16/09/2024
CALLING ALL PARTY GOER's!!!
We will be having a DANCE PARTY!
(POWERED BY MEGAMIXX MOBILE)
On Setember 21, 2024 (SATURDAY) 6:00 pm
San Martin IV Covered Court.
ENTRANCE FEE : 40 PESOS
Again! n' Again! n' Again! Let's go party goers!
31/08/2024
COME AND JOIN US !
AS WE FORMALLY OPEN THE SAN MARTIN IV VOLLEYBALL & BASKETBALL LEAGUE 2024.
LATER @ 3PM HERE AT OUR BRGY COVERED COURT.
SEE YOU GUYS !
30/08/2024
LOOKING FOR VENDORS
Para po sa ating Basketball and Volleyball Leauge.
Ang mga gusto pong makakuha ng pwesto sa ating barangay, maaari po kayong magtungo sa opisina ng barangay upang makakuha ng impormasyon ukol dito.
MARAMING SALAMAT PO!
30/07/2024
📣 ANNOUNCEMENT 📣
FREE MEDICAL CHECK UP FOR BARANGAY SAN MARTIN 4 RESIDENCE.
Tomorrow, July 31, 2024, 8:00AM
Para siguraduhing maayos ang lagay ng inyong kalusugan maari po kayong magtungo sa ating Covered Court bukas para sa Free Check Up.
Hangad po ng ating Punong Barangay ang maayos na kalusugan para sa lahat.
Maraming Salamat po!
24/07/2024
KEEP SAFE, BARANGAY SAN MARTIN 4!
In case of emergency, you may contact the following hotline numbers:
CITY HEALTH OFFICE (CHO)
0956-986-9417
SJDM - CITY POLICE STATION
0916-432-0401
CSJDM - BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP)
0932-373-2444
CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (CDRRMO)
0932-600-0119
0955-206-7200
CITY TRAFFIC MANAGEMENT - SIDEWALK CLEARING OPERATIONS OFFICE (CTM-SCOO)
0936-631-0799
(044) 305-6474
24/07/2024
July 23, 2024
Sa tulong ng ating butihing Kapitan Christian P. Tamayo, naibalik po natin ang nawawalang cellphone ng isa nating ka-baranggay.
Patuloy pong gagawin ng inyong lingkod ang lahat ng makakaya sa mga ganitong sitwasyon.
Paalala: Ingatan po natin ang ating mga personal na gamit, maging mapagmasid at alerto sa panahong ito na maraming pwedeng manamantala.
18/07/2024
Magandang Balita!
Nagkaroon po tayo ng inspeksyon ngayong araw July 18, 2024 sa mga eskinitang kailangang ayusin ang linya ng tubig kasama ang kawani ng ating Barangay sa pangunguna ni Kapitan Christian Tamayo kasama ang Primewater. Ito ay para magkaroon na ng maayos na linya ng tubig ang ating mga mamamayan.
Asahan niyo pong patuloy na gagawin ng inyong lingkod ang lahat ng kanyang makakaya upang mabigyang solusyon ang suliranin natin sa supply tubig.
Maraming Salamat po!
18/07/2024
TIGNAN: Naganap ngayong araw ng July 18, 2024 ang Barangay Annual Audit Report For Year 2022-2023 (BAAR) sa ating Pamahalaang Barangay San Martin IV, kasama ang Barangay Council at Sangguniang Kabataan Council.
17/07/2024
Magandang Umaga!
Inaanyayahan po namin ang lahat ng kasali sa Barangay San Martin 4 Leauge mamayang 3:30 pm dito sa ating Covered Court para sa isang pagpupulong. Ang lahat po ng players ay inaasahang dumalo. Maraming salamat po!
08/07/2024
"LIWANAG PARA SA BUONG SAN MARTIN IV"
Tignan kung gaano na kaliwanag ang eskinita sa Morning Glory Street. Ito ay sa patuloy na pagtutulungan ng ating Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Christian, kanyang mga Kagawad pati ang mga tanod nating hindi napapagod sa pagta-trabaho.
Asahan po ninyong ipagpapatuloy ng inyong lingkod ang pagtugon sa pangangailangan ng ating nasasakupan, para na rin sa kaligtasan ng ating mamamayan sa Barangay San Martin IV.
📷: Annalynne Calibuso
07/07/2024
TIGNAN
Kahapon, July 7, 2024 nagsagawa ng oath taking ang samahan ng mga OFW dito sa ating Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Kagawad Diorico Tatoy kasama ang mga officers ng Bayani ng Bayan Barangay ng San Martin IV.