02/06/2026
PABATID
Upang matiyak ang mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko at ang tuluy-tuloy na operasyon ng Pamahalaang Lungsod, sa direktiba ni Mayor Ate Rida Robes, balik na sa regular na five-day work week and schedule ng City Government of San Jose del Monte.
Mananatiling bukas ang lahat ng mga tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM to 5PM.
Upang matiyak ang mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko at ang tuluy-tuloy na operasyon ng Pamahalaang Lungsod, sa direktiba ni Mayor Ate Rida Robes, balik na sa regular na five-day work week and schedule ng City Government of San Jose del Monte.
Mananatiling bukas ang lahat ng mga tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM to 5PM.
31/05/2026
TINGNAN
TULOY-TULOY ANG PAGPAPAGANDA NG MGA KALSADA: Road Reblocking, Isinagawa sa Ilang Bahagi ng Tubigan
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng mga programang pang-imprastraktura sa ating barangay, matagumpay na naisagawa ang road reblocking sa ilang bahagi ng Tubigan Road upang tugunan ang mga nasirang bahagi ng kalsada at mapanatili ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga motorista at residente.
Kabilang sa mga isinailalim sa road reblocking ang bahagi ng Tubigan Road sa tapat ng Heroesville 3 at ang Tubigan Road corner Heroesville 1 malapit sa Citta Roma, mga lugar na araw-araw na dinaraanan ng maraming sasakyan at mamamayan.
Ang proyektong ito ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ng ating butihing Punong Barangay, Enry Ryan Santos, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad para sa kapakanan ng bawat residente. Pinangunahan naman ang pagsasakatuparan ng proyekto ni MRF Manager Nathaniel "Natnat" Gilles, katuwang ang mga masisipag at dedikadong manggagawa at bioman na walang pagod na naglaan ng kanilang oras, lakas, at serbisyo upang matiyak na maayos at de-kalidad na maisagawa ang pagkukumpuni ng mga kalsada.
Layunin ng road reblocking na mapahaba ang buhay ng ating mga lansangan, mabawasan ang panganib ng aksidente, mapabuti ang daloy ng trapiko, at higit sa lahat ay mabigyan ng mas ligtas at mas komportableng paglalakbay ang bawat mamamayan. Patunay ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mahusay na pamamahala, unti-unti nating natutugunan ang mga pangangailangan ng ating komunidad at naipagpapatuloy ang mga proyektong may direktang pakinabang sa publiko.
Abangan sa mga susunod na araw ang iba pang mga lugar na isinailalim sa road reblocking at mga proyektong pang-imprastraktura na patuloy na isinasagawa sa iba't ibang bahagi ng barangay bilang bahagi ng ating hangaring makapaghatid ng mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na komunidad para sa lahat.
Sa bawat maayos na kalsada, may kaakibat na mas ligtas na biyahe, mas mabilis na serbisyo, at mas maunlad na Barangay Gaya-Gaya
31/05/2026
TINGNAN
GENERAL PARENTS ORIENTATION PARA SA MGA BAGONG DAYCARE STUDENTS
Matagumpay na isinagawa ang Child Development Centers General Parents Orientation noong Biyernes, Mayo 29, 2026, sa Marcela Covered Court na dinaluhan ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga bagong mag-aaral sa ating mga Child Development Centers.
Layunin ng naturang programa na mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga magulang hinggil sa mga polisiya, programa, at mahahalagang impormasyon na makatutulong sa maayos na pag-aaral at paghubog sa kanilang mga anak sa loob ng Child Development Centers. Nagpaabot din ng kanyang mensahe ang ating butihing Punong Barangay Enry Ryan Santos, na personal na dumalo upang salubungin at batiin ang mga bagong daycare students, at kanilang mga magulang. Kanyang ipinahayag ang buong pusong pag suporta ng Pamahalaang Barangay sa mga programang naglalayong paunlarin ang edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa ating komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga Speakers na sina: CDW, Annalin Delos Santos mula sa Verde Heights CDC, CDW, Joliza Fernandez mula sa Poblacion CDC, at CDW, Rufila Santiago mula sa Munting Tahanan 2 CDC, Muzon South na nagbahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at mahahalagang impormasyon na tiyak na magiging gabay ng ating mga magulang sa pagpapalaki, at pagsuporta sa kanilang mga anak. Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang ating mga masisipag at dedikadong Daycare Teachers, at Aides sa kanilang walang sawang paghahanda at pagsisikap upang maging matagumpay ang nasabing Gawain. Ang inyong pagmamahal at malasakit sa ating mga kabataan ay tunay na mahalagang bahagi ng kanilang pag-unlad.
Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang na dumalo, at nakiisa. Nawa'y magsilbi itong simula ng isang matatag na pagtutulungan ng tahanan, paaralan, at komunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga anak.
31/05/2026
‘MRT-7 PROJECT WILL STILL OPERATE WITH 14 STATIONS’
Sa pamamagiitan ng isang official statement, nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling may 14 na istasyon ang MRT-7 project.
Taliwas ito sa mga kumakalat na ulat na 13 istasyon lamang ang matutuloy.
Bahagi pa rin ng MRT-7 project ang San Jose del Monte (SJDM) Station at hindi ito inalis sa aprubadong alignment ng proyekto.
Target matapos ang Tala at SJDM stations at buksan sa publiko sa 2028.
