14/06/2026
๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ฒ๐ป๐๐๐ผ๐ป
Noong Hunyo 11, 2026, nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng family reintegration at home visitation bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng serbisyong panlipunan para sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng suporta at pangangalaga.
Sa pamamagitan ng masusing case management, assessment, counseling, at pakikipag-ugnayan sa pamilya at mga katuwang na ahensiya, matagumpay na naisagawa ang reintegration ng isang kliyente sa kanyang tahanan. Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang suporta ng pamilya at matiyak ang patuloy na kapakanan ng kliyente sa loob ng kanyang komunidad.
Patuloy na nagsasagawa ang CSWDO ng monitoring at follow-up interventions upang matiyak ang maayos na kalagayan ng mga kliyente at ang pagkakaroon ng kinakailangang suporta mula sa kanilang pamilya at komunidad.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na mandato ng CSWDO na magbigay ng maagap, makatao, at responsableng serbisyong panlipunan para sa mga mamamayan ng San Jose City.
10/06/2026
๐ข BARANGAY INFORMATION CARAVAN SA BRGY. VILLA FLORESTA
Serbisyong may Malasakit para sa Bawat Pamilyang San Joseรฑo
Alinsunod sa direktiba ni Hon. Mayor James Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago at bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng tama, napapanahon, at makabuluhang impormasyon sa mamamayan, matagumpay na nagsagawa ang Social Services Sector ng Barangay Information Caravan sa Brgy. Villa Floresta, San Jose City, Nueva Ecija noong Hulyo 10, 2026.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Persons with Disability Affairs Office (PDAO), at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan at suporta ng Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Cristina Uranza.
Layunin ng Barangay Information Caravan na mailapit sa mga mamamayan ang iba't ibang programa, proyekto, at serbisyong ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod, lalo na sa larangan ng social welfare and development, serbisyo para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs), disaster preparedness at risk reduction, at iba pang programang nagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng bawat pamilya sa komunidad.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na mas maunawaan ang mga serbisyong maaaring nilang mapakinabangan at ang mga programang nakalaan para sa kanilang proteksyon, kapakanan, at patuloy na pag-unlad.
Personal na nakibahagi sa programa sina Mr. Clenson B. Tibangay mula sa CSWDO, Ms. Ma. Victoria Adawag, OIC-OSCA, Ms. Mary Jane Franada bilang kinatawan ng PDAO, at Mr. Noel Padiarnos mula sa CDRRMO, kasama ang iba pang kawani ng mga nasabing tanggapan, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon, mga programa, at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga residente ng barangay.
Nagpapasalamat ang Social Services Sector sa Pamahalaang Barangay ng Villa Floresta at sa lahat ng residenteng aktibong nakiisa sa programa. Ang inyong pakikilahok ay mahalagang bahagi sa pagtataguyod ng isang komunidad na may sapat na kaalaman, handa, at nakikinabang sa mga serbisyong inilaan ng pamahalaan.
Patuloy nating ilalapit ang serbisyo sa mamamayan, sapagkat ang serbisyong may malasakit ay serbisyong nararamdaman ng bawat pamilyang San Joseรฑo.
Disaster Risk Reduction and Management Office - San Jose Nueva Ecija
with Disability Affairs Office- San Jose City, Nueva Ecija
of the Senior Citizens Affairs
04/06/2026
"Hindi hadlang ang nakaraan para sa mas maliwanag na kinabukasan."
โPuno ng saya at kaalaman ang naganap na summer class noong Mayo 2026 para sa mga kabataan sa Bahay Pag-asa, kasama ang ating masisipag na CSWDO Day Care Workers.
โAng kanilang sitwasyon ay hindi hadlang upang sila ay matuto at magbago.
Kaya naman, sa gabay ni CSWD Officer Clenson B. Tibangay, RSW, tinitiyak na may dekalidad na edukasyon pa rin para sa ating mga Childrens in Conflict with Law (CICLs) at sa suporta ng ating Punong Lungsod Josel "James" Violago, patuloy na pinagaganda ang kanilang pasilidad upang maramdaman nilang may pamilya at tahanan silang kikitain sa loob ng Bahay Pag-asa.
