Municipal Treasurer's Office - San Jose, Occidental Mindoro

Municipal Treasurer's Office - San Jose, Occidental Mindoro

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Treasurer's Office - San Jose, Occidental Mindoro, Public & Government Service, Rizal Street, San Jose.

Take custody and exercise proper management of the funds of the Local Government Unit concerned entrusted to by law; inspect establishment in relation to the implementation of tax ordinances and maintain and update the tax information system.

06/05/2022

Isang Mapagpala at Magandang Araw para sa lahat!

Aming ipinababatid mula sa tanggapan ng Ingat-Yaman(Municipal Treasurer's Office) na ang "BUWIS MO- TULONG MO: SA PANDEMYA - IKAW ANG PANALO!" Raffle draw for Real Property Taxpayers ay gaganapin po sa May 23, 2022 sa halip na May 16, 2022.

Maraming Salamat po.

06/02/2022

Isang Mapagpala at Magandang Araw para sa lahat!

Aming ipinababatid mula sa tanggapan ng Ingat-Yaman(Municipal Treasurer's Office) na bukas February 7, 2022 ang nakatakdang araw upang bolahin ang "BUWIS MO- TULONG MO: SA PANDEMYA - IKAW ANG PANALO!" Raffle Draw for Business Taxpayers sa ganap na ika 10:00 ng umaga. Aming ipinapaalala sa mga hindi pa nakapaghulog o sa mga nakapagbayad na at hindi pa nakakakuha ng raffle tickets ay mangyaring magtungo sa aming tanggapan sa 2nd Floor, ABC Building, Municipal Compound hanggang ika 9:00 ng umaga. Mapapanuod ng live ang gaganapin draw sa pamamagitan ng page ng LGU San Jose, Occidental Mindoro "Bayan ng Makapangyarihang Mamamayan"

Maraming Salamat,Good Luckat Congratulations in Advance sa mga papalarin manalo!😊

27/12/2021

Magandang Araw po!

Amin pong ipinababatid sa lahat mula sa aming pamunuan ng Municipal Treasurer's Office/Business Permits & Licensing Section na nalalapit na ang taunang pag-rerenew at pag-rerehistro ng mga establisyementong pang negosyo sa ating bayan. Dahil dito, nais naming ipaalala ang pamamaraan na gagamitin sa pagrerehistro at ito ay sa pamamagitan ng Cloud-based Electronic Business Permit Licensing System (eBPLS). Mangyari pong panoorin ang video na ito upang malaman ang bawat hakbang na gagawin para sa inyong pagpoproseso. Sa ngayon, hinihikayat po ang lahat ng gagamit ng "ONLINE APPLICATION" na gumawa o magrehistro na ng inyong E-mail account para sa sistemang ito. Sa mga gumamit ng "ONLINE APPLICATION" maging renewal o registration ng new business ngaun 2021, mangyari pong i-update ang inyong account sapagkat ito pa din po ang inyong gagamitin sa renewal simula Enero 3, 2022.

May MAHALAGANG PAALALA po sa lahat: Kami po ay HINDI TATANGGAP ng anumang aplikasyon na HINDI KUMPLETO ANG MGA PANGUNAHING DOKUMENTO tulad ng mga sumusunod:
1. Barangay Business Clearance
2. DTI/SEC/CDA/DOLE
3. Cedula (Owner/Operator, Association, Cooperative at Corporation)
4. Chest X-ray Results and Stool Exam Result (for Food Establishments)
and Chest X-ray Results only (for Non-Food Business Establishments)
5. BIR 1701Q/1702Q o Latest Audited Financial Statements (for Renewal)
6. Lease Contract, Business Permit of Lessor (if the business establishment is renting) and copy of latest Real Property (Building) Tax payment receipt

Hintayin po muli ang update sa Enero 3, 2022 para sa Universal Resource Locator(URL) na gagamitin natin para sa pagpoproseso.

Para sa inyong mga katanungan. Maari rin pong tumawag o mag taxt sa cp no. 09384729158.

Maraming Salamat po at Happy Holidays!
LGU San Jose, Occidental Mindoro "Bayan ng Makapangyarihang Mamamayan"

16/08/2021

Magandang Umaga!

Para sa mga katanungan o suhestiyon patungkol sa mga transaksiyon mula sa Municipal Treasurer's Office o Tanggapan ng Ingat-Yaman mangyare pong ipadala ang inyong mensahe sa official Facebook Account https://www.facebook.com/mto.sanjose/ o sa aming Official page https://www.facebook.com/Municipal-Treasurers-Office-San-Jose-Occidental-Mindoro-100760775217676/ .

Para sa mga katanungan o transaksiyon partikular sa mga kompyutasyon o bayarin sa Lupa "Real Property Tax" mangyare tumawag sa numerong 09399352093 o di kaya ay mag email sa [email protected].

Para sa mga katanungan o transaksiyon partikular sa pagpaparehistro o pagpapanibago ng inyong negosyo "Business Permits and Licensing Division" mangyare tumawag sa numerong 09384729158 / 09399045900 o di kaya ay mag email sa [email protected] .

Kaligayahan po namin ang kayo ay mapaglingkuran. 🙂

Maraming Salamat po.

