18/10/2023
“Mula Sa Abar Para Sa Abar”
Serbisyong may Delicadeza and aking hanggad sa ating mga ka-barangay. Isang serbisyong bukas palad na ibibigay sa ating nasasakupan na manggagaling sa isang lehitimong taga Abar 1st.
KONSEHALA IMELDA ESTEBAN BUCOD
PARA KAGAWAD NG BARANGAY ABAR PRIMERO!!!
29/06/2023
Sa pagpapatuloy po ng ating Kapihan at Kuwentuhan sa nasasakupan po ng ating mahal na barangay at sa pamumuno po ng ating walang kapagurang Kapitan na si Kap Dulay. Ating sinadya ang Julia Street ng Zone 6. Nagkaroon po ng balitaktakan sa mga suhestyon at sa mga suliranin na kanilang kinahaharap sa araw-araw.
13/06/2023
Ang inyo pong lingkod ay binigyan ng pagkakataon upang marinig ang anumang hinaing ng ating mahal na kabarangay. Sampu ng aking mga kasama sa pamumuno po ng ating walang kapagurang Kapitan na si Librado Dulay ay nagsagawa tayo ng isang tinatawag na "Kapihan with Team Dulay". Ang layunin po nito ay upang pakinggan ang mga suhestyon, opinyon, hinanaing at mga pang araw-araw na kinahaharap po ng ating mga kabarangay. Atin pipilitin at gagawin ang lahat ng ating makakaya upang mabigyan po ng tuldok ang inyong mga hinaing at magkaroon ng boses ang ating mga kabarangay sa iba't - ibang sona ng Abar Primero, San Jose City, Nueva Ecija.
04/06/2023
Nagkaroon po tayo ng tinatawag na 3 on 3 na laban sa larong basketball. Ito ay hinalukan ng iba't - ibang kabataan mula sa ating sa mahal na barangay ng Abar Primero. At ang Team Dulay ang nanguna sa pamamahagi ng mga trophies at awards sa mga nagsipagwagi. Sa pamumuno ng ating masipag at mapagmahal na Brgy. Captain na si Honorable Librado Dulay at sampu ng kanyang mga kasama sa Team Dulay. Layunin po nating ipamalas at bigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na ipagmalaki at ipamahagi ang kanilang mga kagalingan sa larangan ng basketball. Mabuhay ang San Jose City! Mabuhay ang Abar Primero! Mabuhay ang Team Dulay!
30/05/2023
Sa pangunguna po ng ating butihing Punong Barangay na si Kapitan Librado Domingo Dulay at sampu po ng Team Dulay ay sinamantala ang init ng panahon upang magsagawa ng isang tinatawag na team building nitong Mayo 28 at 29, 2023. Maliban po sa pagtatampisaw sa napakagandang resort ng Leivy Lance sa Gabaldon, Nueva Ecija ay atin pong pinagtibay pa ang samahan ng Team Dulay. Kaya sa ngalan po ng inyong lingkod kami po ay handa na muling sumabak upang harapin ang hamon po ng pagpapanatiling mapayapa at maunlad ang ating mahal na barangay ng Abar Primero sa Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija.
゚viral
08/05/2023
Maligayang ika 45th na anibersaryo po sa Kapilya po ng Villa Ramos na pinamumunuan po ng mahal nating si Rev. Fr. Eric Pangilinan. Ang inyo pong lingkod ay naanyayahang dumalo sa ginanap na misa ng nasabing parokya kasama po ang walang kapagurang Team Dulay. Panalangin po namin na lalo pa pong pagtibayin ng ating mga Ka-ABAR ang kanilang pananalig at pananampalataya tungo sa matiwasay at maunlad na pamumuhay. Mabuhay po tayong LAHAT! Mabuhay po ang Team Dulay! Mabuhay po ang ABAR Primero!
01/05/2023
Maligayang araw mga Ka-ABAR! Ang inyo pong lingkod ay pinalad na manyayahan na dumalo sa paliga sa basketball ng Zone 7 ng ating mahal na barangay. Katuwang po natin si G. Ramon Agasang na nagpameryenda po sa mga opisyales ng naturang palaro. Sa mga ganitong pagkakataon po natin maipapamalas ang ating suporta sa mga kabataan at sa ating mga ka-ABAR. Mabuhay po tayong lahat! Mabuhay ang Team Dulay! Mabuhay ang ABAR Primero! Mabuhay ang SJC!
19/04/2023
Sa pakikipagtulungan po ng inyong lingkod Imelda Esteban Bucod kasama ang Muñoz Invictus Vir Elite Eagles Club (PINTADOS) sa pangunguna ng aking anak at Chartered President na Si Melvin “Kuya ivo” Bucod kasama ng kanyang mga opisyal at miyembro ng kanilang club tayo po ay nakapagabot ng tulong sa ating mga kabarangay na nasunugan sa Zone 8 Podmon , Abar 1st. Ang Vicuña Family ay atin pong naabutan ng tatlong 25 kilos na bigas at grocery supplies na naging biktima po ng sunog kamakailan lamang. Maraming salamat po sa Pamunuan ng PINTADOS at salamat po sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga Ka-ABAR.
04/04/2023
Nagkaroon po tayo ng Pabasa ng Pasyon 2023 sa atin pong munting bakuran. Nagsimula po ito nung Lunes Santo at magpapatuloy sa buong linggo ng Mahal na Araw po mga ka-ABAR. Inaanyayahan kopo kayong ating paglinayan at sama-sama nating gunitain ang naging buhay at sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo para sa sangkatauhan.
27/03/2023
Mga ka-ABAR samahan nyo po akong balikan ang mga kaganapan nuong ating ipinagdiriwang ang kapistahan ng ating mahal na Barangay Abar Primero. Tayo po ay nagkaroon ng Colored Fun Run na kung saan ay ito ay isang aktibidad na tunay na pampamilya. Sapagkat ako ay tunay na nagalak at isinama kopa ang aking mga mahal na mga apo upang samahan ako. At kinabihan naman po ay ating sinamahan ang ating mga kabarangay sa isang masaya at hindi malilimutang barangay night. Sana nawa'y lahat tayo ay naging masaya sa nagdaang kapistahan at ating suportahan ang ating mahal na Barangay Abar Primero sa ating ikauunlad at ikasasagana. Mabuhay ang Abar Primero! Mabuhay ang mga ka-ABAR!
25/03/2023
Kumusta po mga ka-ABAR, isang napakasaya, matagumpay at hindi malilimutang kapistahan ang naganap po sa ating mahal na Abar Primero dito po sa Lungsod ng San Jose. Isang buong linggo po nating pinagdiriwang ang ating kapistahan. At nung Marso 20 po ay naging panauhin po natin ang mga sikat na artista at ng ating butihin Alkalde. Tunay pong ating ipagmamalaki na tayo po ay mga ka-ABAR. Mabuhay po ang San Jose City! Mabuhay po ang Abar Primero! Mabuhay po tayong lahat. Magkita-kita po tayong muli sa susunod na taon mga ka-ABAR.