Team Valerio

Team Valerio

Share

Sa Team 𝑽𝑨𝑳𝑬𝑹𝑰𝑢
Serbisyong 𝑴𝑨𝑻𝑰𝑲 yan!

03/06/2026

Cheers to Our New CPA!

Isang malaking pagbati mula sa Pamahalaang Barangay Muzon Proper kay SK Kagawad Courtney Love Dela Cruz, CPA sa matagumpay na pagpasa sa 2026 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE)!

Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Tunay na nakaa-inspire ang iyong tagumpay at nagbibigay ng karangalan sa ating komunidad.

Muli, taos-pusong pagbati sa iyong napakagandang tagumpay! Ipinagmamalaki ka ng buong Barangay Muzon Proper at nakikiisa kami sa pagdiriwang ng iyong tagumpay. πŸŽŠπŸŽ‰πŸ’šπŸ§‘


03/06/2026

Cheers to Our New CPA!

Isang malaking pagbati mula sa Pamahalaang Barangay Muzon Proper kay SK kagawad Mark Kristian Valerio, CPA sa matagumpay na pagpasa sa 2026 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE)!

Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Tunay na nakaa-inspire ang iyong tagumpay at nagbibigay ng karangalan sa ating komunidad.

Muli, taos-pusong pagbati sa iyong napakagandang tagumpay! Ipinagmamalaki ka ng buong Barangay Muzon Proper at nakikiisa kami sa pagdiriwang ng iyong tagumpay. πŸŽŠπŸŽ‰πŸ’šπŸ§‘


Photos from Team Valerio's post 31/05/2026

πŸ“šπŸŽ’ Balik Eskwela 2026!

β€œSerbisyong Nagkakaisa at may Malasakit sa Kapwa tungo sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan.”

Taos-pusong pasasalamat po sa ating sponsor na The Grand Fraternal Order of Philippine Eagles International – CSJDM United Force Multiplier Group, lalo na kina Pres. WB Cris Matilla at VP Luzviminda Espada, sa kanilang pagkakaloob ng school supplies para sa ating mga mag-aaral.

Malaking tulong po ito upang maging mas handa ang ating mga kabataan sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral. Ang inyong kabutihan, malasakit, at patuloy na pagsuporta sa ating komunidad ay nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa marami.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at pagbabahagi ng biyaya. Mabuhay po kayo! β€οΈπŸ™πŸ“š






29/05/2026

TARA NA AT MAGING TESDA SCHOLAR! πŸŽ“

Ang PRIME SKILLS TRADE ACADEMY, katuwang ang Pamahalaang Barangay Muzon Proper, ay nag-aanyaya sa lahat ng nais matuto at magkaroon ng dagdag na kaalaman at oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng:

π—–π—’π— π—£π—¨π—§π—˜π—₯ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π—  π—¦π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—œπ—‘π—š 𝗑𝗖 π—œπ—œ
sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA.

BENEPISYO NG PAGIGING TESDA SCHOLAR:
- May allowance na β‚±160 kada araw
- Blended Training (Online at Face-to-Face)
- Libreng Assessment
- Libreng pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan sa larangan ng computer servicing

πŸ“Œ LIMITADO LAMANG SA 50 SLOTS!
πŸ“Œ Bukas para sa mga 18 taong gulang pataas.

MGA KINAKAILANGANG REQUIREMENTS:
β€’ Birth Certificate
β€’ Transcript of Records o Form 138
β€’ Marriage Certificate (kung may asawa)
β€’ 1x1, 2x2, at Passport Size Picture (White Background)

Ilagay lamang ang lahat ng requirements sa isang malinis na folder envelope.

Maaari ipasa ang Requirements sa Barangay Muzon Proper, 2nd Floor simula Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Para sa ibang detalye maaaring magtanong pagpasa ng requirements sa Barangay Muzon Proper.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng bagong kasanayan at mas magandang oportunidad para sa kinabukasan. Sama-sama nating buksan ang mas maraming oportunidad tungo sa tagumpay at trabaho para sa bawat kabataan at mamamayan ng Barangay Muzon Proper!



Photos from Team Valerio's post 14/05/2026

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, nagkaroon ng isang pagpapahalaga upang makapag-pahinga at mabigyan ng kaunting ngiti ang bawat nanay ng Barangay Muzon Proper, Sarmiento Homes.

Ito ay handog ni Councilor Rosalyn Cabuco katuwang ang Team Valerio sa pangunguna ni Kapitana Beth Valerio, isang araw puno ng serbisyo para sa mga nanay sila ay na handugan ng Free Haircut, Massage at Manicure.

Muli tayong nagpapasalamat kay konsi Rosalyn Cabuco sa pagtuloy na pagsuporta at pagmamahal sa bawat nanay ng Barangay Muzon Proper. maraming Salamat rin sa mga naging Volunteer at ating nakasama sa programa na ito.

09/05/2026
08/05/2026

πŸŒΈπŸ’– HANDOG PAGMAMAHAL PARA SA MGA INA! πŸ’–πŸŒΈ

Bilang pagkilala sa walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at pag-aaruga ng ating mga ina, inihahandog ng Team Valerio at ni Konsehala Dra. Rosalyn Cabuco ang isang espesyal na serbisyong para sa kanila ngayong Mother’s Day. ✨

πŸ“Œ Libreng Haircut, Massage, Facial at Manicure
πŸ“… Mayo 9, 2026
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Clubhouse, Sarmiento Homes, Muzon Proper

Tara na! Ito ay First Come, First Serve! 🫢

Layunin ng programang ito na mabigyan ng munting pahinga, pagpapahalaga, at kasiyahan ang ating mga ilaw ng tahanan bilang pasasalamat sa kanilang walang kapantay na pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya. πŸ’

07/05/2026

MOTHER’S DAY COMMENT CHALLENGE

β€œBet ko si Nanay kasi… ” mention nyu po ang name or Tag para po mabasa din nila ang mensahe nyu sa kanila....

Ngayong Mother’s Day, ibahagi kung bakit espesyal ang inyong nanay sa isang maikli ngunit makabuluhang komento!

πŸ“Œ Paano sumali?
- I-comment ang sagot sa:
β€œBet ko si Nanay kasi…”
- Maging malikhain, nakakatawa, o taos-pusong ang inyong entry.
- I-like at i-share ang post.
- I-tag si Nanay o ang taong nais mong ihandog ang mensahe.
-Siguraduhin ring naka Like, Follow sa Team Valerio Page, at mag Tag ng 5 Friends para Like at Follow ang Team Valerio Page.

PAALALA:

-Ito ay para lamang sa mga nakatira at sakop ng Barangay Muzon Proper

Ang mga pinaka-witty, creative, at makahulugang sagot ay mananalo ng espesyal na papremyo!

Halimbawa:
β€œBet ko si Nanay kasi siya ang ilaw na gumagabay sa amin araw-araw.” πŸ¦Έβ€β™€οΈ

Deadline ng entries: May 20, 2026 | 7:00 pm ng Gabi
Anunsyo ng mananalo: May 30, 2026 kasabay ng FB Live Raffle kaya tutok lang sa ating Page!

Ipakita natin ang pagmamahal at pasasalamat sa ating mga ilaw ng tahanan! ☺️

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Brgy. Muzon Proper
San Jose Del Monte
3023