25/09/2026
Matagumpay na naisagawa ang Community-Based Training on Candle Making sa Barangay Sta.Cruz III Bilang bahagi ng patuloy na programa para sa pagpapalawak ng kaalaman at kabuhayan ng ating mga kababayan sa pangunguna ng ating TESDA Accredited Trainer na si Mr. Gerald Hidalgo
Katuwang din ang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) na si Ms. Jelly Magno na nagbigay ng kaalaman patungkol sa pagsisimula ng negosyo.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, nabigyan ng oportunidad ang mga kalahok na matuto ng tamang proseso at kasanayan sa Candle Making na maaari nilang magamit bilang dagdag hanapbuhay at panimula ng sariling pagkakakitaan.
Patuloy ang layunin ng aming tanggapan na maghatid ng dekalidad na kaalaman at oportunidad na makakatulong sa pagpapaunlad ng kakayahan at kabuhayan ng bawat pamilyang San Joseño.