12/06/2026
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kanlurang Mindoro sa pangunguna ni Gobernador Eduardo B. Gadiano kasama ang lahat ng kawani ng PGO San Jose sub-office sa pag gabay ni PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ating ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan.
Ngayong ika-12 ng Hunyo 2026 ay ating patuloy na natatamasa ang pagiging isang malayang Pilipjno, atin itong ipagmalaki, ingatan at pagyamanin pagkat wala nang iba pang hahalaga pa kundi ang pagiging isang malayang bansa.
Muli po, Happy 128th Independence Day po mga Kababayan.
11/06/2026
ππ’π§π π§ππ§: Patuloy na nagsasagawa ng distribusyon ng Milestone Incentive para sa mga lolo at lola sa bayan ng San Jose, ito ay isa sa maraming programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Eduardo B. Gadiano katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office, isang mainit na pag welcome ang isinalubong ni PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee na tumanggap ng kanilang mga milestone incentive kaninang umaga, ika-11 ng Hunyo taong kasalukuyan sa PGO San Jose sub-office.
Photo Credit: Jessica Esguerra β PGO-SAMARICA EA OFFICE
08/06/2026
πππππ ππππππππππ πππππππππ ππ ππππ πππ ππππ πππ-ππ
π
πππ, ππππππππ ππ ππππππππ ππ πππππ ππ πππππππππ ππππππ πππππππππππππ ππ πππ ππππππππππ πππππππ
Matagumpay na naisagawa ang Flag Raising Ceremony ng mga kawani ng PGO San Jose sub-office ngayong Lunes ng umaga, ika-08 ng Hunyo, taong kasalukuyan, sa Barangay Magbay sa bayan ng San Jose.
Katuwang ni PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee ang mga dedikadong staff ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) SAMARICA sa nasabing aktibidad, isa namang presetasyon ang ipinagkaloob ng PDRRMO-SAMARICA patungkol sa kanilang mga naging aktibidad nitong pangalawang yugto ng taong 2026.
Bahagi ng nasabing aktibidad ang pagbibigay-pagbati kay Ginoong Eddie Wagan mula sa ICCAO-SAMARICA na isa nang ganap na konsehal ng bayan ng Magsaysay na magre-representa sa mga katutubong Mangyan sa bayan ng Magsaysay. Sa anunsyong inihatid ni Indigenous Cultural Community Affairs Office (ICCAO) Focal Person/Executive Assistant I Voltaire Valdez, si Ginoong Wagan ay isang empleyado ng ICCAO bago mahirang na konsehal ng nasabing bayan. Gayundin ay ipinabatid ni EA I Valdez na aprubado na ni Gov. Ed Gadiano ang pagpapatayo ng 21 bahay pulungan ng mga kababayan nating mga Mangyan sa ibaβt ibang lugar at bayan sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro.
π¦ππ₯πππ¦π¬π’π‘π πππ‘πππ’!
πππ‘πππ’ π‘π, π ππ¦ πππππ‘ππππ‘ π£π!
01/06/2026
πππ πππππππππ ππ
π
ππππ πππππππππ - ππππππππ ππππππππ ππ πππ πππ ππππ πππ-ππ
π
πππ
Nakipagpulong ngayong araw, ika-1 ng Hunyo taong kasalukuyan si PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee sa mga staff ng Community Affairs Office βSAMARICA sa ilalim ng pag gabay ni Ms, Marylou V. Cologan bilang bahagi ng kanilang lingguhang pagpupulong hinggil sa mga pinakabagong impormasyon at pagatatala patungkol sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing pagpupulong ay ang patuloy na pagsasagawa ng mentoring, monitoring and evaluation patungkol sa mga sustainable projects and programs na ipinapatupad at isinasagawa sa SAMARICA area na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Eduardo B. Gadiano. Sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay patuloy na nasusubaybayan ang mga sustainable livelihood projects and programs na ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Occidental Mindoro partikular na sa SAMARICA Area.
Gayundin ay natalakay din ang mga isasagawang mga paghahanda para sa darating na panahon ng tag-ulan, ang mga kawani ng CAA β SAMARICA ang siyang maaaring unang mapakapagbigay ng paunang ulat sa kanilang mga area of responsibility sa SAMARICA area, hinggil na rin sa pagmomonitor ng sitwasyon sakaling kailanganin ng tulong ngayong parating na ang tag-ulan sa lalawigan. Kabilang na rin sa natalakay ang weekly assessment ng mga naturang programa upang mas mapaibayo ang paglilingkod ng mga ito.
Bahagi din ng nasabing pagpupulong ay hinikayat ni EA II June Lee ang mga nasabing kawani na magsagawa ng self-evaluation ukol sa kanilang mga naging bahagi sa bawat programa at proyekto ng PGOM, kabilang na rin sa nasabing self-evaluation ay upang ma-assess ang kanilang mga sarili sa mga gawain na kailangan pang pag-ibayuhin at paghusayan upang patuloy na makapag bigay ng mas mataas na antas na Serbisyong Ganado sa mga mamamayan ng lalawigan.
π¦ππ₯πππ¦π¬π’π‘π πππ‘πππ’!
πππ‘πππ’ π‘π, π ππ¦ πππππ‘ππππ‘ π£π!
01/06/2026
ππ
π-πππ. πππππππ ππππππππππππ πππ π
πππ πππππππ ππππππππ ππ πππ πππ ππππ πππ-ππ
π
πππ
Pinangunahan ngayong umaga, ika-1 ng Hunyo taong kasalukuyan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) β Occidental Mindoro ang flag-raising ceremony ng mga lingkod-kawani ng PGO San Jose sub-office sa Barangay Magbay sa bayan ng San Jose.
Sa pangunguna ni PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee ay sinimulan ang unang araw ng buwan ng Hunyo ng isang progresibo at Serbisyong Ganado ang mga kawani ng PGO San Jose sub-office, sa kanyang mensahe ay muli niyang ipinapaalaala ang tagubilin ng butihing Gobernador Eduardo B. Gadiano ang pagbibigay ng tapat at may malasakit sa kapwa na paglilingkod.
Sa pagtatapos ng nasabing aktibidad ay isang anunsyo ang ipinagkaloob ng Provincial Environment and Natural Resources Office (ENRO) β SAMARICA sa pangunguna ni Mr. Perlito Enriquez patungkol sa pagsasagawa ng pamimigay ng mga Information, Education, and Communication materials patungkol sa Environment Month na isasagawa ng kanilang mga kawani sa bawat opisina sa PGO San Jose sub-office.
π¦ππ₯πππ¦π¬π’π‘π πππ‘πππ’!
πππ‘πππ’ π‘π, π ππ¦ πππππ‘ππππ‘ π£π!