26/03/2026
Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong ng Local Youth Development Council noong Marso 21, 2026 sa Mayorโs Office, LGU San Jose.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mahahalagang programa, mga susunod na aktibidad, at mga inisyatibo para sa patuloy na pagpapaunlad ng kabataan sa ating bayan.
Patuloy ang pakikiisa at pagtutulungan ng mga kabataan at ng pamahalaan tungo sa mas aktibo, responsable, at empowered na komunidad.
05/03/2026
SUPORTA SA MAS ANGAT NA EDUKASYON
Pormal nang ipinagkaloob ang bagong computer set na may kasamang printer handog ni Mayor Rey Cajayon Ladaga para sa mga ALS learners sa San Jose West District. Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng ALS San Jose West District, na kinatawan nina Dr. Sherly I. Sabado at Ms. Abegail C. Novelozo.
Ang nasabing kagamitan ay mula sa pondo ng Office of the Municipal Mayor sa pamamagitan ng Local Youth Development Office, bilang suporta sa patuloy na pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System, bilang patunay ng kanilang masigasig na adhikain na mapaangat ang antas ng kaalaman at kahusayan ng kabataang San Joseรฑo.
05/03/2026
VOLLEYBALL TRYOUT PARA SA OPISYAL NA REPRESENTANTE NG SAN JOSE SA 1ST GOVERNOR'S VOLLEYBALL CUP
Alinsunod sa direktiba ni Mayor Atty. Rey C. Ladaga na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng kabataan na makiisa at makapaglaro na dala ang pangalan ng San Jose, matagumpay na naisagawa ang volleyball tryouts para sa mga kabataan ng bayan ng San Jose. Layunin nitong mamili ng mga magiging opisyal na manlalaro na magrerepresenta sa bayan ng San Jose sa nalalapit na 1st Governorโs Volleyball Cup.
Pinamahalaan ito ng Selection Committee sa pangunguna ni Engr. Anaflor G. Enriquez na siyang in-charge sa mga opisyal na team ng San Jose kasama sina Mr. Donald Valdestamon, Mr./Mx. John Paul Almienda, Ms. Marione H. Eli, Mr./Mx. Edralin K. Orsos at Mr. Bernardo M. Viaรฑa.
Pinangunahan mg Mayor's Office ang nasabing aktibidad, katuwang ang iba pang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ng San Jose upang matiyak ang maayos, patas, at transparent na pagpili ng mga kalahok. bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng sports development at youth empowerment sa angat na bayan ng San Jose.
Magaganap ang 1st Governor's Volleyball Cup sa San Jose, sa darating na April 21-25, 2026.
02/03/2026
SUPORTA PARA SA KABATAAN, HATID NI MAYOR LADAGA
Sa atas ni Mayor Rey C. Ladaga sa pamamagitan ng Local Youth Development Office ng lokal na pamahalaan ng San Jose, matagumpay na naipamahagi ang mga sports equipment sa secondary schools ng Buri, Pawican at Central. Kasabay ng pamamahagi, nagsagawa rin ng maikling oryentasyon tungkol sa proseso at mga kinakailangan para sa pagpaparehistro ng Supreme Secondary Learner Government (SSLGs) ng mga nasabing paaralan sa National Youth Commission (NYC).
Mula sa mga ganitong programa tungo sa pagpapayaman ng kaalaman at mga talento, patuloy na itinataguyod ni Mayor Ladaga ang mas aktibo, organisado, at responsableng kabataan ng San Jose.
24/02/2026
๐ช๐๐๐ง ๐๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก๐ง ๐ ๐ข ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก ๐๐ข๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ญ๐ฆ๐ง ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐ข๐ฅ'๐ฆ ๐๐จ๐ฃ ๐ฉ๐ข๐๐๐๐ฌ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐จ๐??
Inaanyayahan ang lahat ng balibolistang San Joseรฑo na rehistradong botante ng San Jose, Occidental Mindoro, edad 35 pababa sa lalaki at 30 pababa sa babae na makilahok gaganaping tryout sa darating na February 28, 2026, 7:00 AM - 12:00 NN para sa Women's Volleyball at 1:00 PM - 6 PM para sa Men's Volleyball na idadaos sa San Jose Municipal Gymnasium. Ang mga mapipiling manlalaro ay magkakaroon ng pagkakataong maging kinatawan ng San Jose sa 1st Governor's Cup Volleyball League.
Sa mga interesadong aplikante, dalhin lamang ang mga sumusunod sa mismong tryout schedule at venue:
โ Photocopy ng Birth Certificate
โ Voter's Certificate na mula sa COMELEC.
Huwag kakalimutan, magdala ng sariling tubig at mas magandang magsuot ng playing jersey na may pangalan ninyo sa likod.
Kitakits!
25/11/2025
ARE YOU READY?
Catch the official film posters of the San Jose Filmmaking Contest 2025! ๐ฌ
As we celebrate Population Development (PopDev) Week this November 24โ29, 2025, the Municipal Government of San Jose, through the Municipal Planning and Development Office, together with Local Youth Development Office, Municipal School Board, Municipal Social Welfare and Development Office, and Municipal Peace and Order Council and Municipal Anti-Drug and Abuse Council, proudly showcases the talent and effort of our young filmmakers.
These posters represent stories that bring our theme to life:
โKabataan: Para sa Ligtas at Maunlad na Pamilya at Pamayanan.โ
Together, letโs discover their stories, support local talent, and feel their creativity!
TRAILER COMING SOON! โจ