📸: DOTr/Facebook
‘MRT-7 PROJECT WILL STILL OPERATE WITH 14 STATIONS’
Sa pamamagiitan ng isang official statement, nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling may 14 na istasyon ang MRT-7 project.
Taliwas ito sa mga kumakalat na ulat na 13 istasyon lamang ang matutuloy.
Bahagi pa rin ng MRT-7 project ang San Jose del Monte (SJDM) Station at hindi ito inalis sa aprubadong alignment ng proyekto.
Target matapos ang Tala at SJDM stations at buksan sa publiko sa 2028.
📸: DOTr/Facebook
30/05/2026
PABATID
Mula sa City College of San Jose Del Monte
🎉✨ 𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐈𝐓 𝐈𝐒 𝐎𝐕𝐄𝐑! ✨🎉
💜 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 to all qualified applicants! Here is the list of successful candidates for the 𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐨𝐟 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐟𝐢𝐞𝐫𝐬 for Academic Year 2026–2027.
📌 For the List of Qualifiers, kindly click the link below:
https://drive.google.com/file/d/1FoqzqzXGxbXl0dOQV-6y9MbbWU64h3OQ/view?usp=sharing
📅 𝐏𝐑𝐄-𝐄𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄
All Second Batch Qualifiers are advised to report for their Pre-Evaluation on June 03, 2026 (Wednesday), 8:00AM onwards.
Please prepare and bring all required documents for verification and evaluation.
📂 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐑𝐄𝐐𝐔𝐈𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒
• Three (3) Long Brown Envelopes
• SF9/SF10 – Original Copy
• Good Moral Certificate – Original Copy
• Transcript of Records (TOR) (For College Undergraduate Students only)
• Diploma – Photocopy
• PSA Birth Certificate – Original Copy
• Proof of Residency, Voter's ID, or National ID
🏥 𝐂𝐋𝐈𝐍𝐈𝐂 𝐑𝐄𝐐𝐔𝐈𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒
• Chest X-ray (All Courses)
• Drug Test (Additional Requirement for BS Criminology)
• CCSJDM Clinic Form with "Fit to Study/Schooling" remark and Doctor's Signature
📄 CCSJDM Clinic Form:
https://drive.google.com/file/d/1fFEPSkq7lJXEHkhPyBDW0jneJlJQY70D/view?usp=sharing&fbclid=IwY2xjawSHUAJleHRuA2FlbQIxMABicmlkETF2MHBHbjhCaEtYSEh0R3ZOc3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHj6CZ_6N1FeZ1xw4aAqK4dGVnaNnPFxcGVhqsNK24VGMCNt1NE2_G0dy9MZJ_aem_a7yuehhmK_e3MdR9pbcJpg
For more information and updates regarding clinic requirements, kindly follow the official page of the CCSJDM Health Services Unit:
https://www.facebook.com/share/p/1Cer25BSHU/
🎓 Welcome to the CCSJDM Family, Future City Collegians!
May this achievement inspire you to continue striving for excellence as you begin your college journey. Your future starts here, and we look forward to seeing you on campus.
💜 See you on June 03, Future City Collegians!
29/05/2026
SAMA-SAMA TUNGO SA MAS INFORMED NA BARANGAY GAYA-GAYA
Isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala sa official page ng Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya na ngayon ay umabot na sa 10,000 followers.
Ang milestone na ito ay hindi lamang numero, kundi patunay ng aktibong pakikiisa ng ating mga kabarangay sa mga programa, proyekto, serbisyo, at mahahalagang impormasyon na ating ibinabahagi para sa buong komunidad. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mga makabuluhang balita, anunsyo, at updates upang mas mapalapit pa ang serbisyo publiko sa bawat Gayanos.
Sa mahigit 67,000 nating populasyon, malayo pa po ang ating mararating. Kaya naman inaanyayahan parin po namin ang lahat na patuloy na suportahan at ibahagi ang ating official page upang mas marami pa nating kabarangay ang maging updated at maabot ng mga impormasyon at serbisyong hatid ng ating barangay.
Muli, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagtitiwala. Sama-sama nating palaguin ang isang mas konektado, informed, at nagkakaisang Barangay Gaya-Gaya!
29/05/2026
TINGNAN
MGA SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA MAG-AARAL NG GAYA-GAYA, NAIDELIVER NA!
Sa mga nakaraang linggo ay unti-unti nang naideliver ang mga school supplies na ipamamahagi para sa mga mag-aaral ng Gaya-Gaya bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Makikita sa mga larawan ang kahon-kahong notebook, ballpen, at iba pang kagamitang pang-eskwela na nakahandang maipamahagi sa ating mga estudyante.
Ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Enry Ryan Santos kasama ang Sangguniang Barangay, na masuportahan ang bawat kabataang Gayanos sa kanilang pag-aaral at mabigyan sila ng dagdag na inspirasyon at kumpiyansa sa pagsisimula ng panibagong taon ng pagkatuto.
Sa pamamagitan ng munting hakbang na ito, nais ng ating barangay na makapagbigay ng dagdag na suporta sa ating mga magulang at estudyante bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, upang mas maging magaan at mas masaya ang pagbabalik-eskwela ng ating mga kabataan.
Sa mga susunod na araw ay magtatakda naman ng schedule ang bawat paaralan kung kailan isasagawa ang distribution ng mga school supplies. Inaanyayahan po ang lahat na manatiling updated sa mga anunsyo ng kani-kanilang eskwelahan at ng ating barangay para sa iba pang detalye.