21/09/2026
ππ ππππππ πππππππ, ππππππππ ππ πππππ-πππππ ππ πππππππππ ππ ππππππ πππ
SAN JOSE, Occidental Mindoro β Umabot sa 15 wanted persons ang naaresto o napagsilbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (OCCMIN PPO) sa magkakahiwalay na operasyon mula Setyembre 14 hanggang 18, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga warrant at pagpapalakas ng law enforcement operations sa lalawigan.
Nagsimula ang serye ng mga operasyon noong Setyembre 14, 2026, nang dakpin ng Calintaan MPS si alyas βJayβ, na boluntaryong sumuko sa pulisya sa Calintaan MPS. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant para sa Serious Physical Injuries, na may inirekomendang piyansa na β±10,000.00.
Sa parehong araw, dakip din ng Mamburao MPS, 402nd BMC RMFB, at 2nd OMPMFC si alyas βAdoβ, na Rank 8 Most Wanted Person sa Provincial Level, Brgy. Tayamaan, Mamburao. Siya ay may warrant kaugnay ng kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng R.A. No. 7610, na may inirekomendang piyansa na β±200,000.00.
Samantala, noong 12:10 PM ng Setyembre 14, nagsilbi ang joint personnel ng Batangas City Police Station, San Jose MPS, at PIU-OCCMIN PPO ng warrant of arrest kay alyas βJr.β na kasalukuyang nakakulong sa BJMP, Batangas City. Ang warrant ay kaugnay ng kasong Robbery with Force Upon Things sa ilalim ng Article 299 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansa na β±72,000.00.
Noong Setyembre 15, 2026, alas-9:30 ng umaga, naaresto naman sa Brgy. Tilik, Lubang si alay βAJβ. Isinagawa ang operasyon ng Lubang MPS, katuwang ang Magallanes MPS ng Cavite PPO, sa bisa ng warrant kaugnay ng kasong R**e by Sexual Assault, na may inirekomendang piyansa na β±200,000.00.
Noong Setyembre 16, alas-9:40 ng umaga, naaresto sa Brgy. Lumangbayan, Abra de Ilog si alyas βJMβ, ng Abra de Ilog MPS, katuwang ang 402nd BMC RMFB, Abra de Ilog MLET, at 2nd PMFC. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant para sa Other Forms of Trespass sa ilalim ng Article 281 ng Revised Penal Code, na walang inirekomendang piyansa at kaugnay ng service of sentence.
Sinundan ito noong Setyembre 17, alas-4:30 ng hapon, nang maaresto sa Brgy. Mulawin, Santa Cruz sina alyas βNardoβ, at alyas βLizaβ, ng Santa Cruz MPS, katuwang ang 402nd BMC, PIU-OCCMIN PPO, at 2nd OMPMFC. Sila ay inaresto sa bisa ng warrant kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree No. 1067 o Water Code of the Philippines, partikular sa Article 91(B)(3), na may inirekomendang piyansa na β±36,000.00 bawat isa.
Noong Setyembre 18, dalawang magkahiwalay na operasyon ang isinagawa. Alas-4:52 ng hapon, naaresto sa Brgy. Poblacion 7, San Jose si alyas βJojoβ, ng San Jose MPS, katuwang ang MARPSTA Occidental Mindoro at PIU-OCCMIN PPO. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant para sa Serious Physical Injuries sa ilalim ng Article 263 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansa na β±18,000.00.
Samantala, alas-11:30 ng gabi ng parehong araw, anim na wanted persons ang sabay-sabay na naaresto sa Abra de Ilog. Kinilala ang mga ito na sina alyas βJPβ; alyas βInggoβ; alyas βEmβ; alays βADβ; alyas βBabyβ; at alyas βOnnieβ. Isinagawa ang operasyon ng Provincial Highway Patrol Team OCCMIN bilang lead unit, katuwang ang Abra de Ilog MPS, sa bisa ng warrant na inisyu noong Setyembre 14, 2026 kaugnay ng Other Forms of Trespass sa ilalim ng Article 281 ng Revised Penal Code, na walang inirekomendang piyansa at para sa service of sentence.
Ayon kay PCOL Ali Jose A. Duterte, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ang magkakasunod na operasyon ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na ipatupad ang mga warrant of arrest at tiyaking naihaharap sa nararapat na proseso ng batas ang mga taong may kinakaharap na kaso.
βPatuloy nating paiigtingin ang ating manhunt at warrant-serving operations upang matiyak na walang warrant ang mananatiling hindi naipatutupad. Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon, mabilis na pagtugon, at pagsunod sa proseso ng batas, isusulong natin ang isang mas ligtas at maayos na Occidental Mindoro,β pahayag ni PCOL Duterte.
Ang lahat ng naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng kani-kaniyang police units o detention facility para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, alinsunod sa umiiral na batas at mga kautusan ng hukuman.