25/09/2025
LEGACY STARTS TODAY
The alumni of 'The Grain', called 'The Grain Legacy', reintroduced itself as it donated broadcast equipment to 'The Grain', the official publication of San Jose City National High School.
The simple turn-over ceremony was attended by all 'The Grain' campus journalists and students from the school's Special Program in Journalism.
Five sets of dual wireless lapel microphones were donated to equip the journalists in producing better quality media output and stories.
On behalf of the school, Jennifer Oligan, one of 'The Grain's' Adviser, said that this is not only a simple donation but a symbolic one on how stakeholders value the school's campus journalism program.
The 'Grain Legacy' were represented by former editors Madison Munar, Louie Viernes, and Atty Christopher Pobre.
In a short message, Viernes emphasized the value of using the experience of campus journalists to build character and self confidence.
Atty. Pobre then challenged the young journos to not only focus on skills and aesthetics, but also report stories that matter and that should reflect the voice of the students. He likened a journalist who only wish to hone skills for compettions as a doll, beautiful on the outside but lacking real life.
He further added that SJCNHS is the epicenter of freedom of expression thus to honor this heritage, student should be on the side of what is good.
After the program, members of the mobile journalism were given the chance to test out the new equipment.
In addition, a roundtable dialogue was made to clarify and strenghten policies and set-up of 'The Grain' in line with the One-School Policy.
The Grain Legacy hopes to duplicate this project in the future.
18/09/2025
SJCNHS, MAY BAGONG MGA TOPNOTCHERS!!!
Mainit na pagbati sa ating mga alumni na pasok sa Top 10 sa nakaraang August 2025 Criminology Licensure Exam, kabilang ang TOP 1!!!
🥇Top 1: STEPHANIE LUCQUIAO SAJOR 🫡
⭐️Top 5: Yvan Christian S. Mariano
⭐️Top 6: Wendel Mark B. Aguilar
Ang inyong Alma Mater at mga Ka-Alumni ay sobrang nagagalak at ipinagmamalaki ang karangalan na inyong nakamit.
Maging inspirasyon sana kayo sa ating mga future alumni at maging mahalagang haligi sa ating lipunan.
Mabuhay kayo!!!
16/09/2025
OPISYAL NA PAHAYAG NG ALUMNI FEDERATION, INC. PATUNGKOL SA ISYU NG SEXUAL HARASSMENT AT VICTIM SHAMING SA SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL (SJCNHS)
Kamakailan ay nagkaroon ng dalawang viral posts na nangyari sa SJCNHS: Una ay ang isang g**o sa Senior High School (SHS) na diumano ay notoryus na gumagawa ng sexual harassment na sa halip ay parusahan ay inilipat lamang, at; ang punong g**o ng SHS na diumano ay nag-'victim shaming' o nagpahayag na kasalanan ng biktima ang hindi pagsusumbong.
Nababahala ang buong Alumni Federation at kumukondena sa anumang klase ng sexual harassment at victim shaming sa ating paaralan.
Kaya naman tayo ay nananawagan sa pamunuan ng paaralan, sa DepEd Division of San Jose City, at sa Local Government Unit ng SJC na:
- gumawa ng aksyon upang imbestigahan ang katotohanan sa mga bintang at mabilis na papanagutin ang may mga sala; walang pipiliin, isama ang gumawa ng krimen, ang hindi umaaksyon, ang nangungumbinsing ikubli ang sumbong, victim shamers, at ang mabagal ipausad at inuupuan ang mga nakabinbin na mga kaso
- baguhin at itama ang mindset sa mga paaralan,
- bisitahin ang mga patakaran sa sexual harassment
- at lumikha ng mga batas laban sa ganitong mga krimen
IMBESTIGAHAN ANG MGA BINTANG AT PANAGUTIN ANG MAYSALA
- Mayroong itinakdang panahon para imbestigahan ang mga ganitong kaso. Lumalabas sa mga pahayag sa social media na masyadong matagal na nabibinbin ang mga prosesong ito
- Ang Alumni Federation ay partner ng The GROWL Project, isang institusyon na sumbungan ng ganitong mga kaso. Mayroon na itong partnership sa mga paaralan at nag-donate pa ng aklat sa lahat ng pampublikong paaralan sa Division of SJC na may impormasyon tungkol sa sexual harassment at kung paano ito aksyunan. Nakakalungkot na tila hindi naman inaral AT ipinatupad ang mga alituntunin na ito noong mga nakaraang panahon
- Sana'y magkaroon ng transparency case progress ng mga sexual harassment cases kung saan nakikita ang estado ng mga sumbong ngunit redacted o nakatago ang detalye ng nagsusumbong at isinusumbong bilang pagrespeto sa due process
BAGUHIN AT ITAMA ANG MINDSET SA EDUCATION SECTOR
- Ang pahayag na 'victim-shaming' na kumalat sa social media ay di lamang dapat tingnan na kamalian ng isang g**o/punong g**o kundi isang repleksyon ng kabuuang mindset ng education sector pagdating sa sexual harassment.
