04/06/2026
IN PHOTOS
Upang suportahan ang mga nano-enterprises o mga maliit na uri ng Negosyo gaya ng mga sari-sari store, karinderya, at mga cash assistance beneficiaries ng Pamahalaang Lungsod, binuo ang mga guideline sa mas episyenteng pagpaparehistro ngayong Huwebes, June 4.
Kabilang sa pagbabalangkas nito sina Business Development Division Head Ronald Soriano, City Councilor Oliver Robes, Chief of Staff Juan Miguel Perez at iba pang miyembro ng Technical Working Group para aralin ang mas maayos na pangangasiwa ng mga negosyong makapag-aambag sa lokal na ekonomiya ng The Rising City.
📍4th Floor, Meeting Room A, New Government Center, Barangay Dulong Bayan
📸 Mags Oliva
04/06/2026
TINGNAN
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at kaligtasan sa Barangay Paradise III, isinagawa ang road cleaning operation ngayong Huwebes, June 4.
Layunin ng aktibidad na ito na panatilihin ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng mga kalsada at pampublikong lugar para sa maayos na pagdaan ng mga residente.
📸 Barangay Paradise III
04/06/2026
IN PHOTOS
Muling umarangkada ang Barangay Care Caravan (BCC) ng lokal na pamahalaan sa mga San Joseño ng Barangay Bagong Buhay II ngayong Huwebes, June 4.
Hatid ang serbisyong may malasakit at alagang San Joseño, aabot sa higit 260 na mga residente ang natulungan ng programa kung saan inilapit sa kanila ang mga serbisyo at programa ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan kabilang na ang mga serbisyong pang-kalusugan at pantahanan.
Patuloy naman sa pag-iikot ang BCC upang suyurin ang mga barangay sa lungsod maihatid lang ang serbisyong may puso at alang San Joseño sa tao.
📍 Open Space, Barangay Bagong Buhay II
📸 Ken Resurreccion
04/06/2026
TINGNAN
Bago ang pagsisimula ng klase para sa SY 2026-2027, nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng DepEd San Jose del Monte para sa School-based Feeding Program and Nutrition-Sensitive Program Orientation nitong Miyerkules, June 3.
Dinaluhan ito ng mga punong g**o, Project Development Officer (PDOs), canteen managers, budget officers, at mga miyembro ng School Health and Nutrition Unit ng mga paaralan.
Sa sesyon, ibinahagi ni Schools Division Superintendent Dr. Leonardo Canlas ang kahalagan ng patuloy na pagpapabuti ng mga plano, pamamahala sa pananalapi, pagtutulungan, at striktong implementasyon ng mga napag-usapan upang tagumpay na maipatupad ang programa sa kani-kanilang mga paaralan na layong matulungan ang mga mag-aaral na labanan ang gutom at malnutrisyon habang inilalaban nila ang kanilang edukasyon at mga pangarap sa buhay.
📸 DepEd City of San Jose del Monte
04/06/2026
Bored ka na ba sa same routine?
Tara, Break muna sa routine! Join Amazing Race 2026 ng Youth on the Rock para sa isang araw na puno ng games, tawanan, bagong friends, at memories na di mo malilimutan.
Introvert ka man, extrovert, o tahimik lang pwedeng pwede ka dito. At mas solid pag kasama mo ang barkada mo! Walang kailangan dalhin kundi sarili mo lang, magandang energy, at readiness for fun.
One race, One Squad, One Unforgettable day.
🗓 June 5, 2026 | 1-5 PM
📍Sampaguita Hall, City Convention Center, Sapang Palay Proper
04/06/2026
PABATID mula sa City of San Jose del Monte - Business Development Office
💸Bantay Presyo, Bantay Negosyo💡
Kaakibat ng impormasyon ang matalinong desisyon.
Gabayan ang inyong pamimili at pagpapalakad ng negosyo sa pamamagitan ng lingguhang price watch sa produktong agrikultura at krudo.
Ang mga datos ay mula mismo sa mga lokal na pamilihan at gasolinahan sa loob ng Lungsod ng San Jose del Monte upang matiyak na ang impormasyong ibinibigay ay tumpak, angkop, at makatutulong sa mas maayos na pagpaplano ng bawat San Joseño.
04/06/2026
READ
PrimeWater Infrastructure Corporation is handed a double defeat after courts in Bulacan and Las Piñas dismissed two separate petitions for temporary restraining orders (TROs) and preliminary injunctions against the city government of San Jose del Monte, Bulacan.
In a decision dated May 26, the Regional Trial Court (RTC) of Bulacan denied PrimeWater’s petition after the water utility firm failed to prove a clear legal right or urgency needed for injunctive relief against the city government’s takeover of the local water district.
FULL ARTICLE HERE: https://www.rappler.com/business/primewater-loses-court-temporary-restraining-order-bids-bulacan-las-pinas/
PrimeWater loses court TRO bids in Bulacan, Las Piñas
The San Jose del Monte city government took over its local water district in May after it found that around a quarter of its households experienced water service interruptions