19/05/2026
Maligayang Kaarawan po Kagawad Jocelyn Basaya ! ππ
Nawaβy pagpalain pa kayo ng magandang kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na lakas upang maipagpatuloy ang inyong paglilingkod sa ating barangay.
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit sa ating komunidad.
Hangad po namin ang inyong kaligayahan at tagumpay sa bawat araw. God bless po at enjoy your special day! ππ
19/05/2026
Paalala poπ’π’
Ang pamamahagi po ng School Supplies ay para lamang po sa residente ng ating Barangay at wala din po tayong stub na kailangang dalhin..
ππ BALIK ESKWELA SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION ππ
Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang at kabataang mag-aaral sa ating barangay para sa gaganaping pamamahagi ng school supplies sa darating na ika-26 ng Mayo 2026 sa ating Barangay Hall.
β
Para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 lamang.
π Venue: Barangay Hall
π
Petsa: Mayo 26, 2026
β° Oras: 1:00 pm
Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Ronnie Tabuzo at ni Kagawad Committee on Education Hon. Vicky Aquino
Maraming salamat po at sama-sama nating suportahan ang edukasyon ng ating mga kabataan! β¨π
19/05/2026
Kasalukuyan na pong sinusukat ang kahabaan ng 3rd Avenue bilang paghahanda sa isasagawang Closed Drainage Canal sa kahabaan ng 3rd Avenue down to Welcome Ark ng Sto. Domingo Street na hiniling ng Sangguniang Barangay sa ating Gobernador Gov. Daniel Fernando sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap Ronnie Tabuzo
Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang daloy ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa ating komunidad.
18/05/2026
β
π§ NATAPOS NA ANG PAGSASAGAWA NG CANAL SA FATIMA ST. π§β
Ipinaaalam po sa lahat na natapos na ang pagsasagawa ng canal sa kahabaan ng Fatima St.
Bahagi pa rin po ito ng mga nakatakdang pagawain at proyekto ng ating barangay ngayong taon para sa mas maayos na daloy ng tubig at upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Maraming salamat po sa inyong suporta, pang-unawa, at pakikiisa habang isinasagawa ang proyekto.
Patuloy po tayong magtutulungan para sa mas maayos at maunlad na komunidad. π
18/05/2026
ππ BALIK ESKWELA SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION ππ
Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang at kabataang mag-aaral sa ating barangay para sa gaganaping pamamahagi ng school supplies sa darating na ika-26 ng Mayo 2026 sa ating Barangay Hall.
β
Para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 lamang.
π Venue: Barangay Hall
π
Petsa: Mayo 26, 2026
β° Oras: 1:00 pm
Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Ronnie Tabuzo at ni Kagawad Committee on Education Hon. Vicky Aquino
Maraming salamat po at sama-sama nating suportahan ang edukasyon ng ating mga kabataan! β¨π
18/05/2026
π’ PAALALA MULA SA PESO
Pinapaalalahanan po ang lahat na sa kasalukuyan ay WALANG inilalabas na budget allocation o program assistance mula sa PESO at DOLE para sa anumang NGO, religious group, o iba pang sektor.
Kaugnay nito, hinihikayat ang publiko na maging mapanuri at agad makipag-ugnayan sa PESO o sa inyong kinauukulang Barangay Office kung kayo ay hinihikayat na sumali sa anumang grupo o hinihingian ng mga personal na dokumento kapalit ng umanoβy ayuda, benepisyo, o programa.
Ang inyong pag-iingat at pakikipagtulungan ay mahalaga upang maiwasan ang anumang uri ng maling representasyon o panlilinlang.
Maraming salamat po.