โSaludo po kami sa lahat ng kabahagi ng programang ito sa paghubog ng pag-asa ng ating bayan.๐
Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago
04/06/2026
TULOY-TULOY NA PROGRESO PARA SA MAS SAGANANG BUKAS: Project LAWA at BINHI, Inilunsad Na! ๐พ
Nagsimula na ang oryentasyon June 2, 2026 para sa implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa ating Lungsod Pag-asa! Sa pamumuno at buong-pusong suporta ng ating ama ng lungsod, Mayor Josel James Violago, sinisigurado ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose na ang bawat magsasaka ay may sapat na kaalaman, binhi, at suporta upang harapin ang hamon ng Climate Change.
Ang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng ating sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga Disaster-Resilient Crops. Sa pamamagitan nito, inaasahan nating magbubukas ito ng mas maraming trabaho, magbubunga ng mga bagong kooperatiba, at magpapalawak pa sa kaalaman ng bawat isa tungkol sa makabagong pagsasaka.
Isinasagawa ang mahalagang hakbang na ito sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at ni ๐ค Engr. Zymon Cordova โ Project Development Officer II / Focal Person ng Risk Resiliency Program - Climate Change Adaptation and Mitigation mula sa DSWD Region 3 at kasama ang mga lokal na yunit na katuwang sa pagpapatupad at pagpapaunlad ng programa.
๐ Balikan ang ating unang pagpapakilala at detalye ng proyektong ito rito: https://www.facebook.com/share/p/1Axu1S99Zz/
๐ต๐ญ San Jose City, Nueva Ecija Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago
03/06/2026
Sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Pension Program ng lokal na pamahalaan, tinatayang 3,000 senior citizen ang nakatanggap ng tig-iisang libong piso nitong Martes, Hunyo 2, sa E.R. Violago Sports Complex.
Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, naghandog rin ng libreng konsultasyong medical sat dental sa pagtutulungan ng City Health Office (CHO) at Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ).
Nagkaroon din ng pagpaparehistro para sa YAKAP Program kung saan inasistehan ang mga lolo at lola upang mapakinabangan ang mas malawak na benepisyong pangkalusugan na iniaalok ng PhilHealth.
Dumalo at sumuporta sa programa si Punong Lungsod Josel โJamesโ Violago, kasama sina Konsehal Honey Villena at Konsehal Andrei Ignacio na nakisalamuha at nag-iwan rin ng mensahe sa mga dumalo.
03/06/2026
Matagumpay na ipinamahagi noong Mayo 25-27, 2026 ang mga Family Food Packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga residenteng nakiisa sa programang Food for Work noong Mayo 21-22, 2026.
Sa direktiba ni Mayor Josel James Violago, katuwang ang CSWDO, Community Affairs Office, at ang 38 barangay ng lungsod, magkakasamang nalinisan ang mga pangunahing kalsada at daluyan ng tubig bilang maagang paghahanda sa pagdating ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Mayor James, ang proyektong ito ay bunga ng mas pinalakas na ugnayan ng lokal na pamahalaan sa National Government at DSWD Field Office III. Binigyang-diin din ng punong lungsod na patuloy silang maghahatid ng mga kahalintulad na programa para sa ikabubuti at kapakanan ng buong nasasakupan.
๐ Para sa mga katanungan ukol sa mga aktibidad ng CSWDO:
Maaaring kontakin ang numerong 0991 - 448 - 6543.
๐ Para sa mga karagdagang detalye at larawan ng naganap na aktibidad: https://www.facebook.com/share/p/173pyqEPHs/
https://www.facebook.com/share/p/1HCpsx7hqQ/
https://www.facebook.com/share/p/1GaXSYMUof/
https://www.facebook.com/share/p/18iSJ4iTSR/
https://www.facebook.com/share/p/1D5PzpgGbU/
https://www.facebook.com/share/p/1CkFBRZEGA/
๐ต๐ญ Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago
03/06/2026
๐ฌ "Ang pag-asa ng bayan ay hindi naghihintay. Ngayon na ang simula." , binigyang-diin ng Ama ng Lungsod ng San Jose, Mayor Josel James Violago.
