22/05/2026
PABATID‼️
Mananatili pong sarado ang Kadiwa Center sa buong buwan ng Mayo.
Hanggang ngayon ay wala pong tugon na natatanggap ang aming tanggapan mula sa Food Terminal Inc ukol sa request nating makapag-angkat ng P20 na bigas. Ito po ang nagiging dahilan kung kaya't wala pa rin po tayong supply.
Salamat po sa pang-unawa!
15/05/2026
PABATID‼️
Mananatili pong sarado ang Kadiwa Center bukas, Mayo 16.
07/05/2026
PABATID‼️
Mananatili pong SARADO ang ating Kadiwa Center sa Sabado, Mayo 9.
Mangyaring maghintay lamang ng susunod naming anunsiyo kung kailan muling magiging available ang pagbili ng P20 na bigas.
05/05/2026
Local Water District, pangangasiwaan na ng City Government of San Jose del Monte
Pormal nang naghain ng notice of takeover ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa water district ngayong Martes, May 5.
Alinsunod sa City Ordinance 2026-03-012, pormal nang isinasalin sa City Government ang kontrol sa mga ari-arian at pasilidad na may kaugnayan sa mga sistema ng tubig at wastewater na pinamamahalaan ng PrimeWater Infrastructure Corp.
Ang hakbang na ito ay ipinapatupad sa gitna ng matagal at paulit-ulit na mga pagkaka-abala sa serbisyo ng tubig na nakakaapekto sa mahigit 250,000 residente ng Lungsod.
05/05/2026
IN PHOTOS
Personal na inihain ni Mayor Florida "Ate Rida" Robes ang Notice of Takeover ng City Government of San Jose del Monte, Bulacan sa operasyon at serbisyo ng tubig sa lungsod nitong Martes, May 5, sa mismong tanggapan ng San Jose del Monte Water District sa Brgy. Minuyan Proper.
Kasama ng Punong Lungsod sa paghain ng dokumento sina Congressman Arthur Robes at City Administrator Atty. Rizaldy Mendoza sa pamunuan ng Water District na ka-joint venture partner ng Primewater Infrastructure Corp. Pormal at buong puso namang tinanggap ito ng pamunuan ng SJDM Water District na sina Chairman Aurelio Jose Jr., General Manager Engr. Loreto Limcolioc, at Spokesperson Atty. Leah Javier.
Sinaksihan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Department Heads ng Pamahalaang Lungsod, mga punong barangay, empleyado ng Water District at iba pang sektor.
Ang desisyong ito ay kasunod ng paglalabas ng notice of termination ng Water District sa joint venture agreement nito sa Primewater noong nakaraang taon, gayundin ng hindi pag-renew ng business permit ng kumpanya ngayong taon bunsod ng hindi sapat at hindi maaasahang suplay ng tubig.
Sa bisa ng City Ordinance No. 2026-03-012, pangangasiwaan na ng Pamahalaang Lungsod ang operational control ng mga asset at pasilidad ng San Jose Water District at Primewater na may kaugnayan sa water supply at wastewater systems, gayundin ang pagsasagawa ng masusing pag-aaral para makapili ng interim o bagong water utility operator.
Nagkaroon din ng Press Conference kung saan nabigyan ng pagkakataon ang iba't ibang mga media na makapagtanong at malinawan sa pinaigting na hakbang ng pamahalaan upang tugunan ang lumalalang krisis sa distribusyon ng tubig sa lungsod.
Ang buong detalye, abangan sa Balitang San Jose N'yo.
📍San Jose del Monte Water District Office, Barangay Minuyan Proper
📸Arnold Rosas | Ken Resurreccion | Mags Oliva | Jonathan Dasal
30/04/2026
PABATID!
Sarado pong muli ang ating Kadiwa Center sa Sabado, Mayo 2.
Sa mga nagnanais na magpa-register/ kumuha ng kanilang QR Code, bukas po ang aming tanggapan (City Agriculture Office) ng Lunes hanggang Huwebes, 8AM- 5:00 PM
Maraming salamat po sa inyong patuloy sa suporta.
24/04/2026
KADIWA CENTER SCHEDULE: April 25, 2026
Muli pong itinatagubilin na ang lahat lamang po ng nakapagpa-register na sa QR Code ang maaaring makabili ng P20 per kilo ng bigas.
Kita-kits!
17/04/2026
PABATID‼️
Muling magbubukas ang Kadiwa Center, bukas, Abril 18, upang maghatid ng abot-kaya at sariwang produkto sa mga San Joseño.
Gaya ng dating mga announcement, ang mga NAKAPAGPAREGISTER lamang po sa QR Code ang maaaring bumili ng P20 per kilo na bigas.
Paalala, kinakailangan pa rin pong dalhin ang inyong valid ID at ang authorization letter (kung ikaw ay pinakisuyuan lamang) bilang patunay ng inyong pagkakakilanlan.
Paano kung hindi pa nakapagparegister? Kinakailangan po na magsadya sa aming tanggapan, City Agriculture Office (likod ng bagong city hall), upang makapagpatala. Bukas ito Monday to Thursday ng 8AM hanggang 5PM.
08/04/2026
ARAW NG KAGITINGAN
APRIL 9, 2026 (THURSDAY)
REGULAR HOLIDAY
Base sa Presidential Proclamation No. 1006, s. 2025, idineklarang REGULAR HOLIDAY ng Malacañang ang April 9, 2026 (Thursday) bilang paggunita sa ARAW NG KAGITINGAN sa buong bansa.
ARAW NG KAGITINGAN
APRIL 9, 2026 (THURSDAY)
REGULAR HOLIDAY
Base sa Presidential Proclamation No. 1006, s. 2025, idineklarang REGULAR HOLIDAY ng Malacañang ang April 9, 2026 (Thursday) bilang paggunita sa ARAW NG KAGITINGAN sa buong bansa.
__
Maaaring ma-download ang nasabing file sa link na ito:
Presidential Proclamation No. 1006, s. 2025
https://www.officialgazette.gov.ph/2025/09/03/proclamation-no-1006-s-2025/
08/04/2026
PABATID‼️
Dahil po sa kawalan ng delivery ng ₱20 kada kilo na bigas ngayong linggo, 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐝𝐢𝐰𝐚 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨, 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟏𝟏.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.