02/06/2026
Ano: Flag Ceremony
Kelan: June 1, 2026
Saan: B12 Covered Court
Kahapon, tayo po ay dumalo sa ating buwanang Flag Ceremony. Atin pong ipinaabot ang pasasalamat sa ating mga kawani sa kanilang pagdalo kahit hindi maganda ang lagay ng panahon patunay lamang iyon ng kanilang dedikasyon at malasakit sa aming tungkulin bilang mga kawani ng pamahalaan.
Ipinarating din natin ang ating pasasalamat sa kanila sa kanilang tulong at suporta sa mga nagdaang aktibidad ng mga departamento na ating pinamumunuan at binilinan silang pagkaingatan ang kanilang mga sarili upang hindi magkasakit at mas makapag lingkod ng tama at ayos sa ating komunidad.
Personal rin po tayong nagpasalamat sa mga taong tumulong at patuloy na tumutulong sa atin sa pagsubok na kinakaharap natin. 🥺💜
02/06/2026
Ano: Buwanang Pagpupulong ng mga ML
Kelan: May 31, 2026
Saan: Bulwagang Pulungan ng Barangay
Isinagawa ang buwanang pagpupulong ng Departamento ng Serbisyong Panlipunan upang talakayin ang mga mahahalagang usapin ukol sa ating mga Mother Leaders. Kabilang dito ang pagbibigay update sa kanilang mga bagong trabaho at buwanang report, pagsasaayos ng rules sa kanilang duty, at pondo mula sa kanilang kaltasan. Patuloy ang ating pagtutulungan upang mas mapalakas ang serbisyong panlipunan para sa ating komunidad.
02/06/2026
‘IYAKAN NYO ANG NINANAKAWANG PILIPINO’
READ: Broadcast journalist Karen Davila reminds lawmakers of ongoing national issues following the arrest of Sen. Jinggoy Estrada on Monday, June 1, as Senate majority bloc members were seen emotional as the event unfolded. | 📷: Davila/X via Hiroshi Suto, INQUIRER.net trainee
READ MORE: https://inqnews.net/KarenDavilaCriticizes
30/05/2026
Isang magandang balita para sa ating mga minamahal na kabarangay! 💜
Lubos ko pong ikinagagalak na ipabatid sa inyo na APPROVED NA SA KONSEHO ang ating mga bagong iniakdang ORDINANSA na tiyak na magbibigay ng malaking tulong at benepisyo sa ating mga residente sa mahabang panahon.
Noong January-February tayo po ay may iniakdang ordinansa:
✅ FREE MAINTENANCE MEDICINES FOR THE INDIGENTS WITH HYPERTENSION AND DIABETES AND PROVIDING FUNDS THEREFOR
Nitong March-April tayo po ay may karagdagang iniakdang ordinansa:
✅ BURIAL ASSISTANCE FOR INDIGENT FAMILIES AND PROVIDING FUNDS THEREFOR
✅ FREE ANTI-TETANUS TOXOID VACCINATION AND PROVIDING FUNDS THEREFOR
Patuloy po tayong magsusulong ng mga programang tunay na makakatulong sa kalusugan, kapakanan, at seguridad ng bawat mamamayan.
Maraming salamat po sa inyong suporta at tiwala pati na rin sa ating mga kasamahan sa konseho. Ang inyong lingkod ay patuloy na magseserbisyo nang may malasakit at dedikasyon para sa mas maayos, mas malusog at mas ligtas na komunidad. ✊
29/05/2026
Magandang Araw!
Ngayong araw po ay ating dinaluhan ang Brigada Eskwela Kick Off ng Gumaok Elementary School bilang pakikiisa sa paghahanda para sa ligtas, maayos, at mas magandang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.
Kasabay rin nito ang pagdalo natin sa Indoor Residual Spraying Seminar ng City Health Office na naglalayong mas palakasin pa ang ating kaalaman at hakbang laban sa mga sakit na dala ng lamok upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating komunidad.
Patuloy po tayong makikiisa sa mga programang nakatuon sa serbisyong panlipunan, edukasyon, kalusugan, at kapakanan ng bawat mamamayan. Sama-sama para sa mas maunlad at mas ligtas na barangay!
28/05/2026
Magandang Araw!
Isang karangalan po na muling makiisa at sumuporta sa AIDS Candle Lighting Memorial ngayong taon. Ito po ay pinangunahan ng isang Holy Mass bago ang seminar at Candle Lighting.
Bilang Committee Chairman on Health, kasama ang aming SK Chairman at SK Kagawad, patuloy po nating ipinapakita ang ating pakikiisa para sa kamalayan, pag-asa, at pagmamahal sa mga apektado ng HIV/AIDS.
Mula pa noong ako ay SK Chairwoman taong 2018 hanggang sa kasalukuyan, taun-taon kong buong pusong sinusuportahan ang programang ito bilang paalala na ang laban kontra HIV/AIDS ay laban nating lahat. Sama-sama nating itaguyod ang malasakit, pag-unawa, at isang komunidad na walang diskriminasyon. 🕯️💜
+Community
27/05/2026
Sincerity in public service means caring more about the impact than the political credit.