Isang makabuluhang araw ang naganap noong Mayo 28, 2026 sa Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP)-San Jose Assembly Meeting and Seminar, kung saan muling nabuhay ang diwa ng pagkakaisa, pamumuno, at paglilingkod ng mga kabataang San Joseรฑo.
Naging daan ang pagtitipong ito upang higit pang mapatatag ang samahan ng mga kabataan at maihanda ang mga programang magbibigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.
๐ Sama-sama nating hubugin ang mas makulay, mas aktibo, at mas makabuluhang kinabukasan para sa bawat kabataang San Joseรฑo!
para sa ibang detalye : https://www.facebook.com/share/p/17nxfhpsqM/
๐ต๐ญ Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago
29/05/2026
Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP)- San Jose City
ASSEMBLY MEETING AND SEMINAR ๐
Matagumpay na naidaos ang PYAP Assembly Meeting and Seminar nitong Mayo 28, 2026 kasama ang mga kabataang San Joseรฑo.
Sa pamumuno ng ating Mayor Josel "James" Violago, ang araw na ito ay nagsilbing plataporma para buhayin muli ang PYAP San Jose City Chapter โ mula sa muling pagtatalaga ng mga opisyal hanggang sa pagpaplano ng mga susunod na programa at aktibidad.
Nagbigay ng inspirasyon ang mga tagapagsalita kasama ang ating City Social Welfare and Development Officer-Mr. Clenson B. Tibangay, RSW, Konsehal Andrei Ignacio at Konsehal EJ Divina na parehong humikayat sa kabataan na mamuno nang may integridad, kumilos nang may puso, at yakapin ang boluntaryismo.
Personal ding binisita ng ating Mayor ang mga kalahok na may mensaheng โ "Ang pag-asa ng bayan ay hindi naghihintay. Ngayon na ang simula."
Isinagawa rin ang isang Youth Development Session ng PYAP San Jose Chapter Focal Person, Ms. Edmie C. Santiago, RSW ukol sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na protektahan at bigyang-lakas ang kabataang San Joseรฑo.
Mabuhay ang kabataang San Joseรฑo โ may malasakit, may layunin, at may pag-asa!
28/05/2026
DSWD FAMILY FOOD PACK DISTRIBUTION FROM FOOD FOR WORK๐
Nagsimula ang pamamahagi ng DSWD Family Food Packs noong Mayo 25-27, 2026 para sa lahat ng nakiisa sa ating Food for Work program noong nakaraang May 21-22, 2026.
โSa direktiba ni Mayor Josel "James" Violago at sa pagtutulungan ng CSWDO, Community Affairs Office, at 38 Barangays, matagumpay na nalinisan ang mga kalsada at daluyan ng tubig bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan.
โAyon kay Mayor James, bunga ito ng ating mas pinalakas na ugnayan sa National Government at DSWD Field Office III, kaya mas marami pang programa ang darating para sa ating Lungsod para sa ikabubuti ng ating nasasakupan.
26/05/2026
SAN JOSE CITY AS AN IDEAL FUNCTIONALITY CITY FOR LOCAL COUNCIL FOR THE PROTECTION OF CHILDREN (LCPC)
โSa binigay na tala ng Department of Interior and Local Government (DILG) Central Luzon, isa ang SAN JOSE CITY sa hinirang na IDEAL FUNCTIONALITY CITY mula sa datos ng FY 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment.
Kapag ikaw ay napabilang sa kategoryang ito ang ibig sabihin ay epektibo ang pag-iimplement sa mga programa at serbisyo pagdating sa proteksyon ng mga bata sa ating lungsod. Ang kanilang batayan sa assessment ay ang mga sumusunod:
1. โPagpapanatili ng Organisasyon
2. โMga Patakaran at Plano para sa mga Bata
3. โAlokasyon ng Badyet para sa LCPC
4. โPaghahatid ng Serbisyo, Pagsusuri, at Pamamahala para sa mga Bata
โAng mga gawaing ito ng ating Lokal na Pamahalaan ay magpapatuloy at suportado ng ating Mayor Josel F. Violago lalong-lalo para sa mga bata dito sa ating Lungsod upang maisulong at pangalagaan ang kanilang karapatan.