Municipal Information Office - LGU San Jose, Occidental Mindoro

Municipal Information Office - LGU San Jose, Occidental Mindoro

Share

Welcome to the official page of the Municipal Information Office - Local Government Unit of San Jose, Occidental Mindoro

08/06/2026

HAPPENING NOW: West Philippine Sea Mural Festival 2026
June 08, 2026

Photos from Municipal Information Office - LGU San Jose, Occidental Mindoro's post 08/06/2026

TINGNAN: Mainit na tinanggap si MRS. GRAND INTERNATIONAL PHILIPPINES 2026 Jonabeth Cunanan Velante ni Mayor Rey Cajayon Ladaga sa kanyang tanggapan ngayong araw.

Si Velante ay ipinagmamalaking mula sa bayan ng San Jose at ang kanyang naging tagumpay at karangalang naiuwi ay labis na hinangaan hindi lamang ng San Jose maging ng buong lalawigan ng Occidental Mindoro.

Sa kanyang pagbisita, ipinahayag ng Punong Bayan ang patuloy na suporta hanggang sa darating na kompetisyon bilang kinatawan ng bansang Pilipinas na gaganapin sa Myanmar sa August 9, 2026.

Photos from Municipal Information Office - LGU San Jose, Occidental Mindoro's post 08/06/2026

π‘π„π˜ππ€ 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„ πŸπŸŽπŸπŸ” πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ π‚π€ππƒπˆπƒπ€π“π„π’, 𝐍𝐀𝐆-π‚πŽπ”π‘π“π„π’π˜ 𝐂𝐀𝐋𝐋 πŠπ€π˜ πŒπ€π˜πŽπ‘ π‘π„π˜ 𝐂. 𝐋𝐀𝐃𝐀𝐆𝐀

Masaya at buong giliw na tinanggap ni Mayor Rey Cajayon Ladaga ang pitong (7) opisyal na kalahok sa Reyna ng San Jose 2026 para sa kauna-unahang Kulayaan Festival bilang pakikiisa ng bayan ng San Jose sa selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo. Ang Coronation Night ay nakatakdang ganapin sa darating na ika-27 ng Hunyo 2026 sa Municipal Plaza.

Ang mga kandidata ng Reyna ng San Jose ay kinabibilangan nina :
1. Mx. David Paul Lim aka Divine Lim
2. Mx. Roy P. Encila
3. Mx. King Harold Amor aka Lars Amor
4. Mx. Mark Dominic Ramos aka Zeita Ramos
5. Mx. Rommel L. Reyes
6. Mx. Jan Brix A. Salazar
7. Mx. Raffy C. Mostoles aka Fatima

Photos from Municipal Information Office - LGU San Jose, Occidental Mindoro's post 08/06/2026

FLAG RAISING CEREMONY

Opisyal nang pinakilala sa mga kawani at opisyales ng lokal na pamahalaan ng San Jose ang pitong (7) candidates para sa Reyna ng San Jose 2026 sa isinagawang sashing ceremony ngayong umaga sa flag raising ceremony sa Municipal Covered Court.

Mainit silang tinanggap nina Mayor Rey Cajayon Ladaga, Vice-Mayor Sonny V. Javier, Sangguniang Bayan Members, at LGU department and section heads.

Ang Reyna ng San Jose 2026 ay ang pinakatampok na aktibidad sa kauna-unahang Kulayaan Festival bilang selebrasyon ng Pride Month na kumikilala at nagpupugay sa galing at husay ng LGBTQIA+ community sa bayan ng San Jose.

Kinilala rin sa umagang ito si Ensign Mary Anne Nicole C. Aurelio ng Talang Dangal Class of 2026, isang tubong San Jose na graduate mula sa Philippine Military Academy. Ipinakilala naman sa LGU ang DOH Representative na si Nurse Arfred Rosales.

Ang flag raising ceremony ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni MDRRM Officer Gil O. Gendrano at si Mr. Kent Abraham A. Pradel ng Media Affairs ang nagsilbing tagapagpadaloy ng programa.


