20/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Matagumpay na ipinagdiwang ang 52nd Nutrition Month Celebration noong July 31, 2026 sa Poblacion, San Jose, Romblon covered court. Sa temang "Nutrisyon at Kalikasan ating Pangalagaan!", binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang pagkain at malusog na pamumuhay para sa bawat pamilya. Sinimulan ang programa sa Welcome Remarks ni Ms. Maybel H. Magbanua, MNAO at sinundan ng Message of Support ni Dr. Rhey Ian N. Buluag, at Hon. Argel Z. Fortunato. Naging tampok din ang Nutrition Talk on Food Preparation ni Ms. Melquie Joy F. Fabregas, Nutrition Officer II, mayroon din gulayan at check-up para sa mga dumalo.
Namahagi rin ng food packs para sa mga beneficiaries at nakilahok din ang Department of Agriculture at DOLE Tupad sa nasabing selebrasyon. Ang tagumpay ng pagdiriwang ay patunay na sa pagtutulungan ng komunidad, mas napapalakas ang kamalayan sa nutrisyon at mas naitataguyod ang isang malusog at masiglang bayan ng San Jose, Romblon.