17/05/2026
Buong puso po akong nakikiisa at sumusuporta sa programa ng City Health Office kaugnay ng MR SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity) para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga kabataan at mamamayan.
Kasama sina Dra. Lyden Camigla, Nurse Sionilyn, at Kagawad Elma Ballesteros, patuloy po nating hinihikayat ang bawat magulang na makiisa sa pagbabakuna upang maprotektahan ang ating komunidad laban sa tigdas at rubella. Malaki po ang papel ng pagbabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mapanatiling ligtas ang bawat pamilya.
Sama-sama po nating suportahan ang mga programang pangkalusugan para sa mas ligtas at mas malusog na barangay.
14/05/2026
Lubos pong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay sa patuloy na suporta at programang hatid nina Mayor Rida Robes at Cong. Arthur Robes sa pamamagitan ng programang “Tindahan ni Maria On The Go” para sa ating mga miyembro ng TODA.
Sa pangunguna ni TODA President Jose Gerona, matagumpay na naihatid ang programang nagbibigay ng mas abot-kayang produkto at dagdag kabuhayan para sa ating mga tricycle drivers at kanilang pamilya.
Patunay lamang ito na sa tulong ng pagkakaisa at malasakit ng ating mga lider, mas napapalapit ang mga programang tunay na makakatulong sa mamamayan.
Maraming salamat po kina Mayor Rida Robes, Cong. Arthur Robes, at kay Pres. Jose Gerona sa inyong dedikasyon at walang sawang paglilingkod para sa ating komunidad.
05/05/2026
Isinagawa po ngayong unang Lunes ng buwan ng Mayo ang ating Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng ating pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan.
Kaakibat nito ay ang pagsasagawa ng ika-55th Regular Session ng Sangguniang Barangay ng Gaya-gaya, na dinaluhan ng inyong lingkod kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng konseho.
Sa nasabing sesyon, tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang usapin, programa, at mga hakbang na naglalayong mapabuti ang serbisyo publiko at kapakanan ng ating mga kabarangay.
Patuloy po ang ating sama-samang pagkilos tungo sa mas maayos, maunlad, at nagkakaisang Barangay Gaya-gaya.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.
05/05/2026
Lubos po akong nagagalak na makadalo sa ginanap na Ms. Mamita Love 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day ng Springtown Villas Senior Citizen's, sa pangunguna ng kanilang masipag na Pangulo na si Gng. Amelia Peralta. Tunay ngang kahanga-hanga ang ipinamalas na kasiyahan, kumpiyansa, at pagmamahal ng ating mga lola na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad.
Ang ganitong mga programa ay patunay na ang pagiging ina ay walang pinipiling edad—ito ay isang walang hanggang tungkulin na puno ng sakripisyo, pagmamahal, at dedikasyon.
Muli, isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nanalo at kalahok ng Ms. Mamita Love 2026, at isang maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng tahanan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagmamahal at paglilingkod.
Mabuhay ang ating mga Senior Citizens at ang buong komunidad ng Springtown Villas!
29/04/2026
Isinagawa ang isang mahalagang site inspection sa pangunguna ng Sangguniang Panlungsod kaugnay ng ating inilapit na kahilingan para sa pagkakaroon ng right of way ng Toyota Village.
Ang naturang hakbang ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng Toyota Village sa pangunguna ng kanilang HOA President na si G. Alex Raquiza, bilang paghahanda sa isang maayos at bukas na dayalogo kasama ang Heroesville 1 HOA na pinamumunuan ni Pres. Marchel Ciocson.
Layunin ng aktibidad na ito na masuri ang sitwasyon sa lugar at makapaglatag ng konkretong solusyon na makikinabang ang lahat ng apektadong residente. Patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan upang matiyak na ang bawat panig ay maririnig at mabibigyan ng kaukulang aksyon.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.
29/04/2026
Isinagawa ang isang makabuluhang dayalogo kasama ang mga kinatawan ng ating mga senior citizens group—ang Verde Heights Senior Citizen sa pamumuno ni Pres. Remegio Lopez at ang Precious Jewels Senior Citizen sa pangunguna ni Pres. Susan Hertis.
