One Camanacsacan

One Camanacsacan

Share

PAGKAKAISA PARA SA PATULOY NA PAGBABAGO

19/06/2026

Isang paanyaya po mula sa BLACK GOLD PHIL'S INC. halina't sumali at matuto ng makabagong pag-aalaga para maging mataas ang ani at kita sa inyong mga pagsasaka! May libreng snacks at raffle pa na gaganapin bukas June 20, 2026 sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa ating Multi Purpose Gym.

18/06/2026

Bumisita ang mga kinatawan ng Samahan ng mga Magulang at G**o (SPTA) ng Camanacsacan Elementary School na pinangunahan ni Gng. Jenny M. Somera sa tanggapan ng Punong Barangay Dennis Llena Pascua. Ayon sa mga kinatawan, ang pangunahing layunin ng kanilang pagbisita ay ang paghiling ng tulong pinansyal na magagamit para sa kanilang nalalapit na aktibidad. Agad namang tinugunan ng Punong Barangay ang kanilang kahilingan. Nakatakda kasing isagawa ang kanilang Induction at Panunumpa sa Tungkulin sa darating na Biyernes, ika-19 ng Hunyo 2026. Ang nasabing okasyon ay mahalaga upang opisyal na maipakilala at maupo ang mga bagong halal na opisyal ng samahan, na siyang magtutulungan upang mapagbuti pa ang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng paaralan.

Photos from One Camanacsacan's post 18/06/2026

Ang damayan po ng Barangay Camanacsacan ay muling nag award ng tulong pinansyal sa pamilya ng naulila ni G. Christopher Villamar. Ang buong opisyal at miyembro po ng ating damayan ay buong pusong nakikiramay.

Photos from One Camanacsacan's post 15/06/2026

Week 24 BRGY. CAMANACSACAN





11/06/2026

Isa nanaman pong kabarangay natin na si G. Paul ang nagsauli ng kanyang napulot na cellphone na pagma may-ari ni G. Ramos ng Sto. Tomas. Maraming Salamat po sa katapatan nyo G. Paul 👏

Photos from One Camanacsacan's post 11/06/2026

Isang paanyaya po mula sa BlackGold Phil's Inc.

Farmers meeting on June 13, 2026, 2:00-3:00 pm, at Multi Purpose Hall.
Thank You!

11/06/2026

Para sa kaalaman po ng lahat na ang lahat po member and consumer po ng CamaPowas Phase 1, 2 and 3 ay magkakaroon po ng GENERAL MEETING bukas June 12, 2026, 1:00 PM sa atin pong Multi Purpose Hall. Inaasahan po ang inyong pagdalo sa importanteng pagpupulong na ito.Maraming Salamat po!

Photos from One Camanacsacan's post 09/06/2026

Week 23 BRGY. CAMANACSACAN





07/06/2026

📢 P A B A T I D

Sa lahat ng mamamayan ng Barangay Camanacsacan,

Ipinababatid po sa lahat na magkakaroon ng REGISTRATION PARA SA NATIONAL ID sa ating barangay sa mga sumusunod na petsa at oras:

📅 KAILAN: Bukas, Hunyo 8, 2026 (Lunes)
🕘 ORAS: 9:00 ng umaga – 3:00 ng hapon
📍 SAAN: Barangay Hall, Barangay Camanacsacan

Hinihikayat ang lahat na lumahok at magpalista upang magkaroon ng pambansang pagkakakilanlan. Mangyaring magdala ng anumang dokumento na maaaring magsilbing patunay ng pagkakakilanlan at tirahan kung mayroon man.


Maraming salamat po.

Photos from One Camanacsacan's post 05/06/2026

Ang damayan po ng Barangay Camanacsacan ay muling nag award ng tulong pinansyal sa pamilya ng naulila ni Gng April L. Gimutao. Ang buong opisyal at miyembro po ng ating damayan ay buong pusong nakikiramay.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Brgy. Camanacsacan
San Jose
3121