Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan

Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan

Share

BRGY. POLICE HOTLINE (24/7) : 0917-7757206
BHERT HOTLINE (24/7) : 0917-7257214
BRGY. OFFICE HOTLINE : 0917-712-1722

04/06/2026

Kita Kits po Pamilyang Minuyeños

DUGO MO, BUHAY KO

Magbigay ng dugo, magligtas ng buhay!

📅 Hunyo 5, 2026
🕖 7:00 AM onwards
📍 City College, Barangay Minuyan Proper

Lahat ng blood donors ay makatatanggap ng 2 kilong bigas bilang token ng pasasalamat.
Donate Blood, Save a Life!


04/06/2026

Kapakanan muna ng taumbayan!

‘Yan ang nanaig sa hatol ng magkahiwalay na korte sa Bulacan at Las Piñas matapos paboran ng dalawa ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa at pagtulong ng City Government of San Jose del Monte sa operasyon ng distribusyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.

Batay sa mga desisyon ng mga hukom, higit na mahalaga ang serbisyo publiko at pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.

Ang buong detalye sa report ni Gelo Darantinao.








04/06/2026

DUGO MO, BUHAY KO

Magbigay ng dugo, magligtas ng buhay!

📅 Hunyo 5, 2026
🕖 7:00 AM onwards
📍 City College, Barangay Minuyan Proper

Lahat ng blood donors ay makatatanggap ng 2 kilong bigas bilang token ng pasasalamat.
Donate Blood, Save a Life!


Photos from Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan's post 04/06/2026

IN PHOTOS

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Balik-Eskwela 2026, nagsagawa ang pamahalaang barangay ng information and Awareness Lecture para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Minuyan Proper kahapon June 3, 2026.

Mula sa San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS), sa pangunguna ni PSSg Frederick Sunga, CCAD PNCO, Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga mahahalagang usapin hinggil sa kampanya laban sa iligal na droga, anti-terorismo, Safer City Program, at iba pang mga hakbang na nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Layunin nitong higit pang palakasin ang kaalaman at pakikipagtulungan ng mga BPAT sa kapulisan upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbubukas ng klase para sa mga mag-aaral, magulang, at buong komunidad.

Patuloy na isinusulong ng SJDM CPS, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Reyson M. Bagain, Chief of Police, ang mga programang nagtataguyod ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad tungo sa isang ligtas, mapayapa, at maunlad na lungsod.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Punong Barangay Irene Biteng at Kagawad Joel Balboa, Tagapangulo ng Komite sa Kapayapaan at Kaayusan, bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaayusan at seguridad sa Barangay Minuyan Proper.
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"


PrimeWater loses court TRO bids in Bulacan, Las Piñas 04/06/2026

READ

PrimeWater Infrastructure Corporation is handed a double defeat after courts in Bulacan and Las Piñas dismissed two separate petitions for temporary restraining orders (TROs) and preliminary injunctions against the city government of San Jose del Monte, Bulacan.

In a decision dated May 26, the Regional Trial Court (RTC) of Bulacan denied PrimeWater’s petition after the water utility firm failed to prove a clear legal right or urgency needed for injunctive relief against the city government’s takeover of the local water district.

FULL ARTICLE HERE: https://www.rappler.com/business/primewater-loses-court-temporary-restraining-order-bids-bulacan-las-pinas/


PrimeWater loses court TRO bids in Bulacan, Las Piñas The San Jose del Monte city government took over its local water district in May after it found that around a quarter of its households experienced water service interruptions

03/06/2026

Maligayang Kaarawan!
Ang Pamahalaang Barangay ng Minuyan Proper ay lubos na bumabati sa iyo sa iyong kaarawan. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, tagumpay, at kapayapaan. Hangad namin ang iyong patuloy na kaunlaran at kasiyahan sa buhay.
Pagbati mula kay Kapitana Irene A. Biteng at ng Sangguniang Barangay

03/06/2026

DUGO MO, BUHAY KO
Calling all blood donors

Isang patak ng dugo, isang buhay ang maaaring mailigtas.
Inaanyayahan namin ang lahat ng kwalipikadong donor na makibahagi sa ating Blood Letting Activity sa darating na Hunyo 5, 2026, simula alas-7:00 ng umaga sa City College, Barangay Minuyan Proper.

Ang iyong paglalaan ng ilang minuto ay maaaring maging pag-asa ng isang taong nangangailangan. Sama-sama nating ipakita ang malasakit at pagkakaisa para sa ating kapwa.
❤️ Donate Blood, Save a Life!

03/06/2026

PANOORIN

DepEd CSJDM Convergence, pinagkaisa ang mga school personnel.








03/06/2026

We will rise above because the welfare of every San Joseño will always come first!
Ikinagagalak namin ang desisyon ng korte dahil binibigyan tayo nito ng pagkakataong
ipagpatuloy ang ating trabaho: pagbutihin ang serbisyo ng tubig, itama ang matagal nang mga problema sa sistema, at tugunan ang pangangailangan ng mga San Joseño.
Pinagtitibay nito ang kaugnay na kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na protektahan
ang kapakanan ng taumbayan. Matagal nang naghintay ang ating mga kababayan, at hindi natin hahayaang maantala ng mga legal na taktika ang agarang aksyon.
Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil hangga’t hindi natin naibibigay sa bawat pamilyang San Joseño ang dekalidad, maayos, sapat, at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig.
This fight is for the people, and we will always stand on the side of the people we serve!






We will rise above because the welfare of every San Joseño will always come first!

Ikinagagalak namin ang desisyon ng korte dahil binibigyan tayo nito ng pagkakataong
ipagpatuloy ang ating trabaho: pagbutihin ang serbisyo ng tubig, itama ang matagal nang mga problema sa sistema, at tugunan ang pangangailangan ng mga San Joseño.

Pinagtitibay nito ang kaugnay na kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na protektahan
ang kapakanan ng taumbayan. Matagal nang naghintay ang ating mga kababayan, at hindi natin hahayaang maantala ng mga legal na taktika ang agarang aksyon.

Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil hangga’t hindi natin naibibigay sa bawat pamilyang San Joseño ang dekalidad, maayos, sapat, at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig.

This fight is for the people, and we will always stand on the side of the people we serve!







Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Road 1 Barangay Minuyan Proper
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm