Welcome to Club BLP!
Ang Club BLP ay mga grupo ng mga naninirahan sa Barangay Lawang Pare, City of San Jose del Monte, Bulacan. Tanging ang pwedeng mag-members dito ay lehitimong naninirahan sa ating Barangay 18 years old pataas. Ang adhikain ng ating grupo ay upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating barangay. Tayo bilang kasapi ay maaring mag-share ng impormasyon sa mga nangyayari sa ating kapaligiran katulad ng krimen o kaya naman sa panahon ng sakuna(disaster) o krises na ating nararanasan. Malaking bagay na makapagbigay tayo ng tamang impormasyon upang magamit sa dagliang tulong na pwede nating maihatid o maibigay. Ito rin ay isang paraan upang maiparating natin sa mga nanunungkulan o namumuno sa ating barangay ang mga hinaing o problemang ating kinakaharap.Maaari tayong magtanong ukol sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng barangay. Gayundin, kayo ay hinihimok na magbigay ng inyong saloobin o mga suggestions na makakatulong para higit pang mapaghusay ang serbisyong ibinibigay ng barangay. Huwag kayong magsasawang magreklamo kasi iyon ang batayan kung natutugunan ba ng ayos ang ginagawang paglilingkod ng mga nanunungkulan sa kanyang nasasakupan.Ang CLUB BLP ay magsisilbing instrumento tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa at gayundin upang maka- develop ng camaraderie among the residents of our barangay. You can post any inspiring messages, good news and others that will uplift the lives of our ka- barangay. But you cannot post any advertising or commercial activities. Ang mga members na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ay i-post po natin upang maipaabot natin ang taus-pusong pagbati gayundin ang mga may wedding anniversary at mga nakatapos sa kolehiyo.So, Tara na, Sali na and become a big happy family of CLUB BLP.
CLUB BLP
#BM Barangay Muna
#BS Bago Sarili
"Ang Club BLP ay samahan ng mga naninirahan sa Barangay Lawang Par
25/05/2020
Map of Barangay Lawang Pare
Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Barangay Lawang Pare
San Jose Del Monte
3024
