03/06/2026
☝️🧡
We will rise above because the welfare of every San Joseño will always come first!
Ikinagagalak namin ang desisyon ng korte dahil binibigyan tayo nito ng pagkakataong
ipagpatuloy ang ating trabaho: pagbutihin ang serbisyo ng tubig, itama ang matagal nang mga problema sa sistema, at tugunan ang pangangailangan ng mga San Joseño.
Pinagtitibay nito ang kaugnay na kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na protektahan
ang kapakanan ng taumbayan. Matagal nang naghintay ang ating mga kababayan, at hindi natin hahayaang maantala ng mga legal na taktika ang agarang aksyon.
Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil hangga’t hindi natin naibibigay sa bawat pamilyang San Joseño ang dekalidad, maayos, sapat, at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig.
This fight is for the people, and we will always stand on the side of the people we serve!
03/06/2026
IN PHOTOS | BARANGAY SAN RAFAEL IV ABAKADA SUMMER CLASS GRADUATION DAY
Ginanap kahapon, Hunyo 2, 2026, ang Graduation Day ng ABAKADA Summer Class ng ating barangay.
Ito ay proyekto ng ating Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga bata sa pagbasa at pagsulat, at maihanda sila sa kanilang pagpasok sa Kindergarten upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagkatuto.
Pinangunahan ang programa nina Punong Barangay Hon. Victorel C. Roxas, Committee on Education Chairwoman Kagawad Marilyn P. Gimena, at SK Chairman Julius I. Salva, sa tulong nina Kagawad Brigida G. Forlales, Barangay Treasurer Marilou L. Tondo, SK Kagawad Monica Gerente, at sa suporta ng buong Sangguniang Barangay Council.
Bukod sa mga sertipikong natanggap, pinagkalooban din ni SK Chairman Julius I. Salva katuwang ang buong Sangguniang Kabataan Council ang mga nagsipagtapos ng libreng school supplies at libreng name tag bilang suporta sa kanilang nalalapit na pagbabalik-eskwela.
Binabati namin ang lahat ng mga batang nagtapos at ang kanilang mga magulang sa matagumpay na pagtatapos ng ABAKADA Summer Class. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
02/06/2026
BASAHIN
Double win para sa mga San Joseño! Bigo ang Primewater na pigilan ang City Government ng San Jose del Monte sa mga gagawing hakbang upang maisaayos ang sitwasyon ng tubig sa Lungsod matapos paboran ng dalawang magkaibang korte ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa ng City Government ng San Jose del Monte sa operasyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.
Ayon sa mga desisyon ng mga korte sa Bulacan at Las Piñas, higit na mahalaga ang pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.
01/06/2026
JUNE 01, 2026- BARANGAY SAN RAFAEL IV MONTHLY MONDAY PROGRAM AND FLAG RAISING CEREMONY
📍 Barangay San Rafael IV Function Hall, Barangay San Rafael IV, City of San Jose del Monte, Bulacan
01/06/2026
Maligayang Kaarawan, SK Lenard !
Maligayang Kaarawan, SK Kagawad Lenard Gabisan! 🎊
Maraming salamat sa iyong serbisyo at dedikasyon sa ating komunidad. Nawa'y pagpalain ka pa ng mabuting kalusugan, tagumpay, at kaligayahan ✨
Patuloy na maging inspirasyon at mabuting lider para sa ating mga kabataan 🩷
01/06/2026
JUST IN
Tatlong atleta mula sa Lungsod ng San Jose del Monte ang nagwagi ng medalya sa ginaganap na 2026 Palarong Pambansa sa Agusan del Sur.
Nasungkit ni Rinoa Heart De Vera ng Cornerstone College Inc. ang Silver Medal sa Taekwondo.
Nagkamit naman ng Bronze Medal sa Swimming si Dirk Espelimbergo ng La Concepcion College, habang Bronze Medal naman sa Chess ang naiuwi ni Johua Estanialo ng City of San Jose del Monte Science High School.
Congratulations! Patuloy ninyong ipinagmamalaki ang ating lungsod sa larangan ng sports. Mabuhay ang ating mga atleta! 🇵🇭👏
31/05/2026
‘MRT-7 PROJECT WILL STILL OPERATE WITH 14 STATIONS’
Sa pamamagiitan ng isang official statement, nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling may 14 na istasyon ang MRT-7 project.
Taliwas ito sa mga kumakalat na ulat na 13 istasyon lamang ang matutuloy.
Bahagi pa rin ng MRT-7 project ang San Jose del Monte (SJDM) Station at hindi ito inalis sa aprubadong alignment ng proyekto.
Target matapos ang Tala at SJDM stations at buksan sa publiko sa 2028.
📸 DOTr/Facebook