08/06/2026

π‘­π’π’‚π’ˆ π‘Ήπ’‚π’Šπ’”π’Šπ’π’ˆ π‘ͺπ’†π’“π’†π’Žπ’π’π’š

𝑱𝒖𝒏𝒆 8, 2026

07/06/2026

SA SAN JOSE, ANGAT KA!
June 8, 2026
Hosted by:
Ms. Daisy Del Valle-LeaΓ±o
Ms. Mary Ann D. Gener

No copyright infringement intended.
DISCLAIMER:
I don't own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec.107 of Copyright Act.1979 allow these materials for fair use.
Lyrics & music belongs to the rightful owners.

Photos from Municipal Information Office - LGU San Jose, Occidental Mindoro's post 05/06/2026

ππ€π˜π€ππˆπ‡π€π π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍, π”πŒπ€π‘π€ππ†πŠπ€πƒπ€ 𝐒𝐀 π’πˆπ“πˆπŽ π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ ππ‘π†π˜. πŒπ€ππ†π€π‘πˆπ

Matagumpay na naisagawa ang programang Bayanihan Serbisyo Caravan sa So. Antipolo Brgy. Mangarin ngayong araw, June 5, 2026 handog ni Mayor Rey Cajayon Ladaga kasama ang buong suporta nina Vice Mayor Sonny Javier at Sangguniang Bayan members.

Sa pamamagitan ng programang ito, naipararating ng lokal na pamahalaan ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan na naninirahan sa maituturing na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Katuwang din sa naganap na programa ang hanay ng 68th Infantry Battalion Philippine Army sa pangunguna ni 2LT Marianne Absalon, CMO, San Jose Municipal Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Ariel S. Roldan, ACOP at Philippine Statistics Authority (PSA) National ID Program.

Pinasalamatan ni ABC President / Punong Barangay Warren T. Sales at mga residente sa So. Antipolo na maabot din ang kanilang lugar ng programa at makinabang sa hatid na serbisyo nito. Damang-dama umano nila ang pagmamahal at malasakit ng pamahalaan.

Sa ikalawang bahagi ng programa ay nagsagawa ng "Ugnayan sa Barangay" sa pangangasiwa ni MLGOO Randolph William F. Saluba, EnP. ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na aktibong nilahukan ng mamamayan. Ipinarating nila ang kanilang mga mungkahi, hinaing at pangangailangan para matulungang masolusyunan ng pamahalaan katuwang ang pamunuan ng barangay.

Tinitiyak ng administrasyon ni Mayor Ladaga na magpapatuloy ang pagsasagawa ng Serbisyo Caravan upang maabot at mapagsilbihan ang mga nasa laylayan ng lipunan. Mapalakas pa ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan tungo sa isang mas maayos at maunlad na pamayanan.

05/06/2026

𝑩𝑨𝒀𝑨𝑡𝑰𝑯𝑨𝑡 𝑺𝑬𝑹𝑩𝑰𝑺𝒀𝑢 π‘ͺ𝑨𝑹𝑨𝑽𝑨𝑡
𝑺𝒐. π‘¨π’π’•π’Šπ’‘π’π’π’, π‘©π’“π’ˆπ’š. π‘΄π’‚π’π’ˆπ’‚π’“π’Šπ’
𝑱𝒖𝒏𝒆 5, 2026

05/06/2026
05/06/2026

SA SAN JOSE, ANGAT KA!
June 5, 2026
Hosted by:
Ms. Daisy Del Valle-LeaΓ±o
Ms. Mary Ann D. Gener
No copyright infringement intended.
DISCLAIMER:
I don't own the COPYRIGHT of the song.
Video is purely for entertainment purposes only.
Sec.107 of Copyright Act.1979 allow these materials for fair use.
Lyrics & music belongs to the rightful owners.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Municipal Compound Brgy. 7
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm