28/06/2024
1st Kadiwa Center in the Rising City
Bukas na po ang kauna-unahang KADIWA Center sa Central Luzon matapos nating pasinayaan nitong Huwebes, June 27, sa Brgy. Minuyan Proper.
Libo-libong San Joseño mula sa iba't ibang sektor ng negosyo, NGOs, at Kadiwa Merchants ang naging saksi sa tagumpay nating ito.
Kasama ko po ang aking kabiyak, Congresswoman Florida P. Robes, Asst. Secretary ng Department of Agriculture na si Atty. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, at iba pa nating kapwa lingkod bayan.
Bilang inyong mga kaagapay, patuloy po kaming magsusumikap na magtaguyod ng mga programang mag-aangat sa ating lokal na ekonomiya at magbibigay ng oportunidad sa ating mga kababayan.
Arya San Joseño!
28/06/2024
Maraming Salamat po sa Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau sa pagkilala sa ating Lungsod sa natatangi nitong kasanayan sa Upcycling Operations.
Dito sa The Rising City, kasabay ng Asensong Ramdam ay ang pagbibigay proteksyon at pagkalinga sa ating kalikasan.
Muli’t muli para sa kalikasan, Para sa bayan!
Arya San Joseño!
06/06/2024
Congresswoman Florida P. Robes, Top Performing Representative sa Region III - RPMD
Muli na namang narinig ang Boses ng Bayan at kinilala si Congresswoman Florida P. Robes bilang Top Congressional Performer ng Central Luzon sa unang bahagi ng 2024.
Base yan sa extensive national Survey ng RP- Mission and Development Foundation (RPMD).
Ang buong kwento abangan mamaya sa Balitang San Jose N’yo Express!
04/06/2024
Buong pwersa ang ating mga lingkod bayan sa ating Flag Raising Ceremony nitong Lunes, June 3.
Bukod sa kaliwa’t kanang pagkilala, naging makulay ang pagbubukas ng Hunyo sa ating pinakamamahal na Lungsod.
Maraming salamat sa patuloy na pagtaas ng kalidad ng serbisyo para sa bawat pamilyang San Joseño.
Arya!
04/06/2024
Gwapong San Joseños sa Mister International Philippines 2024
Umulan ng kagwapuhan sa ating Convention center dahil nakasama natin sina Marlo Martin at Matt Gregorio ng Barangay Muzon Proper.
Sila ang mga kinatawan natin sa Mister International Philippines 2024.
Goodluck sa inyong laban! Patuloy niyong ipagmalaki ang lahing gwapito, lahing San Joseño! Arya
04/06/2024
The future looks bright! Dahil ang mga kabataang San Joseño natin ay patuloy na nagniningning sa kani-kanilang mga larangan!
Congratulations mga batang journo na nagwagi sa Regional Schools Press Conference at syempre ang mga talentadong grupo ng Paraiso Dance Guild na nagwagi sa Regional Festival of Talents.
The Rising city will always be proud of you! Arya San Joseño!
̃o
04/06/2024
It's 𝟭𝟬𝟬 𝗱𝗮𝘆𝘀 before the celebration of Tanglawan Festival! Share your unforgettable Tanglawan experience on the comment section below.
It's 𝟭𝟬𝟬 𝗱𝗮𝘆𝘀 before the celebration of Tanglawan Festival! Share your unforgettable Tanglawan experience on the comment section below.
04/06/2024
NO TO ROAD RAGE!
Dahil sa tumataas na bilang ng mga road rage cases sa bansa kabilang na ang insidente sa EDSA Tunnel sa Makati kung saan isang driver ang namatay, inihain na sa Kamara ni Congresswoman Florida P. Robes ng Lungsod ng San Jose del Monte ang Anti-Road Rage Act!
04/06/2024
The Rising City and its NGC
Sa nalalapit na pagtatapos ng ating New Government Center sa Barangay Dulong Bayan, muli po nating tinignan ang kalagayan ng bagong City Hall upang makita ang kasalukuyang estado nito.
Masaya po ako na nalalapit na tayo sa panahon na magagamit natin ito. Talaga pong pinapaganda natin ang mga imprastruktura sa Lungsod kasabay ng pag-unlad ng ating mga programa para sa mga San Joseño.
Lahat po ng ating ginagawa ay nagpapatunay na tayo ang “The Rising City”
Arya!
01/06/2024
Muli tayong nakipagpulong sa Department of Public Works and Highways para sa mga update ng mga pagawain dito sa lungsod.
Bilang inyong Punong Lungsod, sinisiguro ko na ang bawat proyekto at pagawain ng DPWH ay para sa mas ikauunlad pa ng ating lungsod.
01/06/2024
Mabuhay and welcome to the Rising City, Bataeños!
Ikinalulugod ko pong makita ang mga public servants mula sa Local Government Unit ng Dinalupihan, Bataan sa Lungsod ng San Jose del Monte na nagsagawa ng kanilang Benchmarking Activity.
Bilang Punong Lungsod, masaya po ako na nagiging mabuting halimbawa sa ibang bayan ang mga ginagawa ng Pamahalaang Lokal para sa ating mga mamamayan.
Salamat po sa pagbisita sa aming Lungsod, LGU of Dinalupihan ☝️