ARya Minuyan Proper

ARya Minuyan Proper

Share

ARya Minuyan Proper! This page is not the main page of Minuyan Proper.

Photos from Barangay Minuyan Proper City of San Jose del Monte Bulacan's post 10/04/2026
08/04/2026

ANUNSYO MULA SA PRIMEWATER SAN JOSE DEL MONTE

Ipinababatid sa lahat na magkakaroon ng Water Treatment Plant Maintenance Activity sa mga sumusunod na lugar:

Bahagi ng mga Barangay:
Sapang Palay Proper, Dulong Bayan, Fatima 1–5, Assumption, Sto. Niño 1–2, San Martin 1–4, Sta. Cruz 1–5, Lawang Pare, Citrus, San Martin de Porres, Bagong Buhay 1–4, Minuyan 1–5, Minuyan Proper, at Sto. Cristo

Petsa at Oras:
April 8, 2026 (6:00 PM) hanggang April 9, 2026 (6:00 AM)

Dahilan:
Isasagawa ang maintenance activity sa Water Treatment Plant No. 1 sa Brgy. Minuyan.

Paalala:
Maaaring makaranas ng mahina hanggang walang tubig sa nasabing oras. Unti-unting babalik sa normal ang suplay ng tubig matapos ang maintenance.

Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Source: PrimeWater San Jose del Monte
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños! "

02/04/2026

MAUNDY THURSDAY

Ngayong Huwebes Santo, alalahanin natin ang dakilang halimbawa ng pagmamahal, kababaang-loob, at paglilingkod sa kapwa.
Nawa’y magsilbing gabay ang araw na ito upang patatagin ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad.

Mapayapa at makabuluhang pagninilay sa ating lahat ngayong Maundy Thursday.
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños! "


02/04/2026

ANUNSYO SA PUBLIKO

Ipinababatid po sa lahat na sarado ang Opisina ng Barangay sa paggunita ng Semana Santa.

Ito po ay bilang pagbibigay-daan sa taimtim na pagninilay at pagdiriwang ng banal na okasyon.

Walang pasok sa mga sumusunod na araw:
• Miyerkules Santo April 1, 2026
• Huwebes Santo April 2, 2026
• Biyernes Santo April 3, 2026
• Sabado de Gloria April 4, 2026
• Linggo ng Pagkabuhay April 5, 2026

Mananatili paring 24/7 ang serbisyo pagdating sa mga emergency response services gaya ng Tanod at Bhert tumawag lamang sa numero: BHERT-0917-725-7214 at BARANGAY TANOD: 0917-775-7206 AT 0917-192-7870.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"


30/03/2026

Paalala sa Tamang Pagtatapon ng Basura sa Semana Santa 2026

Habang ginugunita natin ang kabanalan ng Semana Santa, ipakita rin natin ang paggalang sa kalikasan:

•🗑️ Itapon nang maayos ang basura sa tamang basurahan para sa nabubulok, di-nabubulok, at recyclable.

•🚯 Iwasan ang pagtatapon ng basura sa simbahan, sementeryo, at pampublikong lugar.

•♻️ Magsanay ng tamang paghihiwalay ng basura upang mabawasan ang polusyon at mapakinabangan ang mga recyclable.

•🌱 Panatilihing malinis ang kapaligiran bilang tanda ng ating malasakit sa komunidad at sa kalikasan.

Ang malinis na kapaligiran ay salamin ng dalisay na pananampalataya at debosyon. Nawa’y ipakita natin ang ating pagninilay hindi lamang sa panalangin kundi sa responsableng pagkilos.


30/03/2026

TINGNAN

Bilang bahagi ng patuloy na paglilingkod sa publiko, nagsagawa ng libreng sakay para sa mga mamamayan ang San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) ngayong Lunes, March 30.

Layunin ng inisyatibong ito na maibsan ang pasanin ng publiko, lalo na ng mga naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gastusin sa pang-araw-araw na pagbiyahe.

📸 Pulis Csjdm Bulacan


30/03/2026

Holy Monday invites us to slow down, reflect, and embrace renewal in faith. 🙏

22/03/2026

PABATID SA PUBLIKO

Isasara ang kahabaan ng Phase 4B Main Road sa tapat ng Klinika Tomasino simula Marso 23, 2026, sa ganap na 1:00 PM, at matatapos ito sa Marso 29, 2026. Ang hakbang na ito ay upang bigyang-daan ang gaganaping Food and Trade Fair Bazaar bilang bahagi ng ating Women’s Month Celebration.

Pinapayuhan ang mga residente na gumamit ng alternatibong daan sa panahong isinasagawa ang programa.

Maraming Salamat po.
"Dapat Alam mo Pamilyang Minuyeños!"



Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Minuyan Proper
San Jose Del Monte