19/03/2026
WORLD WATER DAY 2026!
Sa darating na Sabado, ikaw-21 ng Marso, magkakaroon tayo ng malawakang clean-up drive sa bawat barangay sa ganap na ika-6 ng umaga.
Para sa mga gustong makibahagi ay makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang mga barangay para sa lugar na kanilang lilinisin.
Ang bawat isa ay may karapatan sa malinis na tubig, kaya't sama-sama tayong makiisa sa pagdiriwang na ito!
28/11/2025
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ค๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐!
Mahalaga ang malinis na tubig dahil ito ay kayamanan ng buhay.
Kaya't bawat patak, bawat ilog, bawat dagatโdapat pangalagaan at protektahan. ๐ง๐
Paano tayo makakatulong?
๐ฎHuwag magtapon ng basura sa mga ilog, irigasyon, kanal o dagat.
๐งMaging matipid sa paggamit ng tubig.
๐คSumali sa mga clean-up drive sa inyong komunidad.
Ang pag-aalaga sa tubig ay pag-aalaga sa ating sarili at sa ating kinabukasan. Maging responsable tayo.
Dahil ang malinis na tubig ay kailangan ng lahat. ๐ง๐
25/11/2025
๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฅ๐๐ฃ, ๐๐จ๐ก๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ข๐ก! ๐
Sa pagdiriwang ng ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐ถ๐ป ๐๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป, muling pinatunayan ng ๐๐๐-๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ang kanilang dedikasyon sa kalikasan.
Sa superbisyon ng CENRO - San Jose City at pakikipagtulungan ng Barangay Abar Primero, isinagawa ang isang masinsinang clean-up drive sa Sitio Tanibong noong Nobyembre 22. Ang 210 kilos ng residual wastes na nakolekta ay isang malinaw na patunay na seryoso ang kabataan sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Ang bawat piraso ng basurang inalis nila ay isang hakbang palayo sa climate crisis. Ito ay patunay na ang KABATAAN ang pinakamalakas na puwersa sa pagbabago!
17/11/2025
Halina't maki lahok mga ka Barangay
07/11/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ขโผ๏ธโผ๏ธ
Huwag magpaanod ng anumang basura at magtambak ng anumang klase ng basura sa mga lugar na malapit sa mga daraanan ng tubig (kanal, estero, ilog, irigasyon, atbp.) dahil maaaring maianod ito na siyang isang dahilan ng pagkabara nito na magreresulta ng ๐ฃ๐๐๐๐๐๐.
Makakalikasang paalala mula sa LGU San Jose City at City Environment and Natural Resources Office
"๐๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐จ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐ฃ
Palaging maging alerto at handa sa paparating na bagyo. Mag-iingat po tayong lahat!
06/11/2025
๐ธ WEEKLY HIGHLIGHTS! ๐ฟ
Narito ang ilang larawan mula sa mga isinagawang gawain ng aming tanggapan sa nakalipas na linggo! ๐ช
Kasama rito ang pagdalo sa mga Barangay Solid Waste Management Committee (BSWMC) meetings sa ibaโt ibang barangay upang patuloy na maipatupad ang maayos na pamamahala sa basura, pati na rin ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga establisimyento upang matiyak ang pagsunod sa mga batas pangkalikasan. โป๏ธ
Patuloy ang aming tanggapan sa pagsusulong ng kalinisan, disiplina, at pangangalaga sa kapaligiranโkasama ang bawat San Joseรฑo tungo sa mas malinis at mas maayos na lungsod! ๐โจ
31/10/2025
๐ฏ๏ธ Sa paggunita ng Araw ng mga Patay, ipakita rin natin ang respeto โ hindi lang sa ating mga yumaong mahal sa buhay, kundi pati sa kalinisan ng kanilang himlayan. ๐ฟ
๐ชฆ Ilagay sa tamang lalagyan ang basura at iwasang iwan kung saan-saan. ๐ฏ
๐ค Tulong-tulong tayo sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran. ๐
26/10/2025
๐ Barangay Assembly Meeting โ Brgy. Tayabo ๐๏ธ
Kahit Linggo, patuloy pa rin ang pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon tungkol sa mga programang pangkalikasan ng Lungsod ng San Jose. ๐ฟ
Dumalo ang mga kinatawan mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa ginanap na Barangay Assembly Meeting sa Brgy. Tayabo nitong Linggo, October 26, 2025.
๐ฉโ๐ผ Ms. Susan Marcos โ tinalakay ang Liquid Waste Management, City Ordinance No. 17-022 o ang Septage Management System, at ang Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program.
๐ฉโ๐ผ Ms. Abigail Capinpin, Unit Head ng Barangay Capability Building Unit, ay nagbahagi naman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Comprehensive Solid Waste Management.
๐ฉโ๐ผ Ms. Cristina Mosquito mula sa Enforcement Unit ay nagbigay ng paalala at impormasyon ukol sa mga environmental policies at compliance.
Isang patunay na tuloy-tuloy ang serbisyo at malasakit ng CENRO sa pangangalaga ng ating kalikasan, sa pakikipagtulungan ng mga barangay at mamamayan ng Lungsod ng San Jose. ๐๐
25/10/2025
๐ฟ โLingkod Bayan, sa ilalim ng araw.โ ๐ฟ
Walong barangay.
Isang araw.
Tricycle lang ang kasama, pawis at alikabok ang karamay.
Sabado sana โ araw ng pamilya, araw ng pahinga โ
pero tinawag muli kami ng tungkulin.
At sa bawat pagliko ng gulong,
bawat patak ng pawis,
bawat โmagandang umaga poโ sa barangay hall,
may kasamang tanong sa puso:
โHanggang saan mo kayang ibigay ang sarili mo,
kapalit ng kalinisan at kaayusan ng iba?โ ๐ฑ
Sa Parang Mangga nagsimula ang umaga,
sa Canuto Ramos natapos ang araw.
Walong barangay, walong pagkakataon
na maipaalala kung gaano kahalaga ang ating kalikasan.
Solid waste. Liquid waste. Manila Bay. Septage. Enforcement.
Mga salitang ilang ulit naming binigkas,
umaasang sa bawat barangay, may isang pusong makikinig. ๐
Pagod? Oo.
Mainit? Sobra.
Pero mas masakit isipin kung wala kaming gagawin.
Dahil ang katahimikan ng walang malasakit,
mas mabigat pa kaysa init ng araw. โ๏ธ
Hindi kami perpekto.
Hindi rin kami laging napapansin.
Pero sa bawat araw na gaya nito,
natutunan naming hindi lahat ng bayani ay may medalya โ
yung iba, may paso sa balat at ngiti sa gitna ng pagod. ๐พ
Kaya sa mga patuloy na naglilingkod nang tahimik,
ito ay para sa atin.
Sa mga kumikilos kahit walang palakpak,
at patuloy na naniniwala
na sa bawat maliit na hakbang,
may malaking pagbabago. โจ