02/06/2026
Ngayong araw ay isinagawa ang Bayanihan sa Paaralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela ngayong taon na ginanap sa Sapang Palay National High School.
Nakatuwang ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 ang kaniyang mga kasama na mga Rotaryo mula sa Rotary Club of San Jose del Monte Central sa layuning makatulong sa paghahanda ng paaralan para sa mas maayos at handang pagbubukas ng klase para sa mga mag-aaral.
| | | | | | | | | |
02/06/2026
Sa pamamagitan ng suporta ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻, naging bahagi ang 𝗞𝗮𝗽𝗲 𝗻𝗶 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 sa 𝗗𝗮𝘆𝗰𝗮𝗿𝗲 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁 na ginanap sa City Covered Court, na ibinahagi sa mga g**o, magulang, at kabataang kalahok ng nasabing aktibidad.
Isinusulong ng programang ito ang diwa ng sportsmanship, kasiyahan, at pagkakaisa ng mga daycare learners at kanilang pamilya sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga palaro at iba’t ibang gawain.
| | | | | | | | | |
02/06/2026
Bilang suporta sa 𝗭𝗶𝗻 𝗝𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆 𝗕𝗮𝘀𝗵 𝗭𝘂𝗺𝗯𝗮 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘁𝗵𝗼𝗻 na ginanap sa 𝗖𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 𝟰𝗔 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆𝗽𝗶𝗮𝗻, nagpaabot si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 ng 𝘀𝗼𝘂𝗻𝗱 𝘀𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺, 𝗺𝗴𝗮 𝘂𝗽𝘂𝗮𝗻, at 𝗺𝗲𝘀𝗮 upang makatulong sa maayos at masiglang pagdaraos ng programa.
Maligayang kaarawan, Zin Jenna!
| | | | | | | | | |
01/06/2026
Kahit na maulan, tuloy pa rin ang pakikiisa ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 sa 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗞𝗶𝗰𝗸-𝗢𝗳𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟲 na ginanap sa Riverpark Esplanade bilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Bilang suporta sa mga volunteers at kalahok ng programa, nagpaabot po si Konsi Noli ng 𝗞𝗮𝗽𝗲 𝗻𝗶 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na naglalaan ng oras at serbisyo upang masig**ong handa at maayos ang ating mga paaralan para sa mga mag-aaral.
| | | | | | | | | |
01/06/2026
Sinimulan ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 ang buwan ng Hunyo sa pakikiisa sa ginanap na 𝗙𝗹𝗮𝗴 𝗥𝗮𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 sa City Convention Center ngayong araw, June 1, 2026.
Kasama sina 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗶𝗱𝗮 “𝗔𝘁𝗲 𝗥𝗶𝗱𝗮” 𝗥𝗼𝗯𝗲𝘀, 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗔𝗿𝗹𝗲𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗿𝘁𝗼𝗹𝗼𝗺𝗲, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga kawani ng lokal na pamahalaan, muling ipinakita ang pagkakaisa at sama-samang hangarin na maihatid ang mas mahusay na serbisyo para sa bawat San Joseño.
| | | | | | | | | |
31/05/2026
Bilang pakikiisa sa patuloy na pagdiriwang ng 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa 𝗦𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗿𝗮𝗱𝗼𝗿 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵, nagpaabot po si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 ng 𝗞𝗮𝗽𝗲 𝗻𝗶 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 at 𝗯𝗼𝘁𝘁𝗹𝗲𝗱 𝘄𝗮𝘁𝗲𝗿 para sa mga deboto, volunteers, at mga dumalo sa pagdiriwang.
Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon ang mga ganitong gawain sa pagpapalalim ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating komunidad. Maraming salamat po at mabuhay ang ating kapistahan!
| | | | | | | | | |
31/05/2026
Nakiisa ang tanggapan ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 sa ginanap na 𝗥𝗼𝗮𝗱 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ng 𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa Convention Center ngayong May 31, 2026.
Bilang suporta sa kanila at sa adbokasiyang naglalayong palakasin ang kaalaman sa kaligtasan sa kalsada, nagpaabot po tayo ng 𝗞𝗮𝗽𝗲 𝗻𝗶 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 para sa mga dumalo sa programa. Kaisa po ninyo kaming itataguyod ang disiplina at kaligtasan para sa mas maayos na biyahe ng bawat pamilyang San Joseño.
| | | | | | | | | |
25/05/2026
Happy Monday, pamilyang San Joseño!
Kasama ang bumubuo ng masisipag na kawani ng ating Pamahalaang Lungsod, nakiisa po tayo sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa City Government Center bilang pagsisimula ng panibagong linggo ng serbisyo para sa mamamayang San Joseño.
Isang paalala na sa bawat Lunes, dala natin ang panibagong lakas at malasakit upang magpatuloy sa paglilingkod nang may puso at integridad.
| | | | | | | | | |
25/05/2026
Personal ding dumalaw si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 sa burol ng yumaong si 𝗘𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗚𝘂𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝘀 sa Himlayan de San Jose upang magpaabot ng pakikiramay at dasal sa naiwang pamilya at mga mahal sa buhay.
Sa panahon ng pagdadalamhati, mahalaga ang presensya, pakikiisa, at taos-pusong pakikiramay sa ating kapwa.
| | | | | | | | | |
25/05/2026
Isa sa mga patuloy na sinusuportahan ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗡𝗼𝗹𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝗰𝗶𝗼𝗻 ay ang simbahan at mga gawaing nagpapalakas ng pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.
Kaya naman, kahapon, May 24, sa ginanap na 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗿𝗮𝗱𝗼𝗿 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵, nagpaabot po ng 𝗞𝗮𝗽𝗲 𝗻𝗶 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 at 𝗯𝗼𝘁𝘁𝗹𝗲𝗱 𝘄𝗮𝘁𝗲𝗿 bilang munting suporta at pakikiisa sa selebrasyon.
Patuloy po nating suportahan ang mga tradisyong nagbubuklod sa ating komunidad.
| | | | | | | | | |