NCIP San Jose

Directions

NCIP San Jose Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from NCIP San Jose, Government Building, PGO Satellite Office, Barangay Magbay, San Jose.

11/09/2026

Nilinaw ng na walang kapangyarihang humawak ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa isang alitan kung ang dalawang panig na sangkot dito ay hindi kapwa katutubo mula sa iisang grupo.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Henri Jean Paul B. Inting, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte ang petisyong naglalayong utusan ang isang hukom na bawiin ang desisyon nito sa isang kasong ejectment laban sa mag-asawang nagsasabing kabilang sila sa isang katutubong pamayanan (Indigenous Peoples o IP). Iginiit ng mag-asawa na, bilang mga miyembro ng katutubong pamayanan, dapat umiral ang kanilang mga kaugalian at tradisyonal na batas sa paglutas ng kanilang alitan, alinsunod sa Republic Act No. 8371 o Indigenous Peoples Rights Act of 1997 (IPRA).

Nag-ugat ang kaso sa isang reklamong unlawful detainer na inihain ni Kristoffer R. Co Uy (Co Uy) para paalisin sa ari-ariang nakarehistro sa kanya ang mag-asawang Elvin at Jocelyn Sending (mga Sending).

Kapwa pumanig kay Co Uy ang Municipal Circuit Trial Court (MCTC), Regional Trial Court, at Court of Appeals (CA), at iniutos ng mga ito sa mga Sending na lisanin ang ari-arian.

Matapos maging pinal ang desisyon at habang ipinatutupad ito, kinuwestiyon ng mag-asawa ang hurisdiksiyon ng MCTC. Iginiit nila na kabilang sila sa Lumad KKK-Alimaong Higaonon Tribe, isang grupo ng mga katutubo. Sa unang pagkakataon, sinabi rin nila na dapat gamitin ang mga kaugalian, tradisyon, at nakagawiang pamamaraan ng kanilang komunidad sa paglutas ng alitan tungkol sa ari-arian, alinsunod sa IPRA. Sa ilalim ng IPRA, nasa hurisdiksiyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang mga alitang may kinalaman sa mga karapatan ng mga katutubo.

Dinala ng mag-asawa ang kaso sa Korte Suprema matapos tanggihan ng MCTC ang kanilang mosyon na ipagpaliban ang pagpapatupad ng desisyon. Iginiit nila na ang Higaonon Tribe at ang Dadantulan Tribal Court, at hindi ang MCTC, ang dapat na may hurisdiksiyon sa kanilang kaso.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at nilinaw na, sa ilalim ng Section 66 ng IPRA, may hurisdiksiyon lang ang NCIP sa mga alitang may kinalaman sa mga karapatan ng mga katutubo kung ang lahat ng partido ay kabilang sa iisang katutubong grupo. Kung may isang partido na hindi kabilang sa parehong katutubong pamayanan, nasa regular na hukuman ang hurisdiksiyon sa kaso.

Sa kasong ito, hindi kabilang si Co Uy sa anumang katutubong grupo. Ipinaliwanag ng Korte Suprema na hindi magiging patas kung isasailalim siya sa mga kaugaliang batas ng isang katutubong pamayanan na hindi naman siya kasapi.

Napansin din ng Korte Suprema na walang ipinakita ang mga Sending na anumang ebidensiyang nagpapatunay sila ay katutubo. Hindi rin nila naipaliwanag ang kanilang mga kaugalian, istrukturang pampulitika, mga institusyon, o proseso ng paggawa ng mga desisyon.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na hindi basta-basta maaaring balewalain o ipawalang-bisa ang isang pinal na desisyon, lalo na kung nabigyan ang mga partido ng pagkakataong ilahad at ipagtanggol ang kanilang panig, at ang desisyon ay nabuo matapos ang masusing pagsusuri sa kaso.

Napag-alaman ng Korte Suprema na ginamit lang ng mga petisyoner ang awtoridad ng NCIP para maiwasan ang pagpapatupad ng pinal na desisyon laban sa kanila. Inihayag lamang nila na kabilang sila sa isang katutubong grupo nang nasa yugto na ng pagpapatupad ng desisyon ang kaso, sa kabila ng kanilang paglahok sa mga paglilitis sa barangay at sa mga regular na hukuman. Dahil dito, nagkaroon ng pagdududa ang Korte sa kredibilidad ng kanilang pahayag na sila ay mga miyembro ng isang katutubong pamayanan.

Inatasan ng Korte Suprema ang mag-asawa na lisanin ang nasabing ari-arian sa loob ng 30 araw mula nang matanggap nila ang Desisyon.

Basahin ang Press Release sa: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-ncip-jurisdiction-over-ip-disputes-requires-both-partiesto-be-from-same-indigenous-group/

Basahin ang kabuuang teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/271354-spouses-elvin-sending-datu-gibo-and-jocelyn-sending-bae-orange-vs-kristopper-rahda-co-uy-atty-jocelyn-pesquera-henry-p-canete-jr-and-hon-ameli-amor-r-estrada-presiding-judge-of-t/

Basahin ang Concurring Opinion ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/271354-concurring-opinion-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒโ€™๐’ ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†๐„๐๐Ž๐”๐’ ๐๐„๐Ž๐๐‹๐„๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€œ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ ๐ž๐ง๐จ๐ฎ๐ฌ ๐Œ๐ข๐๐ฐ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ: ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ ๐ฎ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐š๐ง๐ ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ-๐›๐ž๐ข๐ง...
09/08/2026

๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒโ€™๐’ ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†๐„๐๐Ž๐”๐’ ๐๐„๐Ž๐๐‹๐„๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€œ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ ๐ž๐ง๐จ๐ฎ๐ฌ ๐Œ๐ข๐๐ฐ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ: ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ ๐ฎ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐š๐ง๐ ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ-๐›๐ž๐ข๐ง๐ .โ€

Ngayong International Day of the Worldโ€™s Indigenous Peoples, ating binibigyang-pugay at pagkilala ang mga Katutubong Pamayanan sa buong mundoโ€”sa kanilang mayamang kultura, tradisyon, kaalaman, pagkakakilanlan, at mahalagang ambag sa lipunan.

Ang mga Katutubong Pilipino ay patuloy na nagsisilbing tagapangalaga ng katutubong kaalaman at kultura na ipinasa ng mga ninuno mula sa isang salinlahi patungo sa mga susunod. Sa kabila ng mga hamon, nananatili silang matatag sa pagtataguyod ng kanilang mga karapatan, pagpapanatili ng kanilang pagkakakilanlan, at pangangalaga sa kanilang mga pamayanan at likas na yaman.

Ngayong taon, binibigyang-diin ng tema ang mahalagang papel ng mga Katutubong Hilot bilang tagapangalaga ng buhay at kagalingan. Sila ay bahagi ng malawak na yaman ng katutubong kaalaman na patuloy na nagbibigay-halaga sa kultura, kalusugan, at pagkakaisa ng mga pamayanan.

Kaisa ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) MIMAROPA sa pagdiriwang at pagkilala sa katatagan, karunungan, at ambag ng ating mga Katutubong Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Pangalagaan ang kultura. Igalang ang kaalaman. Itaguyod ang karapatan. Pahalagahan ang buhay. At paunlarin ang Katutubong Pamayanan.

July 22, 2026Mr. Larry R. Guevarra officially takes his oath as the Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representativ...
22/07/2026

July 22, 2026

Mr. Larry R. Guevarra officially takes his oath as the Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), administered by Hon. Mayor Rey C. Ladaga.

๐‰๐Ž๐ˆ๐ | ๐ˆ๐๐๐‘๐€ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ฒ ๐’๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง โ€“ ๐ˆ๐ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ŸŒดโ€œPCA Services for IP Coconut Farmersโ€Inaanyayahan ang lahat ng IP Coc...
15/04/2026

๐‰๐Ž๐ˆ๐ | ๐ˆ๐๐๐‘๐€ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ฒ ๐’๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง โ€“ ๐ˆ๐ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ŸŒด

โ€œPCA Services for IP Coconut Farmersโ€

Inaanyayahan ang lahat ng IP Coconut Farmers at stakeholders na makilahok sa isang makabuluhang sesyon na nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng niyog.

Tatalakayin sa sesyong ito ang mga pangunahing programa at serbisyong iniaalok ng Philippine Coconut Authority (PCA) na layuning mapataas ang produktibidad, mapabuti ang kabuhayan, at mapalakas ang kakayahan ng mga magsasakang katutubo. Kabilang dito ang:

โ€ข Suporta sa produktibidad ng sakahan
โ€ข Pamamahagi ng dekalidad na punla
โ€ข Teknikal na pagsasanay at capacity building
โ€ข Rehabilitasyon ng mga taniman ng niyog
โ€ข Tulong pinansyal at iba pang suporta
โ€ข Pagpaparehistro sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS)

Magbibigay rin ng malinaw na gabay ang sesyon kung paano ma-access ang mga programang ito, kabilang ang mga proseso, rekisitos, at praktikal na hakbang upang lubos na mapakinabangan ang mga benepisyong hatid ng PCA.
๐Ÿ”— Magparehistro: https://forms.office.com/r/F1zBEXe6HY
๐Ÿ“… Abril 17, 2026 (Biyernes)
โฐ 8:30 AM โ€“ 11:00 AM

๐Ÿ’ป Zoom Meeting: https://us06web.zoom.us/j/87321639839
๐Ÿ†” Meeting ID: 873 2163 9839
๐Ÿ” Passcode: NCIPIPRA28

Makilahok, matuto, at sama-samang palakasin ang industriya ng niyog para sa mas matatag na kinabukasan ng ating mga pamayanang katutubo.

