10/04/2026
β
ON-GOING
NAGPAPATULOY NA NGAYON ANG INSTALASYON NG MGA STREET LIGHT SA BARANGAY NARRA.
Masiglang isinasagawa ang pagpapatuloy ng Street Lighting Project sa ating lugar. Kasama natin dito ang ating mga BANTAY BAYAN , ang buong Sangguniang Barangay Council, at sa pamumuno ng ating Chairman.
Salamat sa inyong serbisyo at dedikasyon para sa mas maliwanag at ligtas na komunidad! ποΈπͺ
.homesnarra
07/04/2026
LATE POST: GENERAL ASSEMBLY -BRGY. NARRA.
Kamakailan lang, idinaos ang GENERAL ASSEMBLY ng BRGY. NARRA,- Isang malaking pasasalamat sa ating councils at kapitan sa kanilang dedikasyon at sa lahat ng mga residente na naglaan ng oras para makilahok. Ang inyong boses ay mahalaga para sa ating BARANGAY.
Patuloy nating suportahan ang mga proyekto at inisyatibo ng ating Chairman at ng Councils para sa ikabubuti ng ating komunidad!
30/03/2026
GANAP
Thank you TEAM CHARLIE Deputy Mendoza Torlao Camacho Victorino Golimlim Nuez Barrios
naayos na ang phase 02 dulo
Phase G VMS
Phase O
next natin mga pundido at umido βοΈβοΈππππ
β ang mahalaga, ang inyong gawa ay NAGBIBIGAY NG MALIWANAG NA DAAN para sa lahat ng taga-Narra! π Maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo at pagmamahal sa ating barangay! β¨"
29/03/2026
TINGNAN
Mga kabarangay, patuloy pa rin ang pag-aayos ng mga ilaw sa ating Barangay Narra! Pinamumunuan ito ng ating BRGY CHAIRMAN at ng buong SANGGUNIANG BARANGAY - Narra, kasama ang mga dedikadong BANTAY - BAYAN na buong pusong nagtatrabaho araw-araw. Isaalang-alang po natin ang kanilang sipag at tiyaga β sila ang dahilan kung bakit mas makikita natin ang liwanag para sa mas ligtas na mga kalsada para sa lahat, mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda!
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa habang isinasagawa ang mga gawain β at lalong salamat sa ating mga BANTAY BAYAN at OPISYAL na hindi tumitigil hanggang sa maipagkaloob ang mas maliwanag na kinabukasan para sa Barangay Narra!"
. Homes -Narra
27/03/2026
KAGANAPAN
Sangguniang Barangay ng Francisco Homes - Narra, Inner Wheel Club District 377, Likhaan Center for Womenβs Health Inc., ZumbArangkada, Brgy. Francisco Homes-Narra Child Development Workers at iba't iBang Grupo ng mga Zumba : Magkasama sa Laban : Laban sa Kanser sa Serviks! πͺπΈ
Hindi lamang pangangalaga sa mga bata ang tungkulin ng Barangay at Child Development Workers - kasama rin sila sa laban kontra kanser sa serviks kasama ang Likhaan Center for Womenβs Health Inc., Inner Wheel Club District 377 at iba't ibang organisasyon!
Nagbibigay ng LIBRENG SERBISYO sa pagsusuri at paggagamot sa Kanser sa Serviks, LIBRENG KAALAMAN para maunawaan at mapigilan ang sakit. Sama-sama tayong nagdadala ng pag-asa at kalusugan para sa mga KABABAIHAN sa komunidad!
Laban sa kanser sa serviks β hindi tayo susuko! ππ€
27/03/2026
UPDATE
"Basta't nagkakaisa, ang mahirap ay dumadali. Sa pagtutulungan, ang mabigat ay gumagaan" Maraming Salamat sa ating mga maaasahang BPSO. β₯οΈβ₯οΈβ₯οΈ Bukas ulit ππβ₯οΈβ₯οΈππ
Sa mga nag report at nag comment sa page ng ating barangay - naiayos at nakumpuni ang inyong mga hinaing sa inyong lugar.
Tuloy tuloy ang pagsasa-ayos ng ating mga streetlights kaya huwag mag atubili na sumangguni sa tanggapan ng ating barangay.
bayan
25/03/2026
PAG-UULAT
Kasama ang Brgy. Chairman at buong Brgy. Council ay nagkaroon ng agarang aksyon ng BANTAY BAYAN para sa mga ilaw ng kalye.
Mula sa bawat kanto hanggang sa mga pangunahing daanan- buong barangay na ang babantayan, susuriin, papaayusin. Hindi na kailangan matakot sa dilim dahil sama-sama tayong nagtutulungan para sa mas ligtas na komunidad.
Patuloy po kayong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng aming barangay hotline (044) 815-6041 o sa aming official page.
Isang maliwanag na komunidad ay isang ligtas na komunidad. Sama-sama tayong magbigay ng liwanag sa BRGY. NARRA.
25/03/2026
IN PHOTOS
Sa bawat sulok na nagdidilim nandyan ang Bantay-Bayan para siguraduhing muling magliliwanag. Ang kanilang pagbabantay ay hindi lang para sa seguridad kundi para sa ginhawa ng bawat isa.
Huwag mag atubili na mag report, ang ating Bantay -Bayan ay handang tumulong para maayos agad ang mga sirang ilaw.
Sabay - sabay nating itaguyod ang isang ligtas, maayos, at maliwanag na bayan para sa lahat
23/03/2026
Mark your calendar!
Join us for updates and open discussions.
Be part of shaping our community.
Our Barangay Narra.
23/03/2026
Magandang Araw po mga Kabarangay, ito po ang ating opisyal na Page https://www.facebook.com/brgy.franciscohomesnarra Dito po tayo mag post o makipag coordinate para sa mas mabilis at tamang aksyon ng inyong mga lingkod barangay.
Iwasan ang pag post sa ibang Page dahil hindi po namin ito agarang napapansin. Salamat sa inyong pag-intindi at pang unawa.
Barangay Francisco Homes NARRA
16/02/2026
Magandang Araw mga Kabarangay!
Nais mo bang papasukin ang iyong anak sa isang Child Development Center? π€
Maaaring makadagdag sa inyong katanungan at pangamba ang mga akala. Alamin kung bakit nga ba mahalaga ang pagpasok ng mga bata sa child development center o daycare. π§π¦π§
Para sa mga magulang na may anak na pasok po ang EDAD sa Day Care Center at nais nio po sila na papasukin sa paaralan upang mahubog ang kanilang kaisipan, kakayahan, emosyonal at iba pang importanteng domain para sa kanilang paglaki.
Maaari nio pa po sila e enroll at pwede din po kayo bumisita Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 am to 3:00 pm.
Maraming Salamat po.
Maaaring bisitahin ang pinaka malapit na CHILD DEVELOPMENT CENTER o DAY CARE CENTER na malapit sa inyong lugar.
πNARRA CHILD DEVELOPMENT CENTER
Block 9 Lot 1 Phase F1 (near covered court)
π NEIGHBORHOOD CHILD DEVELOPMENT CENTER
Open Area Phase O Brgy Narra (near saep compound)
πBBF HOA CHILD DEVELOPMENT CENTER
BBF Blk. 2 Lot 4 PHASE 1