa at makisaya sa salu-salo na bahagi ng City Government Employees Appreciation and Thanksgiving Assembly.
Pinapayuhan ang lahat ng kliyente at mamamayan na maagang makipagtransaksyon sa mga tanggapan upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na serbisyo.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

08/11/2025
📣
Mga anak, SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lungsod ng San Jose del Monte sa Lunes, November 10. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Joseño sa panganib na dulot ng Potential Super Typhoon .
Nakaantabay naman ang ating mga frontline services—rescue teams, health personnel, police force, responders at iba pang miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang magbigay ng agarang responde at tulong sa anumang emergency.
Maging alerto at ligtas, huwag lumabas ng bahay hangga’t maaari, makinig at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod at ng mga kinauukulan.
Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño!
05/11/2025
PABATID SA PUBLIKO
Ipinaaabot ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na ang mga oras ng serbisyo na nakatakda sa New Government Center ay pansamantalang paiikliin mula 8AM hanggang 4PM bukas, Huwebes, November 6, 2025 upang bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makapaghanda, makiisa at makisaya sa pagpapailaw ng Giant Christmas Tree sa NGC Grounds.
Pinapayuhan ang lahat ng kliyente at mamamayan na maagang makipagtransaksyon sa mga tanggapan upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na serbisyo.
Samantala, magbabalik sa normal na operasyon ang City Hall kinabukasan, Biyernes, November 7, 2025.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa sa pagdiriwang ng 🎶 “Himig ng Paskong San Joseño!” 🎶

04/07/2024
San Joseños, ang inyong tax at iba pang government fees ay cashless at contactless na!
Maaari niyo nang bayaran ang inyong mga buwis at iba pang government fees sa pamamagitan ng ating mga digital payment partners.
I-scan lamang ang mga QR codes para sa proseso ng pagbabayad gamit ang GCash, Maya, at Landbank.
Maaari niyo ring alamin ang paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng pag-click ng mga links na ito:
Gcash: https://tinyurl.com/48j6b37r
Maya: https://tinyurl.com/3r5cmvdx
Landbank: https://tinyurl.com/3td8pyvc
--
Para sa iba pang katanungan, maaari na lamang makipag-ugnayan sa ating City Treasury Office o mag email sa [email protected]
21/06/2024
Nayong araw, June 21, 2024, ang opisyal na simula ng mga transaksyon ng City Treasury Office sa Ground Floor, Left Wing ng New Government Center, Brgy. Dulong Bayan, CSJDM, Bulacan.
Sa mas malawak at mas malaking City Hall ng Lungsod ng San Jose del Monte na maaaring bayaran ang inyong tax at iba pang mga bayarin sa ilalim ng Pamahalaang Lungsod.
18/07/2022
PABATID MULA CITY TREASURY OFFICE:
Maaari nang magbayad ng inyong taxes sa pamamagitan ng www.lbp-eservices.com, sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
STEP 1
Mag-request ng Billing Statement sa [email protected] o tumawag sa (044) 305-52-82.
STEP 2
I-click ang PAY NOW
STEP 3
Piliin ang CITY GOVERNMENT OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN bilang merchant.
STEP 4
Piliin ang Transaction Type na iyong nais bayaran.
STEP 5
Piliin ang nais na Payment Gateway Option at punan ang bawat detalyeng hinihingi.
STEP 6
Ilagay ang mga kinakailangang detalye ng iyong account, kabilang na ang One-Time Password (OTP) at ATM PIN.
STEP 7
I-print ang natanggap na Payment Confirmation Receipt.
TANDAAN:
I-email ang SCREENSHOT ng iyong e-payment sa [email protected]
18/07/2022
PABATID MULA SA CITY TREASURY OFFICE:
Maaari nang magbayad ng iyong City of San Jose del Monte Local Taxes via Maya Digital Invoice!
Pay your Local Taxes anytime, anywhere!
Gawin lamang ang mga sumusunod:
1. Mag-send ng REQUEST EMAIL sa [email protected] tungkol sa tax na nais bayaran.
Ilagay sa request ang PREFERRED MODE OF PAYMENT: e-wallet (Maya, Gcash) o credit card/debit card (Visa, Mastercard, JCB).
2. Maghintay ng REPLY MULA SA CITY TREASURY OFFICE para sa iyong Statement of Account (SOA) o Tax Order of Payment (TOP) na may kasamang Maya Digital Invoice.
3. Suriin ang SOA o TOP at I-CLICK ang Maya Digital Invoice Payment Link.
4. Piliin ang PREFERRED MODE OF PAYMENT na inilagay sa iyong request email.
5. I-CONFIRM ang payment.
05/01/2022
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗:
Upang bigyang daan ang pagsasagawa ng DISINFECTION sa Tanggapan ng Ingat-Yaman (City Treasury Office), pinapabatid sa publiko na ang aming opisina ay pansamantalang magsasara sa ganap na ika-3:00 ng hapon, ngayong araw, Enero 5, 2022. Bukas, Enero 6, 2022, ay balik na sa normal na iskedyul ang aming operasyon: 8:00 A.M. – 5:00 P.M.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
10/11/2021
Katuwang ang Tanggapan ng Ingat Yaman, ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Arturo B. Robes at ng City Cooperative Development office ang PHP 10,000.00 financial assistance para sa 50 benepisyaryo na naapektuhan ng krisis dulot ng COVID 19.