24/08/2023
Team Zymond Kiel Ipio "SK Muzon East"
"SA SERBISYONG MAHUSAY AT PROGRESIBO, HANDA NA SI ZYMOND KIEL IPIO"
24/08/2023
24/08/2023
1K followers na tayo! πππ
Mayroon na tayong 1,000+ followers dito sa ating page. Lubos pong nagpapasalamat ang SiKap - Kabataan sa pagsuporta niyo po mula umpisa. Salamat po sa walang sawang pagtulong, pagmamahal, at pagdamay sa amin!
Muli, nagpapasalamat po ang buong SiKap at Team Zymond sa inyong lahat!
16/08/2023
ππ BRIGADA PAGBASA: Aktibong Pagbasa, Solusyon at Pag-asa ππ
π Petsa: August 17, 2023
β° Oras: 8:00 AM - 11:00 AM
π« Lugar: San Jose Del Monte Heights Covered Court
Ang temang "Aktibong Pagbasa, Solusyon at Pag-asa" ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga aklat at pag-unawa sa mga kaalaman na siyang magbibigay daan sa mas magandang kinabukasan. ππ‘
May mga magagandang papremyo na naghihintay para sa mga masisipag na mag-aaral na mag-eexcel sa mga interactive activities na inihanda namin para sa inyo. Huwag palampasin ang pagkakataon na maging bahagi ng isang makabuluhan at masayang araw ng kasiyahan at kaalaman!
Kaya't ano pa ang hinihintay ninyo? Markahan na ang petsa. Magtulungan tayo sa pagpapalaganap ng pag-asa sa pamamagitan ng aktibong pagbabasa! ππ
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtanong o makipag-ugnayan sa amin. Huwag kalimutang i-share ang balitang ito sa inyong mga kaibigan at kamag-aral! π€
In partnership with:
π€Si-Kap Kabataan
π€San Jose Del Monte Heights High School Alumni Association
π€San Jose Del Monte Heights High School Supreme Secondary Learner Government
π€City of San Jose Del Monte Science High School Supreme Secondary Learner Government
15/08/2023
SA SERBISYONG WALANG PRENO, DIRE-DIRETSONG PROGRESO!
Parating na ang magiging sandigan ng kabataan mula sa Muzon East! Sila ang magpapatuloy ng magandang adhikaing nasimulan. Ang magsusulong ng mga proyektong maka-kabataan. Ang magsisilbing tinig at lakas ng bawat mamamayan β Kilalanin ang SiKap - Kabataan!
Tiyak na maka-masa, lahat ay kayang-kaya, at sa serbisyo'y walang anumalya. Sa biyahe ng paglilingkod, TARA! Maki-isa at umarangkada. Narito na ang kabataang magpapatuloy ng magandang nasimulan kasama ang Team Lito sa pamumuno ni Kagawad Angelito "Lito" Sarmiento at Team Zymond sa pangunguna ni SKK Chairman: Zymond Kiel Ipio
Katuwang ang kaniyang mga kagawad na sina:
SKK Kagawad: Xave Caudilla
SKK Kagawad: Jelok Nieto
SKK Kagawad: Cess Puente
SKK Kagawad: Zoren Legaspi
SKK Kagawad: Ipe Castillo
SKK Kagawad: Chloe Aranas
SKK Kagawad: Yev Mateo
MagSiKapit-bisig at tayo'y magsiSiKap patungo sa hinihiling na hinaharap! Dahil sa SiKap, lahat may pangarap!
09/08/2023
Healthy ka sa SiKap!
SeeKap: Nakiisa ang SiKap - Kabataan sa pangunguna ng ating SKK Chairman Zymond Kiel Ipio at kaniyang mga kagawad sa paghahandog ng libreng lugaw at tubig sa mga estudyante ng Partida Elementary School bilang pagtugon sa Feeding Program at Learning Camp ng paaralan. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan MUZON 2018 sa pangunguna ng ating SK Chairwoman Yna Mendoza at SK Kagawad Judy May Pangilinan Ferrer na may hawak ng Kumite ng Equitable Access to Quality Education.
Ang SiKap ay buong puso na susuporta sa laban ng pangkalusugan β tatak SiKap 'yan!
MagSiKapit-bisig at tayo'y magsiSiKap patungo sa hinihiling na hinaharap! Dahil sa SiKap, lahat may pangarap!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Barangay Muzon East
San Jose Del Monte
3023