- kaya naman dapat ay tanggalin at baguhin ang mantra ng DepEd D.O. na 'Happy Lang' (via Division Memo No. 1 s. 2025) sapagkat repleksyon ito ng indifference at pagkamanhid sa mga hamon ng edukasyon kung saan ay hindi dapat maging happy lang kung sosolusyunan at haharapin ito ng tama
- nakaririnig tayo ng sentimyento ng pagkahabag sa mga inirereklamo dahil ito ay 'kabaro.' Dapat nating tandaan na walang karapatang magsuot ng baro ng isang g**o ang mga sexual predators at enblers nito.
- madalas din ay may mga verified ngunit anonymous report na diumano ay tini-trivialize o binabalewala ng ilang mga g**o at kawani ng DepEd ang sexual harassment (Halimbawa: may nagsumbong na bata dahil malagkit daw siyang tingnan ng isang g**o, ngunit ang tugon ng pinagsumbungang g**o ay 'Hayaan niyo lang, wala pa naming ginagawang masama si Sir.'). Ito ay dapat mariing ipagbawal at itama.
BISITAHIN ANG PATAKARAN SA SEXUAL HARASSMENT
- Ang nakikita ng Alumni Federation na isa sa mga ugat ng problema ay ang paraan ng paggamit ng Gender and Development (GAD) funds
- hindi masama na gamitin ito sa ibang mga 'GAD-able' na programa pero tila walang tuluy-tuloy na mga seminars at training tungkol sa sexual harassment ang ginagawa kaya tila hindi na nagiging prioridad and pangunahing dahilan ng paglalaan ng GAD funds. Ni walang regular na programa at mga ganap para rito.
LUMIKHA NG BATAS SA SEXUAL HARASSMENT
- Nakasaad sa Safe Spaces Act na tungkulin ng mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga 'localized' na batas tungkol sa Sexual Harassment kaya dahil sa mga exposé na nangyayari kamakailan ay panahon na upang pag-usapan sa Konseho ang ganitong mga panukala.
Ang Alumni ay hindi kaaway ng g**o, hindi kaaway ng principal, at hindi kaaway ng DepEd Office. Ang ating tunay na kaaway ay ang sexual harassment at ang systematic na impugnity o kawalan ng pakialam tungkol dito.
Ang pahayag na ito ay hindi upang magturo ng maysala, kundi upang umpisahan na natin na itama ang mali. Hindi ito ang panahon na tayo ay maging magkakaaway.
Naniniwala ang Alumni Federation na ang ating pagsasama-sama at pagkampi laban sa sexual na krimen sa mga paaralan ang tunay na solusyon sa mga hamon na ito.
Bukas ang Alumni Federation upang makipagtulungan. Ang kabastusan ay hindi biro at balewala. Protektahan natin ang mga bata sa paaralan. Linisin natin ang mga paaralan sa San Jose City! Iparamdam natin at ipakita sa mga magulang, learners, at stakeholders na ang SJCNHS ay safe at primerang eskwelahan. Mapanunumbalik lamang ito sa tunay na aksyon, solusyon, at pagbabago.
