01/06/2026
๐ต๐ญ ISANG MALAKING ANUNSYO PARA SA MGA JOBSEEKERS! ๐ต๐ญ
Ngayong Araw ng Kalayaan, isang napakalaking oportunidad ang inyong inaabangan!
Handa na ba kayong makahanap ng bagong trabaho at bagong pag-asa?
Abangan ang ARAW NG KALAYAAN MEGA JOB FAIR 2026 na gaganapin sa:
๐ SM City San Jose Del Monte
๐
June 12, 2026
Maraming kumpanya, maraming oportunidad, at mas maraming pangarap ang maaaring matupad!
01/06/2026
๐ BAGONG YUGTO PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS! โค๏ธ
Malugod naming binabati ang ating mga newly hired senior citizens na opisyal nang magiging bahagi ng McDonaldโs Mulawin! Ang kanilang onboarding ay gaganapin sa darating na June 4, 2026 bilang pagsisimula ng panibagong oportunidad at karanasan sa trabaho.
Patunay lamang ito na walang pinipiling edad ang sipag, dedikasyon, at kakayahang maglingkod. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa marami na ang bawat yugto ng buhay ay may pagkakataong umangat at maging produktibo.
Congratulations po at mabuhay ang ating masisipag na senior citizens!
21/05/2026
Mr. Perfecto Jaime L. Tagalog, PESO Manager of the City Government of San Jose del Monte, Bulacan, attended the BPMAI Meeting held today at the 2nd Floor Diamond Hall, Municipal Annex Building, Patubig, Marilao, Bulacan.
The meeting served as a venue for discussions on ongoing programs, partnership initiatives, and collaborative efforts aimed at strengthening employment facilitation, livelihood opportunities, and public service delivery among member agencies and stakeholders.
PESO-CSJDM remains steadfast in its commitment to actively participate in inter-agency engagements and collaborative undertakings that promote inclusive employment opportunities and responsive community-based programs for the benefit of the constituents.
18/05/2026
๐ข PAALALA MULA SA PESO
Pinapaalalahanan po ang lahat na sa kasalukuyan ay WALANG inilalabas na budget allocation o program assistance mula sa PESO at DOLE para sa anumang NGO, religious group, o iba pang sektor.
Kaugnay nito, hinihikayat ang publiko na maging mapanuri at agad makipag-ugnayan sa PESO o sa inyong kinauukulang Barangay Office kung kayo ay hinihikayat na sumali sa anumang grupo o hinihingian ng mga personal na dokumento kapalit ng umanoโy ayuda, benepisyo, o programa.
Ang inyong pag-iingat at pakikipagtulungan ay mahalaga upang maiwasan ang anumang uri ng maling representasyon o panlilinlang.
Maraming salamat po.
14/05/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ ๐ฒ๐ฎ๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ๐โ๏ธ
Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa para sa pinal na pagtalakay at pagbuo ng programa na magbibigay ng oportunidad sa ating mga senior citizen na maging bahagi ng workforce ng McDonald's.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga nakatatanda na muling maipakita ang kanilang kakayahan, sipag, at dedikasyon sa trabaho habang patuloy na nagiging inspirasyon sa komunidad.
Patunay ito na walang pinipiling edad ang oportunidad at na ang bawat isa ay may mahalagang ambag sa lipunan.
13/05/2026
TINGNAN
Nagpulong ang mga kinatawan ng City Engineering Office, General Services Office (GSO), at Department of Education City of San Jose del Monte (DepEd CSJDM) upang pag-usapan ang integrasyon ng DOLE TUPAD PLUS Program sa Brigada Eskwela nitong Martes, May 12.
Sa ilalim ng koordinasyong ito, tututukan ng City Engineering Office ang mga technical repairs at maintenance, habang magsisilbing katuwang ang GSO sa logistics at iba pang kinakailangang resources. Titiyakin naman ng DepEd CSJDM ang kahandaan ng mga paaralan at silid-aralan para sa mga mag-aaral.
Kasabay nito, mabibigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga benepisyaryo ng TUPAD PLUS na magiging katuwang sa pagsasaayos ng mga paaralan.
Layunin ng programa na matiyak ang ligtas, maayos, at handang pasilidad para sa balik-eskwela habang nagbibigay ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan para sa mga mamamayan ng lungsod.
๐ธ City Public Employment Service Office
12/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฑ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nagpulong ngayong araw ang mga kinatawan mula sa City Engineering Office (CEO), General Services Office (GSO), at Department of Education (DepEd) upang plantsahin ang integrasyon ng DOLE TUPAD PLUS Program sa ating Brigada Eskwela.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito:
๐ ๏ธ Ang City Engineering ang magsisilbing gabay sa mga technical repairs at maintenance.
๐ฆ Ang GSO ang katuwang sa logistics at resources.
๐ซ Ang DepEd ang titiyak na handa ang mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral.
๐ทโโ๏ธ At sa tulong ng TUPAD PLUS, mabibigyan ng pangkabuhayan ang ating mga kababayan habang nagsisilbing lakas-paggawa sa ating mga eskwelahan.
Dahil sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon, mas sigurado ang ligtas at maayos na balik-eskwela!
01/05/2026
May 01, 2026
Bilang selebrasyon ng 124th LABOR DAY, nagsagawa ang Department of Labor and Employment - DOLE at ang tanggapan ng City of San Jose Del Monte - Public Employment Service Office ng Mega Job Fair alinsunod sa utos ng pangulong Bongbong Marcos at punong lungsod Mayor Ate Rida Robes kasama ang kinatawan sa kongreso na si Arthur Robes at si Konsehala Brigida Abela, kasama rin sa program ang OWWA Overseas Workers Welfare Administration at TESDA.
Bukod sa mga local companies meron ding mga overseas companies na kasama sa programa, kasama rin natin ang mga National Agencies upang mas mapadali ang pag kuha ng mga requirements ng mga na hired on the spot.
Kasabay nito nag karoon din ng payout para sa mga san joseรฑo na nagkaroon ng pag sasanay sa ilalim ng programa ng TESDA.
Nagkaroon din ng Libreng Eye check up at malaking diskwento sa salamin sa tulong naman ng The Fraternal Order of Eagles, Matatag Gitnang Luzon CLR 101.
Maraming salamat sa lahat ng local and overseas companies, sa national agencies at sa ating mahal na Pangulo sa pag suporta sa programa para sa ating mga manggagawang san joseรฑo.