Municipal Treasurer's Office - San Jose, Occidental Mindoro Take custody and exercise proper management of the funds of the Local Government Unit concerned entrusted to by law; inspect establishment in relation to the implementation of tax ordinances and maintain and update the tax information system.

03/01/2021

Magandang gabi para sa lahat!

Para sa mga gagamit ng ONLINE APPLICATION, narito ang link na gagamitin upang makapagrehistro ng inyong establisyementong pang negosyo:

https://prod1.ebpls.com/sanjoseoccidentalmindoro
https://prod3.ebpls.com/sanjoseoccidentalmindoro
https://prod9.ebpls.com/sanjoseoccidentalmindoro

Para po sa mga Walk in Applications ng nakaraan taon at nagdesisyon na mag Online Application for Renewal ngayon taon, narito po ang ilang step o pamamaraan na gagawin upang mailink ang inyong application sa inyong nakaraang registration:
Given po na may existing record si applicant, after mag-log-in as applicant:

1. My Application > Create Application button
2. Renewal > Link Business
3. Provide lang po yung mga hinihingi na details sa dialog box
4. I-fill up na po yung application form at iattach ang mga requirements.

Note: Makikita po ninyo ang inyong Business Identification No. (BIN) once na iscan ninyo ang QR Code na nasa inyong business Permit ganun din po ang Permit No. na inyong magagamit sa paglilink ng inyong account.

Maraming Salamat po 🙂

30/12/2020

Magandang Umaga!

Narito po ang mga ilang mahahalagang paalala para sa magiging flow ng transactions po natin sa nalalapit na Business One-Stop Shop (BOSS 2021)

Maraming Salamat po!

30/12/2020

Magandang Umaga!
Amin pong ipinababatid sa lahat na nalalapit na ang taunang pag-rerenew at pag-rerehistro ng mga establisyementong pang negosyo sa ating bayan. Dahil dito, nais naming ipaalam ang makabagong pamamaraan na gagamitin sa pagrerehistro at ito ay sa pamamagitan ng Cloud-based Electronic Businest Permit Licensing System (eBPLS). Mangyari pong panoorin ang video na ito upang malaman ang bawat hakbang na gagawin para sa inyong pagpoproseso. Sa ngayon, hinihikayat po ang lahat nang gagamit ng "ONLINE APPLICATION" na gumawa o magrehistro na ng inyong E-mail account para sa sistemang ito.
Hintayin po muli ang update para sa Universal Resource Locator(URL) na gagamitin natin para sa pagpoproseso.
Maraming Salamat po!

24/11/2020

PABATID!

Ang atin pong Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng Municipal Treasurer’s Office ay may programang Moving Upward Leading Onward Your ally to empowered San Joseños Raffle Draw for BUSINESS TAXPAYERS & REAL PROPERTY TAXPAYERS

BUSINESS TAXPAYERS

Grand Prize - Motorcycle
2nd Prize - Laptop with Printer
3rd Prize - 2-Door Refrigerator

Consolation Prizes:

1st – 5th - Cellphone
6th – 10th - Washing Machine
11th –15th - Durabox Cabinet
16th – 20th - Stand Fan

Draw Date: February 09, 2021
Time : 10:00 am
Place : Municipal Lobby

PAANO PO MAKASALI:

Lahat po ng magrerenew o magsisimula palang ng negosyo na magbabayad ng business tax at magproprocess ng Business Permit sa buwan ng Enero, 2021 ay magkakaroon po ng raffle entry. Nais po naming ipaalala na ang mga real properties (lupa, gusali o makinarya) na ginagamit sa negosyo ay dapat mabayaran partial man o kabuuan ng bayarin. Dapat po ay naisubmit ang kumpletong set of requirements upang mabigyan ng Mayor’s Business Permit. One raffle ticket per business registered.

Kung meron pong mga katanungan please contact Ms. Filipinas N. Castillo/Local Treasury Operation Officer III with CP.No. 09384729158

REAL PROPERTY TAX PAYERS

Grand Prize - Motorcycle
2nd Prize - Laptop with Printer
3rd Prize - 2-Door Refrigerator

Consolation Prizes:

1st – 5th - Cellphone
6th – 10th - Washing Machine
11th –15th - Durabox Cabinet
16th – 20th - Stand Fan

Draw Date: April 09, 2021
Time : 10:00 am
Place : Municipal Lobby

PAANO PO MAKASALI:

Lahat po ng magbabayad ng amilyar ng lupa, gusali o makinarya mula December, 2020-March2021 ay qualified po magkaroon ng raffle entry. Sa mga updated po sa bayad ng real property tax, maari po kayong magbayad ng advance para sa taong 2021 RPT ngaung December, 2020. Kayo po ay may 20% discount na at may raffle coupon pa. Sa mga property owners na hindi po nakakabayad ng tama sa oras o yun pong may mga arrears ay maaari rin pong makasali. Magbayad lang po ng kayang bayaran muna at entitled din po sa raffle entry. One property paid one raffle coupon po.

Kung meron pong mga katanungan please contact Ms. Noreen Venus R. Mendoza/Local Revenue Collection Officer II with CP.No. 09399352093

Maraming Salamat Po.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Rizal Street
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm