29/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nakatanggap ng impormasyon ang San Jose Municipal Police Station mula sa intelligence operatives ng 68th Infantry Battalion, Philippine Army hinggil sa nagaganap na armadong engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at hindi pa matukoy na bilang ng hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).
Ang insidente ay naganap bandang 2:20 ng hapon, Marso 29, 2026 sa Sitio Salapay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro.
Agad na kumilos ang Occidental Mindoro Police Provincial Office sa pamamagitan ng pagpapatupad ng SEAL-OFF Plan upang maiwasan ang paglawak ng insidente, masiguro ang kaligtasan ng publiko at upang kaagad na maharang ang mga tumakas na miyembro ng Communist Terrorist Group. Inatasan din ang mga patrollers na magsagawa ng inspeksyon sa mga ospital upang matukoy kung may mga sugatang indibidwal na sangkot sa engkuwentro.
Nakipag-ugnayan na rin ang Occidental Mindoro PPO sa 405th Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at 102nd Special Action Company (SAC) ng Special Action Force (SAF) para sa mas pinaigting na operasyon at pagpapatibay ng SEAL-OFF Plan sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang intelligence monitoring at koordinasyon ng mga awtoridad upang matiyak ang agarang pagresponde at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Pinapayuhan ang publiko na umiwas muna sa lugar ng insidente at manatiling mapagmatyag. Hinihikayat din ang lahat na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos o impormasyon na may kaugnayan sa insidente.
28/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Naaresto ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro bandang 12:20 ng tanghali noong Marso 27, 2026, dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas โToteng,โ 25 taong gulang, residente ng Brgy. Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro, na kabilang sa kategoryang Street Level Individual (SLI); at si alyas โRapโ, 28 taong gulang, residente ng Poblacion, Sablayan, Occidental Mindoro, na isang newly identified drug personality.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Sablayan Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office MIMAROPA.
Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.3 gramo mula sa mga suspek kapalit ng halagang limang daang piso. Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska mula kay alyas โRapโ ang marked money na limang daang piso. Samantala, mula kay Vitorres ay narekober ang isang (1) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.8 gramo na may tinatayang street value na isang libong piso.
Ang operasyon ay alinsunod sa Enhanced ALERTO Strategic Framework na itinakda ni PRO MIMAROPA Regional Director PBGEN JOVENCIO S. BADUA JR., na nagsisilbing gabay sa lahat ng yunit para sa patuloy na pinaninindigan ng Bagong PNP para sa serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.
Patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan, ayon sa direktiba ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU, JR, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, upang mapanatili ang maayos, ligtas, at payapang komunidad para sa patuloy na pag-unlad ng .
27/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Bilang paghahanda sa SUMMER VACATION 2026, pinaaalalahanan ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang publiko na maging mapagmatyag laban sa dumaraming kaso ng online rental at booking scams na target ang mga nagbabalak magbakasyon.
Sa pagdami ng mga nagbu-book ng matutuluyan online, sinasamantala ito ng mga scammer sa pamamagitan ng pag-post ng mga pekeng listing, pag-aalok ng mga presyong โsobrang mura,โ at pagpilit sa mga biktima na agad magbayad sa labas ng mga lehitimong booking platforms.
Narito ang mga karaniwang palatandaan ng rental scam:
โข ๐๐๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ซ๐๐ฉ โ Humihingi ng bayad sa pamamagitan ng direct bank transfer, wire transfer, o cryptocurrency sa halip na gumamit ng secure booking platforms.
โข ๐๐๐ฌ๐ฒ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ โ Nag-aalok ng marangyang accommodation sa napakababang halaga upang makahikayat ng biktima.
โข ๐๐๐-๐๐ฅ๐๐ญ๐๐จ๐ซ๐ฆ ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ โ Pinipilit ang komunikasyon at bayaran na gawin sa labas ng opisyal na booking sites.
โข ๐๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ข (๐๐ซ๐ ๐๐ง๐๐ฒ) โ Pinipilit ang biktima na magbayad agad upang โhindi maunahanโ o โma-secureโ ang booking.
Upang maiwasan ang pagiging biktima, pinapayuhan ang publiko na:
โข ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ถ๐บ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ด
โข ๐-๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ณ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ผ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐๐บ๐ถ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐
โข ๐๐๐บ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฏ๐ผ๐ผ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐น๐ฎ๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ
Patuloy ang aming kampanya laban sa cybercrime at hinihikayat namin ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa PNP Anti-Cybercrime Group ang anumang kahina-hinalang online transaksyon.
โManatiling mapanuri at tiyaking beripikado ang inyong mga transaksyon bago mag-book. Ang inyong kaligtasan ay aming prayoridad.โ
25/03/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Ang Occidental Mindoro Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL TIMOTEO L. ESPIRITU, JR. โ Provincial Director ay nagbigay ng babala at magpapaigtingin pa ang kampanya laban sa lumalaganap na online banking fraud at ibaโt ibang uri ng financial scams na patuloy na nagiging banta sa seguridad ng pananalapi ng publiko.
Sa patuloy na pag-usbong ng digital transactions, dumarami rin ang mga manloloko na gumagamit ng makabagong paraan tulad ng phishing links, fake bank alerts, social media scams, at investment fraud upang makuha ang sensitibong impormasyon ng mga biktima gaya ng OTP, passwords, at bank details.
Narito ang mga karaniwang modus ng mga scammer:
โข ๐๐ก๐ข๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐๐ ๐๐ฌ โ Mga text, email, o chat na nagpapanggap na mula sa bangko at humihingi ng personal na impormasyon
โข ๐
๐๐ค๐ ๐๐๐ง๐ค ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฌ โ Tawag mula sa nagpapakilalang bank representative upang makuha ang OTP o account details
โข ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ฆ โ Pangakong mabilis at malaking kita kapalit ng maliit na puhunan
โข ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ ๐๐๐ค๐๐จ๐ฏ๐๐ซ โ Pag-hack ng social media o bank accounts upang manghingi ng pera sa mga contact ng biktima
Bilang pag-iingat, ang publiko ay mahigpit na pinapayuhan na:
โข ๐๐๐๐ฎ๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ข๐ง๐ฃ, ๐ฃ๐๐ก, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ฑ
โข ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฐ๐น๐ถ๐ฐ๐ธ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ-๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ป๐ธ๐
โข ๐ฆ๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ถ๐บ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฏ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ผ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐บ๐ฎ๐ด-๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ป
โข ๐๐๐บ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐น๐ฎ๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐
โข ๐-๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ-๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ธ๐๐๐ผ๐ป
Patuloy kami sa pakikipagtulungan sa PNP Anti-Cybercrime Group upang mapalakas ang information drive at maprotektahan ang mamamayan laban sa cyber-enabled financial crimes.
โAng pagiging mapanuri at maingat sa bawat online transaction ang pinakamabisang proteksyon laban sa panlilinlang. Huwag basta magtiwalaโlaging mag-verify.โ
25/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Naganap ang isang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Danlog, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong umaga ng Marso 24, 2026.
Batay sa ulat, bandang 6:38 ng umaga nang makasagupa ng composite platoon mula sa 68th Infantry Battalion, Philippine Army ang hindi matukoy na bilang ng CTG sa nasabing lugar.
Bandang 6:51 ng umaga, natanggap ng Intelligence personnel ng San Jose Municipal Police Station (MPS) ang impormasyon ukol sa nagaganap na engkuwentro mula sa intelligence operatives ng 68th Infantry Battalion. Agad namang ipinaalam sa Provincial Tactical Operations Center (PTOC) ang insidente at ipinatupad ang seal-off plan upang kaagad na maharang ang mga tumakas na miyembro ng Communist Terrorist Group.
Inatasan din ang mga yunit ng pulisya na magsagawa ng inspeksyon sa mga ospital sa kanilang nasasakupan upang matukoy kung may mga indibidwal na posibleng nasugatan at magpapagamot kaugnay ng engkuwentro.
Ayon sa ulat ng militar, tumagal ng humigit-kumulang labinglimang (15) minuto ang palitan ng putok bago umatras ang mga kalaban patungong hilagang direksyon. Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa hanay ng pamahalaan, habang hinihinalang may tinamong kaswalti sa panig ng kalaban batay sa mga bakas ng dugo na nakita sa kanilang pinagtataguan.
Isang (1) backpack at iba pang personal na kagamitan ang naiwan at narekober sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, nagsagawa ng koordinasyon ang San Jose MPS sa Provincial Explosives and Canine Unit (PECU) at Provincial Forensic Unit para sa crime scene processing. Patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon kaugnay ng insidente.
Tiniyak ng Occidental Mindoro Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU, JR โ Provincial Director, ang kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
25/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Nagbabala ang Occidental Mindoro Police Provincial Office sa publiko laban sa patuloy na paglaganap ng online investment scams na nagdudulot ng malaking pinsala sa pinaghirapang pera ng mga mamamayan.
Batay sa datos ng Philippine National Police, daan-daang kaso ng investment scam ang naitala sa nakaraang taon, kung saan karaniwang ginagamit ng mga manloloko ang pangakong โmalaking kitaโ upang makahikayat ng mga biktima.
Ayon dito, ang mga scammer ay gumagamit ng ibaโt ibang paraan upang linlangin ang publiko:
โข ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฉ โ Gumagamit ng kapani-paniwalang presentasyon, videos, o patotoo upang magmukhang lehitimo ang kanilang alok.
โข ๐๐๐ฅ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ค๐จ โ Nangangako ng mataas at garantisadong kita kahit walang panganib, na isang malinaw na red flag.
โข ๐๐๐ข๐ง (๐๐๐ง๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐) โ Hinihikayat ang maliit na puhunan at minsan ay pinapayagan ang paunang withdrawal upang makuha ang tiwala ng biktima.
โข ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ค๐จ๐ญ ๐จ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ โ Pinipilit ang agarang pagdedesisyon upang hindi na makapag-isip nang mabuti ang biktima.
โข ๐๐๐ ๐ญ๐๐ค๐๐ฌ โ Bigla na lamang nawawala ang scammer at hindi na ma-withdraw ang pera ng biktima.
Binigyang-diin ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU, JR โ Provincial Director ng Occidental Mindoro PPO, na ang mga lehitimong investment ay hindi nagbibigay ng garantisadong mataas na kita sa maikling panahon.
Hinihikayat din ang publiko na beripikahin muna ang kumpanya o platform bago mag-invest at huwag basta-basta magbahagi ng personal o financial information online.
Pinapaalalahanan ang lahat na maging mapanuri at agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa PNP Anti-Cybercrime Group ang anumang kahina-hinalang transaksyon.
โAng kaalaman at pagiging mapagmatyag ang pinakamabisang sandata laban sa panlilinlang,โ ayon kay PCOL ESPIRITU, JR.
Patuloy ang Occidental Mindoro PPO sa pagpapaigting ng kampanya kontra cybercrime upang maprotektahan ang bawat mamamayan laban sa mga mapanlinlang na modus online.
24/03/2026
๐๐๐๐ข๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ ๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐-๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ข๐ญ๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐๐๐๐จ๐ซ๐ญ
The Occidental Mindoro Police Provincial Office, in partnership with Yahweh Global Mission, delivered vital services in a 5-day humanitarian mission aimed at uplifting communities and delivering essential services across selected areas in Occidental Mindoro.
The collaborative effort yielded significant accomplishments, benefiting thousands of individuals through various outreach programs:
โข 610 beneficiaries received free eyeglasses, improving vision and daily quality of life;
โข 1,160 individuals, including children, were served during the feeding activities;
โข 145 individuals received food packs through relief distribution;
โข 510 individuals availed of free health check-ups and medicines; and
โข 145 participants completed the training seminar on โResilience Under the Rig: Wellness, Mental Health & Human Developmentโ, promoting mental well-being and personal development.
This mission reflects the strong commitment of both organizations to community service, inclusivity, and sustainable development. Through collective efforts, the initiative addressed immediate needs while also empowering individuals with knowledge and support systems for long-term resilience.
The Occidental Mindoro PPO reaffirmed its dedication not only to maintaining peace and order but also to actively engaging in community development programs that enhance the well-being of the people. Meanwhile, Yahweh Global Mission expressed its continued support for collaborative initiatives that bring meaningful and lasting impact to grassroots communities.
This successful partnership stands as a testament to the power of unity, compassion, and shared purpose in building stronger and healthier communities.
24/03/2026
๐ฃ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
The public is hereby informed of an ongoing armed encounter between government troops and alleged Communist Terrorist Group (CTG) that occurred on March 24, 2026, at around 7:16 AM in the vicinity between Brgy. Monteclaro and Brgy. Naibuan, San Jose, Occidental Mindoro.
In line with this, the Occidental Mindoro PNP has implemented immediate security measures, including the activation of the SEAL-OFF Plan, intensified checkpoint operations, and close coordination with other law enforcement and military units.
๐จ For Public Safety:
โข Avoid traveling to or near the affected areas until the situation is declared safe
โข Remain vigilant and report any suspicious persons or activities
โข Follow instructions from authorities and cooperating agencies
โข Seek immediate assistance from nearby police stations if necessary
Authorities are continuously conducting clearing operations and monitoring the situation to ensure the safety and security of our communities.
Further updates will be provided as developments unfold.
๐ For emergencies, please contact your nearest police station.
Stay alert. Stay safe.