๐‰๐Ž๐ˆ๐ | ๐ˆ๐๐๐‘๐€ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ฒ ๐’๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง โ€“ ๐ˆ๐ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ŸŒด

โ€œPCA Services for IP Coconut Farmersโ€

Inaanyayahan ang lahat ng IP Coconut Farmers at stakeholders na makilahok sa isang makabuluhang sesyon na nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng niyog.

Tatalakayin sa sesyong ito ang mga pangunahing programa at serbisyong iniaalok ng Philippine Coconut Authority (PCA) na layuning mapataas ang produktibidad, mapabuti ang kabuhayan, at mapalakas ang kakayahan ng mga magsasakang katutubo. Kabilang dito ang:

โ€ข Suporta sa produktibidad ng sakahan
โ€ข Pamamahagi ng dekalidad na punla
โ€ข Teknikal na pagsasanay at capacity building
โ€ข Rehabilitasyon ng mga taniman ng niyog
โ€ข Tulong pinansyal at iba pang suporta
โ€ข Pagpaparehistro sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS)

Magbibigay rin ng malinaw na gabay ang sesyon kung paano ma-access ang mga programang ito, kabilang ang mga proseso, rekisitos, at praktikal na hakbang upang lubos na mapakinabangan ang mga benepisyong hatid ng PCA.
๐Ÿ”— Magparehistro: https://forms.office.com/r/F1zBEXe6HY
๐Ÿ“… Abril 17, 2026 (Biyernes)
โฐ 8:30 AM โ€“ 11:00 AM

๐Ÿ’ป Join Zoom Meeting: https://us06web.zoom.us/j/87321639839?pwd=xO6yWBl1qZsOqbaBt6y8YTKpGPAvND.1
๐Ÿ†” Meeting ID: 873 2163 9839
๐Ÿ” Passcode: NCIPIPRA28

Makilahok, matuto, at sama-samang palakasin ang industriya ng niyog para sa mas matatag na kinabukasan ng ating mga pamayanang katutubo.

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ | IPEAS GRANT SY 2027โ€“2028 โœจ๐ŸŽ“The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) is now accepting...
15/04/2026

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ | IPEAS GRANT SY 2027โ€“2028 โœจ๐ŸŽ“

The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) is now accepting applications for the Indigenous Peoples Education and Advocacy Services (IPEAS) Grant for School Year 2027โ€“2028!

Open to qualified Indigenous Peoples students who aspire to continue and succeed in their education.

How to Apply:
Register and submit your requirements online through the Educational Assistance Information System (EAIS)
๐Ÿ‘‰ https://eais.ncip.gov.ph

๐Ÿ“Œ Important Reminders:
โœ”๏ธ Ensure all personal and educational information is complete and accurate
โœ”๏ธ Properly upload all required documents for verification

๐Ÿ“ For assistance or inquiries, you may visit or coordinate with the nearest NCIP office.

Empowering Indigenous learners through education. Apply now and take a step toward your future!

Follow us for more updates!

๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐—” ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ!Good news! Hanggang 20 Mayo 2026 na ang deadline para sa pagsusumite ng a...
15/04/2026

๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐—” ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ!

Good news! Hanggang 20 Mayo 2026 na ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa Technical and Vocational Education and Training (TVET) Scholarship ng NCIP at TESDA.
Mayroon itong 5,000 scholarship slots para sa mga kwalipikado at karapat-dapat na miyembro ng Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).

Bibigyang-prayoridad ang mga sumusunod:
- Mga edad 18 pataas
- Mga unemployed
- Mga out-of-school youth

Ang programa ay eksklusibong ino-offer sa ilalim ng school-based at center-based programs ng TESDA.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng NCIP o mangyaring panoorin ang step-by-step na proseso sa pag-aapply rito: https://youtu.be/i_KQ1qUYLn4

Isumite ang inyong aplikasyon sa pamamagitan ng EAIS portal: https://eais.ncip.gov.ph/login

I-follow ang aming page para sa mga pinakabagong programa at serbisyo ng NCIP!

Address

PGO Satellite Office, Barangay Magbay
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NCIP San Jose posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share