28/07/2025
1st EVER CATERS 2025 in SAN JOSE CITY
Ang CPNHS Alumni Federation Inc. ang naging location partner ng UP Organization of Novo Ecijano (UP ONE) ng kanilang taunang CATERS o review para sa mga kukuha ng college entrance exams gaya ng UPCAT nitong weekend, July 26-27 sa Alumni Hall.
Halos 100 na participants mula sa iba't-ibang lugar ang nakibahagi at nakinabang sa programang ito. Bahagi ng review ang mock exams, lecture, at mga teknik sa pagsagot sa exams.
Kabahagi ng programang ito ang IBP Nueva Ecija Chapter, SIDHA - San Jose City Inc., San Jose City National High School at The GROWL Project.
Dahil sa matagumpay na proyekto ay maaaring magkaroon ulit ng leg ang CATERS sa susunod na taon.
Mahalaga ito para may pagkakataon ang ating mga future alumni learners na magkaroon ng sapat na kakayahan na maipasa ang mga entrance exams ng paaralang nais nilang pasukan sa kolehiyo.
05/07/2025
GUSTONG SUMAKSES SA MGA COLLEGE ENTRANCE EXAM GAYA NG UPCAT ATBP.?
Ang CPNHS Alumni Federation Inc., The GROWL Project, SIDHA - San Jose City Inc. at UP Organization of Novo Ecijanos (UP ONE) ang gagabay sa inyo.
CATERS 2025 (College Admission Test Review Sessions)
Register na!!! (may minimal fee for materials at barkada bundle rates)
July 26-27, 2025
San Jose City National High School
OPEN SA LAHAT NA INCOMING COLLEGE SA SUSUNOD NA SCHOOL YEAR!
Narito ang registration link:
https://tinyurl.com/CATERS2025SanJose
https://tinyurl.com/CATERS2025SanJose
https://tinyurl.com/CATERS2025SanJose
Sa gitna ng malawak na palayan, may landas na patungo sa mga pinapangarap na unibersidad — handa ka na bang sundan ito? 🎓
Mula Gapan hanggang San Jose, patuloy ang pag-arangkada ng UP Organization of Novo Ecijanos – Diliman para sa ikalawang leg ng College Admission Test Review Sessions (CATERS) 2025 ✍🏻. Nandito kami upang gumabay at tumulong sa bawat hakbang ng iyong paghahanda.
Kaya’t ano pang hinihintay mo? Simulan na natin ang college goals na yan, magregister na!
https://tinyurl.com/CATERS2025SanJose
https://tinyurl.com/CATERS2025SanJose
https://tinyurl.com/CATERS2025SanJose
Kitakits, mga future Isko at Iska!
28/03/2025
Dati ka bang The Grain staffer? Sali ka sa reunion natin at pagbibigay pugay sa ama ng Campus Journalism ng San Jose City, Sir Marcos C. Vizon
Sali ka sa GC. Ito ang link
https://m.me/j/AbbDLZlXosLtEH9H/
30/01/2025
Mainit na pagbati sa delegasyon ng San Jose City National High School San Jose City National High School Senior High School Siklab - Sining Kanlungang Lino Brocka sa matagumpay na pakikilahok at pagningning sa Division Festival of Talents.
Pagpupugay sa ating mga mag-aaral, coaches, g**o, at pamunuan.
Mula sa inyong mga Tito at Tita Alumni ❤️
28/01/2025
The CPNHS Alumni Federation Inc. supports and stands by our campus journalists
We applaud and congratulate you in your triumph
And will still cheer you on and support you more in adversity and setbacks
We have always believed that Tatak City High Journalists are true journalists first, and all other things just secondary.
We congratulate the City High journalism family because you uphold the true spirit of journalism - the true voice of positive social change and not mere image building.
We applaud our alumni journos who still mentor our young ones and pass on both skills and values.
Walk on, stand tall. Your Titos and Titas Alumni will always be proud of you.
Don't waver your idealism, continue the activism.
Because the voice of the true campus journalism is the voice that constantly challenges convention that is only convenient to few.
Mabuhay mga Journong Tatak City High!!! 🔥🖋💪