Layunin ng nasabing pagpupulong na mapakinggan ang mga hinaing, mungkahi, at pangangailangan ng ating mga nakatatanda upang lalo pang mapabuti ang mga programang inilaan para sa kanila.
Tinalakay sa dayalogo ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa kapakanan, benepisyo, at aktibong partisipasyon ng senior citizens sa ating komunidad.
Ang Pamahalaang Barangay ay nananatiling bukas sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan upang matiyak na ang boses ng bawat sektor, lalo na ng ating mga senior citizens, ay nabibigyan ng pansin at aksyon.
Maraming salamat po sa inyong aktibong pakikilahok at patuloy na suporta.
28/04/2026
Isang taos-pusong pagbati sa matagumpay na pagtatapos ng Inter-HOA Basketball League Season 1!
Lubos po nating pinasasalamatan ang ating mga katuwang—5A's Swingman Sports Apparel, STV Sports Club, at lalo na ang ating mga HOA Presidents na buong pusong sumuporta upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito para sa ating komunidad.
Binabati natin ang kampeon sa 40-Up Division, ang Team Green House, kasama ang kanilang Most Valuable Player (MVP), gayundin ang kanilang naging katunggali na Estrella Homes 3 sa isang mahusay na laban.
Sa Open Age Division naman, pagbati sa nagwaging koponan na Estrella Homes 3 at sa kanilang MVP, laban sa matibay na koponan ng Just Rein Verde Heights.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng pagkakaisa, sportsmanship, at aktibong pakikilahok ng bawat isa sa ating barangay. Nawa’y magpatuloy pa ang ganitong mga programa na nagbibigay inspirasyon at lakas ng samahan sa ating komunidad.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!
28/04/2026
Isang makabuluhang araw po ang ating naging pagdalo sa General Assembly ng Estrella Homes 3 Homeowners Association noong ika-25 ng Abril 2026, sa pamumuno ni Pres. Pancho Sabillo.
Lubos po nating pinahahalagahan ang aktibong pakikiisa ng bawat miyembro ng samahan sa mga usaping pangkomunidad na layuning mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kapayapaan sa ating lugar.
Nagbigay din po ng mahahalagang paalala si PLT Ricky Laureta kaugnay sa pagpapatupad ng batas, disiplina, at seguridad ng komunidad. Ang ganitong pagtutulungan ng barangay, homeowners, at kapulisan ay mahalaga upang mas lalo pang mapagtibay ang ating pagkakaisa.
Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at patuloy na suporta. Asahan po ninyo na ang inyong lingkod ay laging handang makipagtulungan para sa ikabubuti ng ating barangay.
22/04/2026
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay kay Sharisse De Vera sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang Top 5 Passer sa Metallurgical Engineering Board Exam 2025! 🏅
Ang iyong dedikasyon, sipag, at talino ay tunay na inspirasyon hindi lamang sa iyong pamilya kundi sa buong barangay. Ipinakita mo na sa pamamagitan ng tiyaga at determinasyon, walang imposible sa isang kabataang may pangarap.
Kami sa Pamahalaang Barangay ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong natamo. Isa kang huwaran ng kabataan at patunay na ang ating barangay ay tahanan ng mga indibidwal na may kakayahang makipagsabayan sa pinakamahuhusay sa bansa.
Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa mas marami pang kabataan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mangarap nang mataas para sa kanilang kinabukasan.
Muli, congratulations, Engr. Sharisse De Vera! 👏
Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng buong barangay!
22/04/2026
Muling pinatunayan ng ating barangay ang mabilis at maagap na pagtugon sa mga usapin ng kalikasan.
Ngayong araw ay ating tinanggap at sinamahan ang mga kinatawan mula sa Regional DENR at CENRO sa kanilang pagbisita kaugnay ng reklamong natanggap sa pamamagitan ng 911 hotline hinggil sa umano’y ilegal na pagpuputol ng puno sa ating nasasakupan.
Mahigpit po nating ipinapaalala na ang pagpuputol ng puno nang walang kaukulang permit mula sa DENR ay mahigpit na ipinagbabawal at may kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas.
Maraming salamat sa DENR at CENRO sa kanilang agarang aksyon, at sa ating mga kabarangay na patuloy na nakikiisa sa pagbabantay ng ating kalikasan.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga puno at kalikasan para sa susunod na henerasyon!