23/05/2026
Ang Tanggapan ng City of San Jose Del Monte Anti-Drug Abuse Council ay lubos na nakikiramay at nakikidalamhati sa mga naulila ni Sir Samson Rodriguez. Ang kanyang mahalagang ambag at dedikasyon sa adhikain ng Pamahalaang Panlungsod ng San Jose del Monte—na matulungan, mabigyan ng panibagong pag-asa, makapagbagong-buhay, at muling makabalik sa pamayanan ang ating mga kababayang naligaw ng landas—ay mananatiling inspirasyon sa marami.
Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod at malasakit, Sir Sam. Ang iyong mga nagawa at iniwang kabutihan ay hindi malilimutan.
Taos-pusong pakikiramay sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Nawa’y matagpuan nila ang lakas at kapanatagan sa gitna ng kanilang pagdadalamhati. Rest in peace, Sir Sam.
19/05/2026
Happy Tuesday!
Clear your mind, leave those substances behind ✨
18/05/2026
Bilang bahagi ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng Pamahalaang Panlungsod ng San Jose del Monte, nagsagawa ang Barangay San Rafael IV ng Community-Based Livelihood Training: Meat Processing nitong Miyerkules, Mayo 13, 2026.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Victorel C. Roxas, katuwang ang Barangay Council, at sa suporta ng City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council at Public Employment Service Office, matagumpay na naisagawa ang nasabing pagsasanay para sa mga kalahok ng programa.
Layunin ng programa na mabigyan ng dagdag na kaalaman at oportunidad sa kabuhayan ang mga residenteng kalahok bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon, pagbabagong-buhay, at patuloy na kampanya kontra droga sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga livelihood training tulad ng meat processing, inaasahang magkakaroon ng mas maayos na hanapbuhay at panibagong direksyon sa buhay ang mga benepisyaryo ng programa.
̃o
11/05/2026
Happy Monday! 😍
Your future is key. Stay drug free.
07/05/2026
Bilang pagtugon sa direktiba ng Punong Lungsod na si Mayor Ate Rida Robes, patuloy na isinusulong ng City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC), sa pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome at katuwang ang San Jose del Monte Police, ang mga programa laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program.
Noong Abril 22, 2026, nadagdag sa programa ang Barangay Sta. Cruz IV. Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ng assist tool orientation upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok at mapalakas ang kanilang pakikiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga at rehabilitasyon.
̃o
07/05/2026
Happy Thursday!
"You can’t go back and change the beginning, but you can start where you are and change the ending.” – C.S. Lewis
06/05/2026
DRUG-FREE PTSSO PROGRAM
Bilang pagtugon sa mandato ng ating Punong Lungsod, Mayor Ate Rida Robes, ang City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC), na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, katuwang ang City Traffic Management – Sidewalk Clearing Operation Group (CTM-SCOG), ay nagsagawa ng Drug Awareness Seminar at Drug Testing Activity para sa mga kasapi ng Private Tricycle School Service Organization. Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Convention Center, Gumamela Hall, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.
Layunin ng aktibidad na ito na matiyak na ang mga kasapi ng Private Tricycle School Service Organization sa lungsod ay nasa maayos na kalagayan at handang magbigay ng ligtas at responsableng serbisyo sa mga mag-aaral na San Joseño, lalo na sa inaasahang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo.
̃o
06/05/2026
Bilang pagtugon sa direktiba ng Punong Lungsod ng San Jose del Monte na si Mayor Ate Rida Robes, patuloy na nagsasagawa ang City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) ng mga programa laban sa ilegal na droga. Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, katuwang ang San Jose del Monte Police, bilang bahagi ng Barangay Drug Clearing Program.
Noong nakaraang Abril 14, 2026, nadagdagan ng dalawang barangay ang saklaw ng nasabing programa—ang Barangay San Martin I at Barangay San Martin II—sa pakikipagtulungan ng kani-kanilang mga Punong Barangay. Sa isinagawang aktibidad, nagkaroon ng assist tool orientation para sa mga kalahok upang higit na mapalalim ang kanilang kaalaman at mapalakas ang kanilang partisipasyon sa kampanya laban sa ilegal na droga.
̃o
20/04/2026
Labing-isang (11) plea bargainers ang kinilala noong Lunes, Abril 13, 2026, matapos nilang matagumpay na makumpleto ang counseling at aftercare program sa ilalim ng City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC). Layunin ng CSADAC na magbigay ng inspirasyon at panibagong pag-asa sa mga indibidwal na nasangkot sa ipinagbabawal na gamot, upang sila ay makapagsimula muli at magbagong-buhay. Naging panauhing tagapagsalita si Sgt. Frederick Sunga, na nagpahayag ng buong suporta ng kapulisan sa mga nagsusumikap na magbago at ituwid ang kanilang landas.
Ang pagpapatuloy ng Programang Community-Based Drug Rehabilitation ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang ating mga kababayan na muling makabangon at makabalik sa lipunan. Ito ay isinasagawa sa pamumuno ng ating butihing Punong Lungsod, Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ng ating Bise Alkalde, Vice Mayor Arlene Bartolome-Arciaga.
̃o
08/04/2026
Patuloy ang pagsisikap ng CSADAC sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes at sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene Bartolome-Arciaga, katuwang ang kapulisan ng Lungsod ng San Jose del Monte sa pangunguna ni PCPT Ruel Medrano, Sector 4 Commander, at sa direktang superbisyon ni PLTCOL Reyson M. Bagain, Chief of Police, upang maituro sa mga mamamayan ng lungsod ang kahalagahan ng pag-iwas sa ilegal na droga. Kaugnay nito, noong March 26,2026 ay nagsagawa ng pagsasanay para sa BDCP, BPAT at BADAC sa Barangay Sta. Cruz 4, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.
Ang aktibidad ay dinaluhan at aktibong nilahukan ng mga opisyal ng barangay, mga empleyado, at mga miyembro ng BADAC Auxiliary Team. Layunin ng lektyur na mapahusay ang kasanayan, kaalaman, at koordinasyon ng mga stakeholder sa komunidad upang mapalaganap ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa kani-kanilang mga barangay.
̃o