07/08/2026
📚 𝑻𝒂𝒎𝒑𝒐𝒌 𝒏𝒂 𝑨𝒌𝒍𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐 🇵🇭📚
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 𝑩𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂, tampok ngayong Agosto ang mga piling aklat mula sa 𝑩𝒓𝒊𝒍𝒍𝒆 𝑷𝒆𝒕𝒊𝒕 𝑩𝒐𝒐𝒌𝒔 na nagbibigay-pugay sa mga mahuhusay na Filipino author at sa kanilang mahahalagang likha sa wikang Filipino.
Ang mga aklat na ito ay maaaring makita at mahiram sa 𝑮𝒓𝒂𝒅𝒆 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒚. Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na tuklasin ang kagandahan ng ating sariling panitikan, linangin ang pagmamahal sa pagbabasa, at higit pang payamanin ang ating talasalitaan sa wikang Filipino.
Halina't magbasa, matuto, at ipagdiwang ang ating wika sa bawat pahina ng isang aklat! 📖